Saturday , October 1 2022

Iñigo Pascual may bagong pag-ibig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


IGINIIT
ni Inigo Pascual na wala siyang lovelife sa kasalukuyan. Focus kasi siya ngayon sa kanyang music.

Sa digital media conference noong Martes para sa kanyang Options album na ire-release sa June 25, sinabi ni Inigo na, ”Right now I am not currently in love with someone but I am in love with what I am doing.

“I mean grabe ‘yung lahat ng mga nangyayari. It’s hard to really start something. I mean I’ve been saying that and I know people are getting so tired of my answer but that’s just the reality of it,” sambit ng binata ni Piolo Pascual.

Paliwanag pa ni Inigo, ”We are going through this pandemic, so much is going on. And ang hirap din magsimula na hindi ka makakapunta. It’s also hard to say na I’m in love, it’s such a big word.”

Ang Options  album ni Inigo ay may 12 orihinal na kanta na layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo. Ini-record niya ito ang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang producers at songwriters mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.

Layunin ng Options album ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad. Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.

Ang Neverland ang carrier single ng album na ipinrodyus ng global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey. Tinatalakay sa pop-R&B track ang pananatili sa ‘unknown’ kaysa gumawa ng hakbang para maintindihan ang isang ‘di pangkaraniwang relasyon.

Kasama pa sa Options album ang mga nauna nang ini-release na single, ang title track na OptionsDanger kasama ang Common Kings at si DJ FlictShould Be Me, at ang mga kolaborasyon niya kasama si Tarsier Records label head Moophs na LostCatching FeelingsAlways, at ang stripped version ng OMW.

Mapakikinggan na ang mga awitin sa Options sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang digital music apps simula sa June 25 (Biyernes), at abangan ang premiere ng music video ng Neverland sa parehong araw sa YouTube channel ng Tarsier Records.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply