Wednesday , October 23 2024

Entertainment

Kilalang actor, talo pa ang ka-loveteam sa sobrang kaartehan, Baguhang actor, ‘di nakatikim ng pork barrel ni gay benefactor

MAY problema ba ang kilalang aktor at hindi siya nakikipag-kaibigan? Naimbitahan ang kilalang aktor sa isang paliga ng basketball ng mga kapwa niya aktor para sa mga kapuspalad nating kababayan at um-oo naman. Katunayan, excited ang lahat dahil kompleto na ang team ng mga sikat, pero ang ending hindi dumating ang nasabing aktor. “Nakakataka nga, um-oo pa naman, expected pa …

Read More »

Megan Young, babawiin na kaya ng ABS CBN sa TV5? (Dahil nanalong Miss World 2013! )

MABUTI naman at nakatikim din ng good news ang ating bansa nang manalo si Megan Young bilang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia. Matapos tayong purgahin ng mga balita ng kaguluhan sa Zamboanga, kay Janet Napoles at ng mga katropa niyang mga politikong corrupt, welcome ang balitang wagi ang beauty ng Pinay sa Indonesia. Anyway, ngayong itinanghal nang Miss World …

Read More »

Vic, inalok na ng kasal si Pauleen!

INAMIN sa amin ng isang reliable soure na totoo ang lumabas na balitang inalok na ng kasal ni Vic Sotto ang girlfriend niyang si Pauleen Luna. Tumanggi lang daw si Pauleen dahil hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single. Kung ganyang inalok ng kasal ni Bosing ni Vic si Pauleen, iisa lang ang …

Read More »

Claudine, gumagamit daw ng droga? (Ayon sa isinumiteng counter affidavit ni Raymart)

ISINUMITE na ni Raymart Santiago noong Martes, Setyembre 24 ang 22 pahinang counter-affidavit sa Office of the City Prosecutor ng Marikina para pasinungalingan ang mga ibinibintang sa kanya ni Claudine Barretto. (Unang nagreklamo si Claudine ng pananakit o domestic violence laban kay Raymart. Humingi rin ito ng Permanent Protection Order (PPO) laban sa actor). Ayon sa balita, naiyak ang actor …

Read More »

Juan dela Cruz ni Coco, ‘di natalo ng bagong serye ng GMA

PATULOY ang paghahari sa primetime TV ng no.1 superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz sa kabila ng mga bagong programang itinatapat dito. Muling namayagpag noong Lunes (Setyembre 23) ang teleseryeng pinagbibidahan ng Drama King na si Coco Martin taglay ang 33.5% national TV ratings, o halos 17 puntos na kalamangan kompara sa bago nitong katapat na programa …

Read More »

Pagtalakay sa pork barrel scam, tuloy-tuloy sa The Bottomline

TATALAKAYIN ng The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Setyembre 28) ang matinding epekto sa sistema ng politika sa Pilipinas ng kontrobersiyal na priority development assistance fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel. Sa pagpapatuloy ng The Pork Barrel Interviews special, makakaharap ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang Bayan Muna Representative na si …

Read More »

Marian, may bagong eskandalo

SI Marian Rivera naman daw ang mayroong webcam scandal. Kumalat sa social media ang photo ng isang babaeng may kausap sa webcam na kamukha ni Marian. Pero wala namang mahalay sa photo. Sexy lang ang outfit ng girl na look-alike lang yata ni Marian. Kung totoong webcam scandal nga ‘yon, bakit hindi ipinalabas ang nilalaman ng video nang magkaalaman kung …

Read More »

Angel, magda-Darna uli!

SPEAKING of Angel Locsin, hindi itinanggi ng dalaga na interested siyang muling gumanap na Darna. Sa isang panayam ay sinabi nitong gusto niyang i-reprise ang role na nagpasikat sa kanya nang husto noong nasa GMA-7 pa siya. Hindi pa malaman sa ngayon kung sino ang gaganap na Darna. Parang mayroong bagong audition na gagawin dahil out na raw si Yam …

Read More »

Wowowillie, matamlay kapag wala si Willie

ILANG days din na non-appearance si Willie Revillame sa kanyang noontime show na Wowowillie sa TV5. Pansamantala si Randy Santiago ang nag-host kasama nina Mariel Rodriguez, Joy Viado, Cacai Bautista, Divine Lee at iba pa. Pero parang matamlay ang show kapag wala si Willie, medyo pahinga siya at inaasikaso ang mga finishing touch ng kanyang Wil’s Tower dahil nagbukas na …

Read More »

Amy, sawa na sa pagiging kapitana?

ISA kami sa nagulat sa balitang aalis na sa TV5 ang isa rin sa hinahangaan naming TV host na si Amy Perez. Gustong-gusto ko siya nang maging host ng Face-to-Face bilang isang Kapitanang pumapagitna sa mga nagkaka-problemang mga tao sa kanilang barangay. Ayon naman sa mga naglabasang balita mula sa side ng TV5, mutual naman daw ang desisyon nang magpaalam …

Read More »

Deliver me from people with bad intention

LAST  Sunday, Sept. 22, at about 11:15 pm sa kahimbingan ng aking pagtulog ay ilang beses nag-ring ang aking cellphone. It was Amalia Fuentes, pero hindi naman siya nagre-reply sa aking hello?  Instead ay ipinaririnig niya ang isang kuwentohan na nababanggit ang pangalan nina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Richard Gutierrez and Sarah Labhati. It was an intimate usual tsikahan the …

Read More »

Material matrona!

Nakatatawa naman ang episode ng ageing sexy actress na ‘to na nang mapunang unti-unti nang nanlalamig ang kanyang papang businessman ay biglang naisipang isoga ang kanyang bagets na anak para raw hindi matigil ang pagbuhos ng anda. Hahahahahahahahaha! In the not-so-distant past kasi, siya ang ‘the other woman’ ng datungerong papa. Pero dahil middle  age na nga and old age …

Read More »

Iwa Moto nanganak na

ISINILANG na ng sexy actress na si Iwa Moto ang baby girl nila ni Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., nitong Lunes. Ito ay kinompirma mismo ni Lacson kasabay ng pag-post ng video sa kanyang personal Instagram account, na ipinakita si Moto at kanilang anak na si Eve. “Welcome to the world Eve,” ayon sa maigsing caption na inilagay ni Lacson. Makikita …

Read More »

Bangs ni Toni, nag-trending worldwide

HINDI apektado si Toni Gonzaga na pinaglalaruan ang kanyang makapal na bangs sa social media. Tinawag na ‘bangs of the Philippines’ ni Alex Gonzaga ang ate niya sa nakaraang semi-final episode ng The Voice of the Philippines noong Linggo, Setyembre 22. Natatawa na lang daw ang pamilya Gonzaga sa mga nababasa nila sa social media, say mismo ng ina ng …

Read More »

13-anyos na si Teri, tinalo si Nora!

IISANG pelikula pa lang ang napanood namin sa CineFilipino Film Festival  na sadyang nagustuhan namin. Ito ‘yung Ang Huling Cha-Cha Ni Anita na lesbian version ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Usap-usapan na tinalo ng isang 13-anyos ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na si Teri Malvar. Deserving naman si bagets at sadyang magaling sa naturang movie. Hindi lang …

Read More »

Oro Plata Mata, mapapanood na nang mas malinaw! (Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, sunod na sasabak sa restoration)

NAKATUTUWANG nagagawan na ng paraan ang mga naggagandahan at mahahalagang obra para mapanood ito ng mas malinaw at maayos. Pagkatapos ng Himala, isinunod na ang Oro Plata Mata na mapapanood na in DVD form. Ngayo’y kakaiba at talaga namang moderno na ang panonood na mararanasan dahil mas mataas na ang kalidad ng pelikula na ngayo’y in full HD na matapos …

Read More »

Tuesday, pinuri sa kanyang indie film

MARAMING papuri ang natanggap ni Tuesday Vargas sa kanyang indi film na Ang Turkey Man ay Pabo Rin  na idinirehe ni Randolph Longjas  na bahagi ng CineFilipino Film Festival. Ayon sa reviews, sobrang nakatatawa and loveable raw ang movie na nagpapakita ng mga nakatutuwa at nakaaaliw na kultura ng mga Pinoy. Natural na natural daw ang pagkaka-deliver ng mga punches …

Read More »

Edward, namula nang ibukong mala-higante ang batuta

TOTOO ka, Ms. AiAi Delas Alas ‘di ka nagjo-joke, may “K” ang new face na new leading man ninyo nina Marian Rivera at Bianca Manalo sa pelikulang Kung Fu Divas na si Edward Mendez not only tall, dark and handsome, marunong siyang umarte dahil nag-workshop muna siya bago binigyan ng screen test ni Direk Onat Diaz. Nagustuhan naman ni Direk …

Read More »

Nanay ni Bea na si Mrs. Carina Binene muntik-muntikan nang maipakulong ni Atty. Ferdinand Topacio (Mag-ina sobrang yabang kasi!)

HINDI naman Public Apology ang hiling sa kanila ng labs at BFF naming si Atty. Ferdinand Topacio kundi ang personal na paghingi nila ng paumanhin sa seasoned celebrity lawyer dahil sa panlalaglag at pagtangging legal counsel nila. Pero anong ginawa ng mag-inang Carina at Bea Binene hayun dineadma lang nila ang request ni Atty. Ferdie at hindi lang ‘yan nagyabang …

Read More »

Coaches ng The Voice, nahirapan sa pagpili ng Top 4!

ISANG napakainit na labanan ang naganap noong Linggo sa The Voice of the Philippines nang ipakilala na ang nakapasok sa Top 4 artists na siyang maglalaban-laban sa next week’s grand finals matapos ma-eliminate ang apat pang  contestants sa napaka-hit na TV talent search. Lahat ng apat na coach na sina Apl de Al, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bambo ay …

Read More »

Marian, tinanggihang mag-guest sa GGV

TINANGGIHAN pala ni Marian Rivera ang guesting niya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda? Kaya’t nagtataka ang mga taga-GGV kung bakit tumanggi ang aktres gayung napanood naman siya sa Kris TV kasama si Ai Ai delas Alas para sa promo ng Kung Fu Divas at nalaman pa na may scheduled guestings siya Showbiz Inside Report, The Buzz, at Bandila. …

Read More »