Wednesday , May 22 2024

Juday, ‘di ipinapanood ang hosting skills kay Ryan (Dahil biggest critic ang asawa…)

072914 juday ryan

00 fact sheet reggeeANG galing-galing ng host ngayon ni Judy Ann Santos at inamin naman niyang malaking factor ang asawang si Ryan Agoncillo at higit sa lahat, sa ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng chance para maipakita ito sa mga programang I Do at Bet On Your Baby.

Sa tanong kung napapanood ni Ryan ang mga programa ng asawa, ”mga 10 minutes na pinapanood ko siya, ha, ha, ha. Hindi namin nasusubaybayan kasi ayoko ring ipanood sa kanya. Kinakabahan akong ipakita ang hosting skills ko, ha, ha, ha.

“Ewan ko, nahihiya pa ako kay Rye na ipakita ‘yung trabaho ko, hindi ko alam. Kasi siya talaga ‘yung biggest critic ko when it comes to hosting at ako naman ‘yung biggest critic niya when it comes to acting, so, ‘pag pinapanood niya ako, para akong inaapuyan, parang sinisilihan ‘yung puwet ko, hindi ko maintindihan, pero lahat naman ng sinabi niya sa akin, inilagay (nagamit) ko naman dito sa ‘I Do’ at ‘Bet On Your Baby’.

“Tulad ng kung host ka, your attention would be contestants, huwag mong pag-uusapan ang sarili mo, huwag sasabihin na ito ‘yung nangyari sa ‘yo. Kumbaga lagi kang makare-relate sa kanila, huwag mong isasali ang pangalan mo, may mga ganoon (payo). Siguro ipakikita ko sa kanya (Ryan) next year na lang kung anong nangyari,” masayang pahayag ni Budaday (tawag kay Juday).

PAGGO-GROCERY, THERAPY NI JUDAY

Naniniwala ba si Juday na pera ang pangunahing problema ng mag-asawa?

“Oo, kahit nga wala kang kapartner, di ba ‘yun ang unang pinoproblema—pera. Hindi ko puwedeng sabihing ang pangit pakinggan, pero I feel that’s reality, it’s a necessity, it’s something that we do something about because, ‘yung pera nabubuhay talaga tayo para magtrabaho para kumita makuha natin ‘yung gusto natin.

“So for couples, ina-advice ko sa kanila, ‘before getting married, you have to save a lot. When I say a lot, it really means a lot, kasi after the wedding, hindi naman magtatapos ang buhay ninyo sa kasal, magsisimula pa lang ang buhay ninyo and that’s a lot of money, you’ll be spending a lot money for everything.

“Ngayon, after that kung wala na kayong pera, ano, nganga na lang kayo sa bahay? Kakainin n’yo na lang ‘yung cake after the reception? So para sa akin, pera talaga ‘yung malaking isyu sa lahat ng tao,” katwiran ng mommy nina Yohan at Lucio.

Nagka-problema na rin ba sa pera ang power couple ng showbiz? ”Oo may ganyan din kami, but we respect each other personal expenses, basta mayroon siyang intrega sa akin monthly at may intrega rin ako para sa sarili naming account na puwede niyang bilhin ang gusto niya at ako rin puwede kong bilhin ang gusto ko basta hindi kami nagkukulang sa tuition fee ng mga bata, insurance ng mga bata.

“’Yung extra money mo, sa ‘yo ‘yun, extra money ko, akin ‘yun, so mayroon kaming ganoon respeto sa isa’t isa para hindi kami nag-aaway.

“Well, kami naman ni Ryan, never naman naging issue sa amin kung ano ‘yung hobby namin, gusto niya ng kotse, motor ako naman pagkain, sa sapatos, sa bag (sabay tawa),” at sa tanong kung sino ang mas magastos sa kanilang mag-asawa? ”Ako, ako aaminin ko talaga ang magastos.

“Pero magastos ako pagdating talaga sa pagkain, naggo-grocery ako everyday, kapag wala akong trabaho, hindi ko alam kung bakit. Basta ‘yun ang therapy ko grocery, pag-uwi ko sa bahay, magluluto ako, tapos mare-realize ko may kulang pala, babalik na naman ako sa grocery o mag-uutos ako, ano ko siya, ‘yun ‘yung nakatatanggal ng stress sa akin.

“Basta ‘pag nasa grocery ako at hardware masaya ako,” natawang banggit ni Juday.

Pati hardware pinapasok ng aktres, ”oo tumitingin ako ng doorknob, basta titingin-tingin lang ako sa hardware kung ano pang magandang ilagay sa bahay, showers, gripo,” natawa ring kuwento ng TV host.

Tagabili lang daw si Juday at hindi naman siya ang handy man.

Wala namang reklamo ang mister ni Juday sa nakakahiligan nitong paggo-grocery dahil ng minsang sumama raw ay, ”nakita niya ‘yung S and R, sabi niya, ‘now I know, I understand why you like it here.”

“Alam niya (Ryan) na kapag wala ako sa bahay at wala akong trabaho, alam niyang hindi ako mapipirmi sa bahay, maggo-grocery ako,” kuwento pa.

At kung madalas mag-grocery at mag-hardware shopping si Juday ay gaano naman kadalas mamili ng sasakyan si Ryan.

“Ano naman si Ryan, hindi naman siya ‘yung gusto niya ngayon tapos ibebenta na sa susunod. ‘Pag bumibili siya ng kotse, he always keeps in mind na kapag ibinenta niya, mataas pa rin ang value. So he takes care of the car na parang sa babae, bibili ako ng alahas, gusto ko may value siya after 5 years mataas na rin ‘yung value. Ganoon din siya, magkaiba lang ‘yung presyo,” paliwanag ng better half ni Mr. Agoncillo.

EXTRA INCOME O RAKET NI RYAN, ‘DI PINAKIKIALAMAN

Sa kabilang banda, walang binanggit si Judy Ann kung magkano ang intrega ni Ryan sa account nila, ”mayroon siyang certain amount which covers the monthly expenses, for the monthly salaries of our angels (kasambahay), miscellaneous of the house, there’s a certain amount that he gives me every month after that ‘pag may extra-extra money na naiwan pa for that month, isusunod niyang intrega sa account na namin for travel naman para may pay.”

Hindi raw pinakikialaman ni Juday ang extra income o raket ni Ryan, ”kanya na ‘yun dahil ako rin naman may ganoon, basta ang intrega, intrega, ang sideline-sideline.”

MGA NAIPONG BARYA, GAGAMITIN SA MEDIA NOCHE

Pagkatapos ng Q and A ay tsinika namin si Juday at nakatutuwa silang mag-asawa dahil nagbilang daw sila noong isang gabi ng mga naipon nilang barya sa alkansiya, ”mga loose change na naipon, mga naiiwan sa bag namin, inilalagay namin sa alkansiya, sabi ko, ‘magkano man ‘yung kinalabasan nitong alkansiya, iyon ang pangno-noche Buena at media noche namin. So, nakakuha naman kami ng mga P20K plus. May bills naman.”

Stress daw mag-isip si Juday kung ano ang ireregalo niya kay Ryan dahil wala raw siyang maisip ngayon.

“’Yan ang pino-problema naming mag-asawa pagdating ng Pasko kasi hindi mo alam kung ano talaga ‘yung magiging hobby niya at that time, so normally ang Christmas gift namin sa isa’t isa, nangyayari mga three days before at saka pa lang namin naiisip kung ano. Sinu-surprise pa rin namin ang isa’t isa, minsan tinatanong, magbibigay ka ng hint, pero roon pa rin ‘yung element of surprise pag Pasko, ‘di ba?” kuwento ng aktres.

Hindi naman kotse ang hinihinging regalo ni Ryan? ”Hindi naman, alam naman niyang hindi niya kailangang hilingin ‘yun,” sambit ni Mrs Agoncillo.

GAGAWA PA RIN NG TELESERYE KAHIT ENJOY SA PAGHO-HOST

Tinanong namin kung gagawa pa ba siya ng teleserye dahil tila nag-e-enjoy na siya sa hosting dahil nabanggit na may second season ang I Do at posibleng magkaroon din ng 3rd season angBet On Your Baby na parehong malakas sa ratings game.

“Next year kapag maluwag-luwag kasi hindi ko kayang gumawa talaga ng dalawang shows at the same time.

“Nag-peach na ng project sa akin ang ABS, hindi pa lang ma-push thru ng last quarter ng taon because I’m doing ‘I Do’ and ‘Bet On Your Baby’ plus nag-shooting pa ako ng ‘Tyanak’, so talagang puno ang schedules ko. So kung teleserye, teleserye lang muna,” paliwanag ng aktres.

May hiniling ba si Juday kung sino-sino ang gusto niyang makasama sa teleserye? ”Wala naman, ‘pag tinatanong ako, nagsasabi ako, pero ‘pag hindi naman tinatanong ang opinyon ko, hindi ko naman ipu-push. Ayoko namang masabing ako ‘yung (bumuo) sa cast and everything.”

At klinaro ni Juday na bagamat may second season ang I Do ay matatagalan pa raw muling buuin ito dahil maraming babaguhin kaya magte-teleserye muna siya.

“Kasi mahaba ang proseso, gagawa ng bagong village, gagawa ng bagong Bible (rules and regulations) kaya matagal pa, give it two years para sa second season.

“At ang ‘Bet On Your Baby’, depende kasi ‘yan sa kiliti ng tao kung gustong mag-extend ang season 2. Normally naman after each season, may spiel over lang ‘yan ng dalawang episode tapos papahinga muna and then may bago na naman, siyempre magbabago ka na naman ng games, bago ka uli ng prizes,” paliwanag ni Juday.

Tinanong namin kung ano ang mas malaki ang bayad, teleserye o game show? ”Parang pareho lang kasi per taping naman ‘yung bayad namin dito, so mas mahirap lang ang teleserye.”

Naikuwento rin ni Juday na ang ipinakita raw sa kanyang serye ay, ”walang advocacy ngayon kasi nagawa ko na ‘yung women empowerment advocacy, ‘yung ngayon much more opener ng third parties, that’s far as far as I can say for now.”

Tumatalakay daw ito sa pamilya na may thirdt party na hindi ibig sabihin ay may kabit, ”basta it’s about housewife na how to protect your family, mas paano mo ipo-protect ‘yung relasyon ng husband. Doon tatakbo ang istorya at gusto ko talaga, sabi ko, akin lang ‘yung show na ‘yun,”napangiting sabi ng aktres.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

HARD TALKni Pilar Mateo INIHALAL na ng bagong sibol na grupo ng media practitioners ng …

Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island …

Diwata Mystica

Diwata tinawag na papansin at laos si Mystica

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan at na-beastmode ang viral pares vendor na si Diwata sa panlalait sa …

Joshua Garcia Anne Curtis

Joshua sa pakikitambal kay Anne, nakatitiyak pagganda ng career   

HATAWANni Ed de Leon MAS mabuti pa ang lagay ngayon ni Joshua Garcia, at least mayroon …

Alden Richards Kathryn Bernardo Kuya Kev Ate Shenen

Alden part na ng family ni Kathryn, present sa despedida

HATAWANni Ed de Leon ABA tingnan ninyo present din si Alden Richards sa despedida para sa kapatid …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *