Wednesday , December 24 2025

Recent Posts

Pinoy tinurbo binugbog ng 4 Saudi police (Sa gitna ng disyerto)

RIYADH – Kritikal ang kondisyon sa ospital ng isang Filipino worker makaraang gahasain, bugbugin at iwanan sa disyerto. Si “Mario,” hindi niya tunay na pangalan, ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa Riyadh. Natagpuan siyang hubo’t hubad, bugbog-sarado at agaw-buhay umaga nitong Mayo 16. “Ako po ang unang naka-identify. Sa Facebook kasi may nag-post kung sino ang nakaka-kilala,” …

Read More »

4 MPD officials sinibak ni General (Sa lotteng bookies ni Boy Abang)

DALAWANG station commander kasama ang dalawang hepe ng PCP ang sinibak sa puwesto ni Manila Police Director (MPD) director, Chief Supt. Rolando Asuncion. Sa panayam kay Asuncion kahapon, kabilang sa mga tinanggal sa tungkulin sina  Supt. Julius Añonuevo ng MPD Station 1 at si Supt. Rolando Opriasa ng MPD Station 10. Bukod sa dalawa, kasama rin sa sinibak sina Insp. …

Read More »

Vitangcol sinibak ni PNoy (Sampid lang umano sa ‘inner circle’)

TULUYAN nang ‘inilaglag’ ni Pangulong Benigno Aquino III si Al Vitangcol bilang MRT-3 general manager. Ito ay nang kompirmahin na sinibak na ang opisyal na itinurong kasabwat ng kanyang ate at bayaw sa tangkang pangingikil ng $30-M sa isang Czech company para masungkit ang kontratang mag-supply ng bagong bagon sa MRT. “Out of curiosity, sino sa inner circle ko si …

Read More »