Saturday , August 13 2022

2 pulis-Bicutan tinutugis sa kidnapping (1 pa tiklo sa NBI)

TINUTUGIS ng National Bureau of Investigations (NBI) ang dalawang pulis na nakadestino sa Bicutan dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot ng ilang dayuhan kapalit ng ransom.

Ito ay kasunod ng pagkakadakip ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division (AOTCD) kay PO2 Frederic Tolentino, nakatalaga sa Regional Police Holding Administrative Unit (RPHAU) sa Bicutan, Tagig City.

Bukod sa dalawang hindi pa pinangalanang pulis, kasama rin sa pinaghahanap ang dalawang Japanese national at limang Filipino na kasabwat sa sindikato.

Ayon sa NBI, isinailalim sa halos tatlong linggong surveillance si Tolentino  dahil sa pagdukot sa isang negosyanteng Koreano na hiningian ng P10 milyong ransom.

Gayon man, ang nasabing halaga ay bumaba ng P4 milyon na nabayaran ilang araw makaraan ang pagdukot sa Koreano.

Si Tolentino ay napag-alaman sangkot din sa hostage taking  sa kanyang live-in partner noong 2011.

Nakuha kay Tolentino ang isang 9mm baril, mga bala at isang cellphone.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply