Monday , August 15 2022

Parak itinumba misis sugatan (4 anak ihahatid sa school)

PATAY ang isang pulis habang sugatan ang kanyang misis makaraan tambangan sa Tanauan, Batangas, dakong 6:30 a.m. kahapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si PO2 Isratuto Bagsik, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Vicente Lim sa Laguna, tinadtad ng bala ng hindi nakilalang mga salarin.

Habang ginagamot sa isang ospital ang misis niyang si Agnes na nadaplisan ng bala ng baril.

Batay sa report, maghahatid sa kanilang apat na mga anak sa eskwelahan ang mag-asawa sakay ng L-300 van nang tambangan ng magkaangkas sa motorsiklong suspek pagdating sa Brgy. Santor.

Swerteng walang nadamay sa kanilang mga anak na nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development-Tanauan City.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa nakatakas na mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpaslang.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

shabu

2 drug suspects ‘nag-abutan’ ng shabu arestado

KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang drug suspects matapos maaktohan ng mga pulis na nag-aabutan ng …

SAME SEX UNION

Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 

AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para …

BJMP DepEd

1,000 tauhan ng BJMP, tutulong sa Brigada Eskwela 

MAGPAPAKALAT si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ng …

dead gun

Octogenarian ‘nagbaril’ sa sentido

NAGBARIL sa sentido ang 83-anyos lolo sa loob ng kaniyang silid sa Barangay Holy Spirit, …

081522 Hataw Frontpage

Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES

BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order …

Leave a Reply