Monday , November 25 2024

Bulabugin

Arkiladong manunulot barking up the wrong tree

Dear Boss Jerry, Bakit ba galit na galit ‘yung anak ng isang magpuputa ‘este’ magpuputo sa Valenzuela, na isang arkiladong manunulot ni mambabayag sa Mehan Garden? Totoo bang nag-a-apply sa iyong maging editor ‘yan noon para sulutin ang isa pang editor pero hindi mo tinanggap dahil hindi marunong gumamit ng “ng” at “nang” na mahaba? Kaya mula raw noon ay …

Read More »

Lehislatura mariing ipinagtatanggol ni Sen. Ping Lacson

HINDI pa man pormal na nagbubukas ang 17th Congress, mariin nang nagrerehistro si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng pagtutol sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na kung sa isyu ng independensiya ng lehislatura sa ehekutibo. Aniya, maging si President-elect Rodrigo Duterte ay hindi makapipigil sa trabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Mariing iginiit ni Sen. Ping, trabaho ng …

Read More »

Police assets bakit itinutumba?!

‘Yan po ang ipinagtataka namin. Bakit inuunang ubusin ang mga police assets na hindi naman lantad na nagtatrabaho?! Dahil ba natatakot ang mga police ‘ituga’ sila ng kanilang mga asset kaya inuunahan na nila?! Ganyan po ngayon ang iniisip ng mga nakasasaksi sa walang habas na tumbahan matapos ideklara ni Presidente Duterte na full force ang pagsugpo nila sa illegal …

Read More »

DepEd Sec. Armin Luistro panagutin sa 10%! tuition fee hike!

Mantakin naman ninyo ang proteksiyon ni Secretary Armin Luistro sa mga pribadong eskuwelahan?! Hindi sa mag-aaral ng pampublikong paaralan! Wattafak! Kaysa pakinggan ang hinaing ng mga magulang na hilahod na sa taas ng tuition fee at ngayon ay nagtaas na naman ng 10%, tila nagtaingang-kawali lang si Luistro saka itinuloy ang pagpuri sa K-12. ‘Yan si Secretary Lusitro, kalihim ng …

Read More »

P123.8-M unliquidated confidential funds iniwan ni Ex-Sec. Leila de Lima sa DOJ

HULING KABIT man si Senator-elect Leila De Lima sa nakaraang halalan, dahil hindi na siya naipagpag sa ika-12 puwesto, ‘e mukhang sasakit naman ang kanyang ulo sa iniwan niyang P123.8 milyones na unliquidated confidential funds. ‘E parang naririnig na natin ang isasagot ni Madam Leila diyan. Confidential nga ‘e, bakit kailangan i-liquidate?! Wahahahaha! Konting patawa lang po. Pero sa totoo …

Read More »

Pamilya Balcoba bigo sa MPD police

PASINTABI sa paglalakbay ng kaluluwa ni Alex Balcoba, pero natawa talaga tayo at muntik mahulog sa upuan nang sabihin ni Manila Police District (MPD) spokesperson, Supt. Marissa Bruno, na hindi media killings kundi alitan sa isang dating police ang rason ng pamamaslang. Okey na sana, medyo parang nasabi natin, oy, nag-imbestiga ang MPD. Kaya lang nawindang tayo nang sabihin ni …

Read More »

A Walk For Change

ISANG grupo ng mga photographer ang naglunsad ng isang photo contest na may temang A Walk For Change. Sa kanilang teaser ay nakasulat ang ganito: “Change is coming! Do you want to be a part of it? Join our Independence Day Photo Walk and help us show our countrymen that change is in our hands!” Ang photo contest ay magsisimula …

Read More »

Pero nababoy na ang LB at Lawton…

NOTA BENE: Nabasa mo arkiladong manunulot ang artikulo sa itaas? Ganyan ang kolum. Opinyon man, factual pa rin. Hindi ‘yung haka-haka na lang nga, sinasalsal pa. Anyway, sa magaganap na A Walk For Change, mahagip sana ng lente ng mga photographer ang kasalaulaang nagaganap sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio (LB) at Mehan Garden. Sa mga lugar na ‘yan namumunini ang …

Read More »

Anyare sa GSIS insurance policy?

Matatapos na lang ang termino ng Aquino Administration ‘e mayroon pang naiiwang sakit ng ulo sa mamamayan. Gaya na lang ng isang GSIS policy holder na nagreklamo sa inyong lingkod, aba ilang araw na siyang pabaik-balik sa GSIS pero hanggang ngayon ay hindi  inire-release ang kanyang tseke para sa nag-mature na policy. Ang kanyang policy ay nag-mature nitong May 25, …

Read More »

‘Retrofitting’ ba o relokasyon ang gagawin sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital?

TINGNAN n’yo naman sa term pa lang medyo, hindi na mailarawan at hindi masyadong klaro kung ano talaga ng magiging resulta ng P300-milyones na ‘RETROFITTING PROJECT’ ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Kilala po ang nasabing ospital sa tawag na Fabella at malamang, marami po sa ating mga kababayan ang ipinanganak doon. Lohikal ang lahat ng rason ni DOH Secretary …

Read More »

Shoot-to-kill sa riding in-tandem

Kung papayagan na rin lang naman talaga ‘yung maya’t maya ay mayroong tumitimbuwang, aba, isama na riyan ng Duterte administration ang riding-in-tandem. Ang pinakahuling insidente na hindi natin malimutan ‘e ‘yung estudyanteng inagawan ng bag diyan sa Taft Ave., malapit sa UN Ave., at nabagok ang ulo na ikinamatay niya. May isang insidente naman, na cellphone lang ang aagawin ay …

Read More »

‘Politika’ ba ang rason sa mga sinibak na MTPB?

Maraming traffic aide ng Manila Traffic & ‘PARATING’ ‘este’ Parking Bureau (MTPB) ang umiiyak ngayon dahil tila hindi makatwiran ang ginawang pagsibak kamakailan sa kanila!? Ang ilan daw sa finish contract ay mahigit 8-10 taon nang nagseserbisyo sa MTPB. Sa madaling sabi, administrasyon pa pala ni Mayor Lim ay nandiyan na sila. Sila ‘yung mga natapon sa kangkungan at naging …

Read More »

Big mining firms lagot kay Digong

ISA sa mga pinapaboran nating pronouncement ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang pagtutol sa operasyon ng mga abusadong big mining firms na labis nang nakapipinsala sa kapaligiran at tila ayaw nang tantanan ang likas na yaman ng ating bansa. Sa ibang bansa kasi, mayroong limitasyon ang operasyon ng isang mining company. Hindi puwedeng lifetime. Kung lifetime nga naman …

Read More »

May malaking kulang sa libro ni Fred Mison!

Akala ng inyong lingkod, tayo lang ang tanging magre-react sa nabanggit natin dito sa ating kolum tungkol sa inilabas na libre ‘este’ libro na 7 Attributes of a Servant Leader ni expelled ‘este’ ex-commissioner Fred ‘pabebe boy’ Mison. Marami raw ang nagtaka kung bakit tila ‘yung good attributes lang ng author ang naging laman ng nasabing aklat? Sa klaseng nalimutan …

Read More »

Nang umusok ang tumbong ng laos na mambabayag sa Mehan Garden

Muntik daw atakehin sa puso ang isang laos na mambabayag sa Mehan Garden. Umuusok sa galit at sumirit ang blood pressure hanggang 200/160. Mukhang nanganganib na rin daw mawalan ng trabaho ang arkiladong manunulot na hanggang ngayon ay kuwestiyonable at hindi pa klaro kung non-reactive ang kanyang HIV/AIDS. Nang sumirit ang presyon ng laos na mambabayag sa Mehan Garden ay …

Read More »

Iba talaga ang kredibilidad ng Sen. Ping Lacson

MARAMING sumang-ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson nang sinusuportahan niya ang kampanya laban sa illegal drugs ni incoming president Rodrigo “Digong” Duterte. Pero mas lalo siya sinang-ayunan ng publiko nang ipahayag niyang hindi dapat magpadalos-dalos ang Pangulo sa paghuhusga sa tatlong PNP general na sinasabi niyang sangkot sa ilegal na droga. Dapat nga namang dumaan sa due process ang tatlong …

Read More »

National ID System dapat nang ipatupad

Kung si incoming president Digong Duterte na nga ang makapagpapatupad ng isang pagbabagong inaasam nang lahat, palagay natin ay ngayon na rin ang tamang panahon para ipatupad ang national ID system. Sa totoo lang, sa lahat ng Asian countries, tayong mga Pinoy na lang ang sandamakmak na ID ang hinihingi sa bawat transaksiyon. Hindi rin puwede minsan ang barangay or …

Read More »

Boycott ng media kay Duterte and vice versa next to impossible

Ano ito, martial law? Next to impossible ‘yan lalo na ngayong napaka-advance na ng teknolohiya. Ang media at ang presidente ay indispensable partners for progress and development ng isang bansa. At hindi rin maaaring government media outlet lang ang pagkuhaan ng balita o impormasyon ng mga mamamahayag kung ano na ang nangyayari sa Pangulo, sa Palasyo at sa iba’t ibang …

Read More »

Kanino nanghihiram ng kapal ng mukha ang ilegalistang mangkukulam ‘este mangkokolum?

AYAW tayong tantanan ng isang matandang ulupong. Minsan nating binigyan ng pagkakataong magkaroon ng espasyo sa ating diyaryo sa pakiusap ng isang kaibigan ang nagpapanggap ngayong mangkokolum pero isa palang ‘mangkukulam.’ Nagagawa pa ngayong umastang isang mamamahayag ang isang certified na ‘mambabayag’ sa Mehan Garden at reyna ng illegal terminal sa Lawton. Sa pamamagitan ng isang arkiladong manunulot (hindi manunulat) …

Read More »

Bumitaw ang SMC pasok ang Smart at Globe

Nakarating na ang balita kay President-elect Rody Duterte tungkol sa plano ng Globe Telecom at Smart Communications na pabilisin at palawakin pa ang internet connection service na inihahatid nila sa kanilang subscribers gamit ang 700 megahertz frequency. Ayon kay Pangulong Digong, bibigyan niya ng tsansa ang mga telecom companies na patunayang kaya nga nilang mapaganda ang kanilang mga serbisyo. Tinanong …

Read More »

Be Cool President Digong Duterte

SABI ng mga aktibistang hindi pabor sa mga inaasal ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte lalo sa harap ng media, “lumpenic daw si Digong.” Ito ang ginagamit na termino ng mga aktibista sa mga bruskong pang-uugali, siga at tila walang aral. Tila mahihirapan ang mga taga-media na timplahin ang ‘modo’ ni Digong. Sa mga unang bahagi o oras ng pagharap ni …

Read More »

BJMP busisiin din!

Ang sabi ni, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, paiigtingin din nila ang kampanya laban sa mga ilegalista sa loob ng National Bilibid Prison (NBP). Pero palagay natin ay hindi lang sa NBP dapat paigtingin ang kampanya laban sa mga tiwali. Imbestigahan din ang mga warden na nakatalaga sa BJMP dahil nakapagtataka ang bilis ng kanilang pagyaman. Alam nating lahat na kung …

Read More »

Party-list & Representatives mula nga ba sa marginalized sector?

MAY pera na, mautak pa, gahaman pa. ‘Yan daw ang katangian ng ilang party-list representatives. Kasi nga naman, ang konsepto ng party-list ay idinisenyo para sa marginalized sector. Para masiguro na mayroong boses ang marginalized sector sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Pero sa realidad, hindi po ito nangyari. Malaking porsiyento kasi ng party-list representatives ay mga milyonaryo. At ‘yan ang …

Read More »

Anyare sa P150-M Full Body Scanners na inilagay NAIA T3?

MUKHANG nasayang lang ang P150 milyones ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagbili ng full-body scanner (German-made EQO model scanners) sa airport terminal ng bansa. Kung hindi tayo nagkakamali, siyam na buwan na ang nakalilipas nang i-deliver sa NAIA ang nasabing equipment para regular na gamitin ng Office of Transportation Security (OTS) pero hanggang ngayon ay nakatengga pa rin. …

Read More »