Papalitang opisyal sa bagong Duterte admin i-lifestyle check muna!

As usual, tapos na ang eleksiyon, kanya-kanyang posisyon at dikitan na naman.

Nakita n’yo naman ang listahan ng mga pangalan ng bagong Gabinete ni Digong Duterte.

Sabi nga ni Digong, mahirap din pumili ng mga itatalaga sa kanyang Gabinete.

At naniniwala naman tayo riyan.

Pero puwede bang isama na rin ni Digong sa kanyang agenda na i-lifestyle check ang lahat ng papalitang opisyal?

Cabinet secretaries, under sikwataries ‘este’ secretaries, commissioner, deputy commissioner, director, bureau chief, etc.

‘Yan naman ay kung gustong mag-umpisang malinis ni Mayor Digong.

Kapag naipa-lifestyle check niya kasi ang mga dating opisyal, tiyak malalaman niya kung saan ‘tumatabo’ sa bawat departmento, bureau, at iba pang ahensiya ‘yang mga magnanakaw na opisyal.

Hindi ba’t malaking bagay ‘yun para ma-check niya kung gumagawa rin nang katiwalian ang kanyang mga itinalaga o itatalaga sa kanyang administrasyon?!

Buena mano kayo Mayor Digong, kapag nagawa ninyo ‘yang lifestyle check na ‘yan sa lahat ng papalitang opisyal.

Mabuhay ka President Mayor Digong!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com