Friday , November 22 2024

Bulabugin

Mayor Rolando Espinosa dapat i-lifestyle check!

Huwag sanang tumigil ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagsudsod sa kayamanan ni Mayor Rolando Espinosa. Positibong-positibo! Ibang klase ang bahay, 5,000 square meters! Nagkikita pa kaya sila ng mga kapamilya at kasama niya sa laki ng bahay nila? Kaya siguro ikinakatuwiran ni Espinosa na hindi niya alam ang ginagawa ng anak kasi nga sa sobrang laki ng …

Read More »

911 gamitin nang tama huwag salaulain!

SA ibang bansa ang 911 ay isang mahalagang numero na hindi kailangan biruin o paglaruan. Mabagsik na parusa ang haharapin kahit sino pa ang naglaro o nagbiro sa nasabing numero. Pero dito sa atin, parang mga adik daw na nagti-trip ang prank callers sa 911. Hindi natin alam kung gusto ba nilang ‘makakurot’ kahit kaunti kina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte …

Read More »

Gen. Edgardo Tinio itinanggi ang drug money, pero umamin sa Jueteng money?!

Naghugas ba ng kamay si dating Quezon City Police District (QCPD) chief, Gen. Edgardo Tinio? Hindi raw drug money kundi jueteng money ang tinatanggap niya sa isang gambling lord noong naka-assign pa siya sa Central Luzon. Araykupo! Naghugas pa ng kamay ‘e pinaghugasan pala ng malansang isda ang kanyang kinanawan! Ang pinakamagandang gawin ni Gen. Tinio, ay idepensa niya na …

Read More »

Ex-Gov. Hermogenes Ebdane dapat busisiin at isalang ng senado! (Bundok ba o mine tailing?)

MALAKING isyu na ‘yung pagbebenta ng tatlong bundok para sa reclamation project ng China sa Scarborough Shoal… Itinuturo ang dating gobernador ng Zambales na si Hermogenes Ebdane na siyang responsable sa nasabing bentahan. Sabi nga ni Governor Amor Deloso, “trucks of boulders” ang inilatag na bedrock para mailatag ang buhangin o lupa. Pero, ano itong bagong impormasyon na nakalap natin?! …

Read More »

Endo wawakasan na ni Pangulong Digong Duterte

Tahasang ipinakikita ni Digong ang kanyang pagkiling sa mga naaagrabyadong maliliit na mamamayan. Sa isyu ng labor only contracting o ENDO, mainit talaga ng ulo ni Pangulong Digong. Binibigyan niya nang hanggang bago mag-2017 ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tuluyang wakasan ang ENDO sa private sector. Alam naman nating lahat kung sino nag unang tatamaan niyan. Malalaking …

Read More »

Illegal terminal sa entrance ng Acropolis Subd., ‘livelihood’ ng QCPD Eastwood Police Station (PS12)?

Matagal nang inirereklamo ng mga residente sa Acropolis ang illegal terminal ng jeepney sa southbound ng Eastwood sa tapat ng Corby Building. Pero hanggang ngayon, nariyan pa rin ang nasabing illegal terminal. Nagtataka umano ang mga QC traffic enforcer at mga kagawad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil kahit ilang beses nilang hulihin at tiketan ang mga driver ng …

Read More »

Kapag nasa manibela doble hinahon ang pairalin

SABI nga kapag nagagalit, bumilang ng 77 beses. Kapag galit pa rin, 77 beses ulit, kapag ayaw pa rin kumalma uminom ng tubig at huminga nang malalim saka bumilang ulit ng 77 beses… ibig sabihin paulit-ulit na pagbibilang hanggang mawala at humupa ang galit. Ganyan daw dapat kahaba ang pasensiya, lalo na kung ikaw ay nasa manibela. Pero huli na …

Read More »

Advance Security Agency sa NAIA hiniling i-audit

Matapos mag-trending sa social media ang video na nahuli ni Manila International Airport (MIAA) general manager Ed Monreal ang isang security guard na natutulog sa kanyang post, marami ang humiling na dapat i-audit ang security agency na nagtatalaga ng mga guwardiya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals. Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yan ‘yung Advance Security Agency. Sila ang nakakuha …

Read More »

Blumentritt vendors masama ang loob sa city hall

SIR ngayon wala n kami kabuhayan sa pagtitinda dto sa Blumentritt kahit ngbayad kami ng tamang buwis. Sobra-sobra rin ang inihatag naming tong sa DPS, pulis at city hall. Bigla n lng kami pinalayas matapos kaming pakinabangan. Wala nman programa kung saan kami lilipat pra magtinda. +63915474 – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext …

Read More »

Reklamo sa bisor ng MTPB

SIR, sana malaman ni Mayor Erap na may isang MTPB bisor ang yumaman na sa paniningil ng terminal fee sa mga UV Express Taxi Terminal sa Sampaloc, Maynila. Sa bawat UV Express taxi ay pinagbabayad sila ni Maliksi Supervisor  ng P600 kada linggo isang taxi na naka-illegal terminal sa Morayta St. Kung ‘di kami magbabayad kay Maliksi ay ipapahuli kami …

Read More »

Inaabusong party-list, korek ka diyan President Digong!

SA totoo lang, gusto natin tawagin ang party-list system bilang sistemang inabuso ang marginalized sector dahil kinawatan ng mga kinatawan ‘kuno’ ng tunay na representasyon ang mga mamamayan. ‘Yan po ang katotohanan sa ilalim ng kasalukuyang party-list system sa ating bansa. Kung tutuusin, pabor dapat sana sa marginalized sector ang layunin ng party-list system. Pero sa tunay na nangyayari, ang …

Read More »

DoJ officials nakinabang talaga sa Bilibid Drug Ring?!

NAGULAT tayo sa rebelasyong ni SOJ Vitaliano Aguirre pero hindi na natin pinagdudahan. Kasi naman, muntik na rin tayong maging biktima ng drug ring sa Bilibid nang maisulat natin ang talamak na kalakalan ng ilegal na droga roon. Aba, mayroon pong nag-tip sa atin na isang notorious na Bilibid drug lord ang nagpapaligpit sa inyong lingkod. Ikinasa na nga raw …

Read More »

Pateros LGU official nagalit sa pulis kontra tulak

Ibang klase raw talaga ngayon sa Pateros. Ipinatawag umano ng isang local government (LGU) official ang mga pulis sa kanilang munisipyo. Natuwa naman ang mga lespu. Kasi akala nila, papupurihan ang ginagawa nilang masugid na pagsusulong ng kampanya kontra ilegal na droga at sa mga nagtutulak nito. Pero mali pala ang kanilang akala. Imbes purihin, sinabon sila nang walang banlawan …

Read More »

e-Sabong, e-Casino isama sa ipatitigil ni PAGCOR Chair Didi

Mahigpit na raw talaga ang order ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa e-gambling. Inutusan na niya si PAGCOR chairman Andrea “Didi” Domingo na kanselahin ang permiso nang lahat ng e-games. Naku Madam PAGCOR Chair Didi Domingo, marami po ang natuwa nang umpisahan ninyong kanselahin ang PAGCOR permit ng mga e-Games na ‘yan. Marami na po kasing nalululong pati kabataan …

Read More »

Pasay City PNP demoralisado sa bagong hepe?!

KAKAIBA raw ang diskarte at attitude ng bagong Pasay City police chief na si Senior Supt. Nolasco Batang ‘este’ Bathan. Kaya karamihan sa mga lespu nila ngayon ay demoralisado umano sa kanyang pamamalakd. Marami umanong gustong gayahing style si Kernel Bathan kay Pangulong Digong. Kaya lang hindi naman niya kayang panindigan kaya mas nagiging palpak ang kanyang panggagaya. Mantakin n’yo, …

Read More »

Maynilad makupad magtrabaho sa Sucat

Nakaiinip nang tingnan o subaybayan ang project ng Maynilad sa Sucat Road sa Parañaque City. Ang project na ‘yan ay nagsisimula sa paglampas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal hanggang doon sa mga susunod na barangay sa kahabaan ng Sucat Road. Kung hindi tayo nagkakamali, halos ilang buwan nang ginagawa ‘yang project na ‘yan na nagdudulot ng matinding pagsisikip …

Read More »

Tatlong bundok sa Zambales ibinenta sa China!? (Ginamit sa reklamasyon )

IBINUNYAG ni Zambales Governor Amor Deloso na ang ginamit na materyales ng China para sa kanilang reclamation project sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay mula rin sa kanilang lalawigan. Ayon kay Gov. Deloso, tatlong bundok sa lalawigan ang pinagkuhaan ng materyales para sa reclamation project ng China sa pinagtatalunang teritoryo. Matapang din na inihayag ng gobernador na tiyak …

Read More »

Pagpasok ng Chinese nationals sa bansa bilang drug courier inireklamo sa China (Digong ‘di na nakatiis)

Mahusay ang ginawang pagpuna at pagpapaabot ni Presidente Digong Duterte sa China kung bakit 99.9 porsiyento ng mga pumapasok na drug courier o drug lord sa bansa ay mga Chinese. Ayon sa China, tutulong umano sila para maaresto ang illegal drug proliferation. Sa kanilang bansa raw kasi, kamatayan ang kaparusahan laban sa mga sangkot sa droga. Anyway, isang magandang hakbang …

Read More »

Joy Roxas jackpot sa PCSO

WHEN it rains, it pours. Mukhang ‘yan daw ang kapalaran ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand “Joy” Roxas II. Sa panahon ng administrasyon ni Noynoy, naitalagang general manager ng PCSO si Joy Roxas. At kahit napakakontrobersiyal ng pagpapatalsik kay Margie Juico bilang Chairman, nanatili pa rin siyang GM. Maraming nag-akala noon na pag-upo ni Erineo “Ayong” …

Read More »