Reklamo sa bisor ng MTPB
SIR, sana malaman ni Mayor Erap na may isang MTPB bisor ang yumaman na sa paniningil ng terminal fee sa mga UV Express Taxi Terminal sa Sampaloc, Maynila.
Sa bawat UV Express taxi ay pinagbabayad sila ni Maliksi Supervisor ng P600 kada linggo isang taxi na naka-illegal terminal sa Morayta St.
Kung ‘di kami magbabayad kay Maliksi ay ipapahuli kami mula naging bisor si Maliksi ay tumaas ang binabayaran namin terminal Fee. Pumapasok kaya sa city hall ang nakokolekta nila?
Sir Jerry, kahit daw magreklamo kami sa hepe ng MTPB ay hindi siya natatakot dahil ‘yan daw utos na itaas ang terminal fee. +639128301 – – – –
PAKI-EXPLAIN Bisor Maliksi ang isyung ito sa ‘yo!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
