Pateros LGU official nagalit sa pulis kontra tulak

Ibang klase raw talaga ngayon sa Pateros.

Ipinatawag umano ng isang local government (LGU) official ang mga pulis sa kanilang munisipyo.

Natuwa naman ang mga lespu.

Kasi akala nila, papupurihan ang ginagawa nilang masugid na pagsusulong ng kampanya kontra ilegal na droga at sa mga nagtutulak nito.

Pero mali pala ang kanilang akala.

Imbes purihin, sinabon sila nang walang banlawan ni LGU official.

Araykupo!

Bakit kaya?

Nakikinabang kaya si LGU official sa mga tulak ng ilegal na droga sa kanilangmunisipalidad?!

O may kamaganak incorporated na pinoprotektahan si LGU official!?

Pakibusisi nga po, PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]