Thursday , December 26 2024

Bulabugin

Welcome back BoC DepCom Ariel F. Nepomuceno & Teddy Sandy S. Raval!

customs BOC

Mainit na tinanggap ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) sina Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno para sa Enforcement Group at Deputy Commissioner Teddy Sandy Raval para Intelligence Group. Wala tayong narinig na tumutol nang muling italaga ang dalawa sa BoC sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Unang-una, dahil maganda naman ang kanilang records at gamay na nila ang …

Read More »

Ang ‘frailties’ ni Sen. Leila De Lima, bow!

ASSERTIVE ang tawag kapag iginigiit ng isang tao ang kanyang ideya o katuwiran na mayroong siyentipiko at sapat na basehan. Lalo na kung alam niyang ito ay makabubuti para sa lahat. Spoiled brats naman ang tawag kapag maipilit kung maipilit kung ano ang gusto. Magmamarkulyo kapag hindi nasunod ang gusto. Kapag nagtagumpay na masunod ang gusto at napatunayan sa sarili …

Read More »

Bawal tumanggap ng kahit anong regalo – Sec. Art Tugade

Kahit anong regalo, bawal daw tanggapin. ‘Yan ang mahigpit na babala ni Transportation Secretary Arthur Tugade. In any form and any kind, bawal ang kahit anong gift mula sa indibiduwal o organisasyon gaya ng vendors, suppliers, customers, employees, potential employees, at potential vendors or suppliers. ‘Yan daw ay upang maiwasan ang conflict of interest at upang manatili ang  high standard …

Read More »

Raket sa BI Angeles field office (Attention: SoJ Vitaliano Aguirre)

Tahasang kinokondena ngayon ng travel agents sa Bureau of Immigration (BI) Angeles Field office ang biglaang pagbagal ng proseso ng kanilang mga dokumento mula nang mawala ang sinasabing service fee roon. Dati naman daw mabilis matapos ang nai-file nilang dokumento pero dahil wala na raw “GAY-LA” magmula nang naupo ang bagong administrasyon kaya biglang bumagal ngayon ang nasabing sistema. Nasanay …

Read More »

When it rains it pours (Sa buenas o malas…)

PARA sa mga magsasakang naghihintay na mabasa ang kanilang lupang sakahan, ang ulan ay isang biyaya. Pero sa mga magsasakang, malapit nang umani ng palay, ang ulan ay delubyo kapag naprehuwisyo ang kanilang aanihin. Hindi malayo riyan ang hinaharap na problema ngayon ni Senator Joel “Tesdaman” Villanueva. Si Tesdaman, isa sa mga paboritong cabinet member ng dating pangulong si Noynoy …

Read More »

Senate President Koko Pimentel binutata si secretary Martin Andanar

Mukhang hindi nakatutulong ang mga estilo ni Communications Secretary Martin Paandar ‘este Andanar para ipagtanggol si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa isyu ng paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos. Kung tutuusin, mas dapat na diinan ni Paandar ‘este Andanar ang batas na ginamit na salalayan ng Pangulo sa kanyang desisyon na pumapayag siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) …

Read More »

Congratulations to the new CPAs!

Kahapon ay oath-taking ng 5,249 mga bagong certified public accountant (CPA) na kumuha ng licensure exam nitong 1 Oktubre 2016. Sila ang nakapasa mula sa 14,390 examinees. Isa ang aming pamilya sa mga nagagalak dahil kasama sa mga nakapasa at nanumpa kahapon ang aking pamangkin na si Jeffrey Harvey Yap. Ang announcement ng pagkakapasa ni Jeff sa CPA licensure exam …

Read More »

Sen. Ping Lacson hindi bibitawan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa

HUWAG muna natin tawaging extrajudicial killing (EJK), para hindi matawag na bias. Sabihin na lang muna nating mayroong iregularidad kung paano nakapasok ang 15-kataong police force (CIDG) sa selda ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. Sa bilang pa lang ng pulis na papasok sa selda, nakanenerbiyos na para sa ibang preso. Mantakin ninyo 15 pulis na armado? Parang Bilibid …

Read More »

Plaza Lawton pugad ng ilegalista, kanlungan pa ng mga holdaper at magnanakaw!!! (Sa pusod ng makasaysayang Liwasang Bonifacio at City hall)

SA pusod ng Plaza Lawton at Manila City hall, mailap ang seguridad para sa mga motorista at pedestrian. Nitong nakaraang Biyernes, isang lisensiyadong physical therapist (PT), ang nagsisi na lutasin ang pagkabalam niya sa masikip na trapik ng mga sasakyan sa pamamagitan ng paglalakad sa Plaza Lawton para makarating agad sa kanyang paroroonan. Bagamat matagal na niyang naririnig na mayroong …

Read More »

Relasyon ni VP Leni at kongresistang BF huwag nang itago-tago (Kung talagang nagmamahalan)

Nitong tudyuin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si Vice President Leni Robredo kaugnay ng kanyang makinis na tuhod na tila hindi lumuluhod, nasabi rin niya sa publiko na mayroong boypren si Madam. Parang slip of the tounge. Pero nang ma-realize niyang nasabi na niya, nagtanong na lang siya kay VP Leni na ngiti nang ngiti at tawa nang tawa, kung …

Read More »

Mag-ingat sa magdyowang KC Cobico at LJ Perea huwag ipagkatiwala ang inyong kuwarta

HUMINGI ng tulong sa inyong lingkod ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Abu Dhabi dahil naloko at nalansi sila ng magdyowang KC Cobico at LJ Perea. ‘Yung KC Cobico umano ay taga-Santa Maria, Pangasinan. Hindi natin alam kung gaano katamis ang dila nitong KC at naeng-ganyo niyang ipagkatiwala sa kanya ng mga kasama sa trabaho ang kanilang perang …

Read More »

Kidnapping siguradong nagaganap ngayon

kidnap

Kamakailan ay nagsalita si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na may nagaganap na kidnapping sa Binondo, Maynila. Itinanggi ito ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP). Pero nanindigan ang Pangulo, mayroong nagaganap na kidnapping. Naniniwala po tayo riyan. Isang kakilala nating taga-CAMANAVA ang nakaranas nito. May kumatok sa kanyang tanggapan, nagpakilalang mga pulis at nagsilbi umano ng warrant of arrest. …

Read More »

R.A. 6713 the most known yet the most ignored law among public servants

MGA suki, nabasa na ba ninyo ang balita na iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pagtanggap niya ng libreng pasahe sa eroplano, tiket sa panonood ng boksing at siyempre pati hotel accommodation para sa kanyang buong pamilya mula kay Senator Manny Pacquaio? Pinag-uusapan …

Read More »

‘Global norms’ nawiwindang sa mga nagdaang eleksiyon sa PH at sa Amerika

UNA, ano ba ang global norms, ito po ang itinatakda ng isang sistemang umiiral. Yun bang tipong, mayroong padron na kilos, ugali, pananaw, paniniwala at antas ng ekonomiyang kinaiiralan. Kapag hindi nangyayari ang inaasahan ng kung sino o anong puwersa na nagtatakda ng global norms, idedeklara nilang mayroong maling nangyayari sa mundo. Kaya nawindang ang mga intelektuwal, political activists, religious …

Read More »

Paperless, garbageless na eleksiyon mangyari kaya sa Filipinas?

Ang isa sa mga hinangaan natin sa eleksiyon sa Amerika wala silang basura pagkatapos ng halalan. Walang mga polyetong ipinamimigay. Walang kung ano-anong streamers, posters o papel na nakakalat kung saan-saan. Walang political television ads. At iba pang uri ng propaganda materials para sa eleksiyon. Ang mayroon sa kanila two-party system elections. Naglulunsad ng debate para ipakita sa buong Estados …

Read More »

Bagitong lespu sumisikat sa pitsaan sa Divisoria?! (Attn: NCRPO RD CSupt. Oscar Albayalde)

Mukhang maraming dapat baguhin ang PNP sa kanilang sistema mula police recruitment at training. Iba na kasi agad ang natututunan ng ilang bagong pulis. Sa halip na trabahong pulis ay pagkakaperahan agad ang inaatupag! Isa na nga ang isang alias TATA SONKGO  na   putok na putok sa Divisoria sa pangongolektong sa mga vendor. Pati latag ng mga ilegal na sugal …

Read More »

LTFRB chairman Martin Delgra III mahilig na sa trip, power tripper pa?!

IBANG klase raw talaga ang bagong chairman ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na si Martin “Chuckbong” Delgra III. Sa lahat yata ng appointee ni Pangulong Rpdrigo “Digong” Duterte, tanging si Delgra ang tila magpapasakit ng kanyang ulo!? Ayon sa ating impormante, nitong nakarang Undas, sa panahon na  abala ang lahat ng mga opisyal at empleyado na may …

Read More »

Kolin aircon pampainit ng ulo! Lester airconditioning service & maintenance, marunong ba talaga kayong mag-maintain?!

Wala pang isang taon nang bilhin ng isang kaibigan natin ang isang inverter airconditioning unit ng Kolin. Hanggang isang araw, nagulat na lang siya nang biglang namatay ang aircon. Itinawag naman niya agad sa kanilang customers’ service. Ang tagal bago nai-schedule ng kanilang customer service ang check-up sa kanyang aircon. Halos isang linggo bago siya napuntahan. Sa madaling salita, dumating …

Read More »

LTFRB sanhi ng traffic sa East Ave., QC! (Ano ang ginagawa ni Martin “Chuckbong” Delgra III!?)

ltfrb traffic

LITERALLY and figuratively, ang tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Bureau (LTFRB) na pinamumunuan ngayon ni Chairman Martin “Chuckbong” Delgra III pa pala ang nagiging sanhi ng traffic sa East Avenue sa East Avenue, sa Quezon City. Una, lahat ng huli ng LTFRB ay nakabalandra o nakaparada sa magkabilaang panig ng East Avenue. Punong-puno na raw kasi mismo ang …

Read More »

Pati papeles at dokumento sa LTFRB nata-traffic din!

ltfrb

Hindi lang pala sasakyan ang nabibinbin ngayon sa tanggapan ni LTFRB Chairman Martin “Chucknong” Delgra III. Maging ang mga dokumento at papeles na dapat niyang pirmahan ay nata-traffic din. Ayon sa ilang nagrereklamo, ang mga hinihintay nilang dokuemnto ay halos apat na buwan nang nasa tanggapan ni Delgra pero hanggang ngayon ay wala pa rin pirma?! Kahit nga raw simpleng …

Read More »

Maging ligtas kaya sa masasamang intensiyon ang Presidential Task Force for Media Security?

HINDI na bago sa inyong lingkod itong pagbubuo ng mga Task Force para umano sa kaligtasan at proteksiyon ng media practitioners. Tuwing bago ang administrasyon, laging may bagong task force. Pero sa totoo lang, pangalan at tao lang naman ang nababago. Ang kondukta ng organisasyon ay ganoon pa rin, walang nagbabago. Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit paulit-ulit lang din …

Read More »

Kapangyarihan na makapaghain ng subpoena nais igawad sa PNP-CIDG ng isang mambabatas

NAGHAIN ng panukalang batas si Surigao de l Norte Representative Francisco Jose Matugas II para bigyan ng kapangyarihan ang PNP Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) na makapag-isyu ng subpoena/subpoena duces tecum. Ito raw kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga taga-PNP-CIDG na imbestigahan ang isang kaso o krimen. Makitid kasi ang kanilang kapangyarihan. Kaya hindi …

Read More »

Congratulations NBI on your 80th anniversary!

NBI

KUMBAGA sa elderly, lolo na ang National Bureau of Investigation (NBI)… Ngayong araw, ipagdiriwang ng NBI sa isang makabuluhang paraan ang kanilang anibersaryo. Gaganapin sa isang pormal na programa ang kanilang anibersaryo na ang magiging panauhing tagapagsalita ay sina Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Francis “Chiz” Escudero, na naging magkalaban bilang bise presidente nitong nagdaang eleksiyon. Congratulations, Director Dante …

Read More »