Bagitong lespu sumisikat sa pitsaan sa Divisoria?! (Attn: NCRPO RD CSupt. Oscar Albayalde)
Mukhang maraming dapat baguhin ang PNP sa kanilang sistema mula police recruitment at training.
Iba na kasi agad ang natututunan ng ilang bagong pulis. Sa halip na trabahong pulis ay pagkakaperahan agad ang inaatupag!
Isa na nga ang isang alias TATA SONKGO na putok na putok sa Divisoria sa pangongolektong sa mga vendor. Pati latag ng mga ilegal na sugal ay pasok rin sa kanya!
Sonabagan!!!
Kung nakamamatay nga raw ang mura ay tiyak todas na raw si Tata Songko y bokal sa dami ng mura mula sa mga vendor!
MPD district director SSupt. Jigz Coronel, papayag ho ba kayo na isang bagitong pulis lang ang sisira sa pamamalakad ninyo sa MPD?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
