Friday , December 27 2024

Bulabugin

Huwag ninyong bulokin ang Kalibo Int’l Airport! (Attention: CAAP)

WALA bang balak ang pamunuan ng Civil and Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na i-overhaul ang “aesthetics” ng Kalibo International Airport? Minsan akong napadaan diyan ay talagang sobrang nakahihiya ang appearance ng nasabing airport kung ikokompara sa hitsura ng ibang international airports sa bansa! Bukod sa nakaririmarim na kaanyuan, talagang nakahihiya na ang hitsura ng airport na ito considering …

Read More »

Beauty enhancement clinics dapat nang pakialaman ng DoH!

ISA na namang biktima ng beauty enhancement clinic or cosmetic surgery ang hindi nakatitiyak kung magkakaroon ng katarungan ang hindi inaasahang pagkamatay matapos sumailalim sa tatlong beauty enhancement operation sa dalawang doktor sa Mandaluyong City nitong Sabado ng hapon hanggang Linggo ng madaling araw. Isa itong trahedya para sa pamilya ng 29-anyos na si Shiryl Saturnino. Inaasahan nilang pagkatapos ng …

Read More »

Secretary Al Cusi nagkaloob ng artwork para sa Duterte’s Kitchen

Goose bumps ang naramdaman ko nang mabasa ko ang isang maliit na photo caption tungkol kay Energy Secretary Al Cusi. Ipinagkaloob ni Secretary Cusi ang painting (collector’s item) na regalo sa kanya ng kaibi-gang Japanese aritist na si Keisuke Teshima, na kilala sa kanyang One-Stroke Dragon technique, para sa proyektong Duterte’s Kitchen feeding program. Pero imbes na cash ang ibigay …

Read More »

Anti-manggagawang e-Passport kanselahin sa private contractor kung ginugulangan ang kaban ng bayan!

BILYON-BILYON ang kinikita ng Asian Productivity Organization – Production Unit Inc. (APO-PU) at kinuha nitong sub-contractor na United Graphic Expression Corp. (UGEC), sa pag-iimprenta ng e-passport. ‘Yan ang lumalabas sa kuwentadang P950 to P1,200 kada passport sa 17,000 applications sa isang araw. Nakatatanggap ang DFA ng tinatayang 17,000 passport applications sa isang araw. At dahil mayroon na ngang online solutions, …

Read More »

Dra. Vicky Belo animal lover na pala ngayon?

Trending ngayon ang ginawang paninisi umano kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ni Dra. Vicky Belo dahil sa napapabayaang mga Zebra at Giraffe sa Calauit Sanctuary Park sa lalawigan ng Palawan. Nagkasakit na raw ang mga Zebra at Giraffe sa Calauit na mula noong panahon umano ni Pangulong Ferdinand Marcos hanggang kay PNoy ay pinangangalagaan. Ngayon daw sa administrasyon ni Pangulong …

Read More »

Sino ang dapat dumamay sa Kadamay?

UMAASA tayo na ang krisis sa pabahay na kinasasangkutan ng National Housing Authority (NHA) at ng urban poor organization na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ay hindi mauuwi sa paglalamay. Ito po ‘yung ginawang pag-okupa ng mga miyembro ng KADAMAY sa pabahay na proyekto ng NHA. Socialized housing project daw po ito na ang benepisaryo ay government employees gaya ng …

Read More »

e-Passport ng APO-PU para sa bayan o para tubong-lugaw ang private contractor!?

KUNG hindi tayo nagkakamali ang Asian Productivity Organization – Production Unit Inc. (APO-PU) ay isang naghihingalong ahensiya ng gobyerno. Pero dahil sa ‘magic wand’ ng pagiging presidente ni Abnoy ‘este Noynoy, naging government-owned and controlled corporation (GOCC) ito noong 6 Hunyo 2011 sa ilalim ng Section 3, paragraph Republic Act No. 10149 na kanyang nilagdaan. Kasabay ng pagiging GOCC, inilipat …

Read More »

Bushfires sa Sta. Rosa, Laguna pinababayaan na ng realtor binabalewala pa ng local gov’t!

Tila hindi nababahala ang local government ng Sta. Rosa, Laguna sa nagaganap na bushfire sa Greenfields at Nuvali area. Kapag nagkaroon ng bushfire, matindi at makapal ang usok na nililikha niyan. ‘Yung kapal ng usok na halos hindi na magkita ang magkasalubong na sasakyan sa highway. Umaabot na rin ang usok sa mga kabahayan sa loob ng iba’t ibang subdivision …

Read More »

Digong-Leni parang LQ lang ang gap

KINIKILIG daw ang mga manang kapag nakikita nilang magkatabi sa isang okasyon sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at VP Leni Robredo. Kahit nga sa mga coffee shop pinag-uuspan din na parang may “LQ” (lover’s quarrel) lang ang Pangulo at si Madam VP. Ibang klase talaga ang Pinoy. Minsan parang mga political analyst kung magbigay ng opinyon. Pero mas madalas parang …

Read More »

Old school merienda back-to-public schools — DepEd Sec. Briones

GUSTO natin ang bagong pahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga pagkain na inihahanda ng school canteens para sa mga estudyante. Bawal na ang softdrinks, powdered juice drinks, fish balls at iba pang meryenda na iniluto sa mantika. Ibabalik ni Secretary Leonor Briones ang meryendang gatas, sariwang sabaw ng buko, nilagang mani at saging at iba …

Read More »

Immigration Commissioner Jaime Morente on the way out?

Gaano kaya katotoo ang umuugong na balitang magkakaroon ng balasahan o revamp sa ilang ahensiya ng pamahalaan? Kasama raw sa mga magiging casualty ang Bureau of Immigration? Sus naloko na! Tila hindi raw kasi satisfied si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negative issues ngayon sa kagawaran. Kabilang na rito ang pagkakagulo tungkol sa overtime pay ng Immigration employees na hanggang …

Read More »

Eleksiyon ba o appointment para sa barangay officials?

AYAW ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na matuloy ang barangay election ngayong 2017. Noong nakaraang taon, ipinabinbin ni Pangulong Digong ang nakatakdang eleksiyon noong Oktubre 2016 sa rason na gagastos umano ang sindikato ng ilegal na droga para kopohin ang resulta nito. Maraming nadesmaya pero maraming umasa na matutuloy na ito ngayong 2017… Pero muli silang nabigo dahil muling ipinabibinbin …

Read More »

Magandang pagbabago sa MPD Malate station (PS9) ni P/Supt. Roger Ramos

Kasalukuyang ipinatutupad ang pagbabago sa Manila Police District – Malate Station (PS9) sa pamumuno ni P/Supt Rogelio Ramos. Noong mga nagdaang panahon kasi, kilalang-kilala ang presinto nuwebe bilang himpilan ng matatalim na pulis-Maynila cum bangketa boys, ilang matutulis na  kotong cops partikular sa checkpoints. ‘Yan ang mga trabaho noon ng mga pulis sa Malate area. Mga salikwat na lakad ng …

Read More »

PacMan knockout kay Sen. Drilon

Parang mabibigat na upper hook at left hook ang mga salitang nagliparan sa Senado nang magsagupa ang batikang abogado at betaranong mambabatas na si Senator Franklin Drilon at Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquaio. “Use your common sense!” “May common sense ako!” “Wala kang alam!” “May alam ako!” Hahaha! Inuurirat kasi ni Senator Drilon — isa sa mga pinatalsik na Liberal …

Read More »

1st tactical & survival expo isasagawa sa Filipinas

ISASAGAWA sa Filipinas ang kauna-unahang Tactical and Survival Expo na layuning turuan ang bawat indibidwal at pamilya kung paano proteksiyonan ang sarili at pamilya gayondin ang ari-arian sa panahon ng sakuna at ano mang banta sa buhay. Ayon kay Gina Marie G. Angangco, Senior Executive Vice President at Deputy Chief Executive Officer (CEO) ng Armscor, napapanahon ang 1st Tactical and …

Read More »

e-Passports ginamit na rason ng APO-PU para libreng makapag-‘world tour’?!

HINDI natin alam kung low IQ ba ang mga taga-Asian Productivity Organization-Production Unit Inc. (APO-PU) o metikuloso o talagang magugulang lang sila?! Kasi ba naman nang mapunta sa kanila ang printing ng e-passport kinailangan pang mag-around the world ng mga taga-APO-PU. Ayon sa ilang insider, hinati pa umano sa apat na grupo ang APO promo force — tig-iisang grupo sa …

Read More »

MPD bakit ‘kamote’ sa riding in-tandem!?

ISANG policewoman ang itinumba sa Maynila bago maghatinggabi nitong Linggo. Pinagbabaril ng riding in-tandem sa C.M. Recto Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD-Barbosa PCP, at residente sa Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila, sakop ng Brgy. 314, Zone 31. Dinala sa ospital si Alafriz, pero idineklarang dead on arrival. Papasok si …

Read More »

Kung mai-impeach si VP Leni Robredo (Sen. Koko puwedeng masikwat ang VP)

KAYA maraming political strategist ang nagpaparaktis at nagpapaka-henyo rito sa ating bansang Filipinas dahil kakaiba talaga ang takbo ng mga politiko rito. May nagsampa  ng impeachment kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Pero nabisto agad na ang promotor ay dilaw na kulto kasabwat umano ang nagpopondo kay Madam Leni na sina Loida Nicolas Lewis at George Soros. At dahil ito ay …

Read More »

Life in Guam is very Pacific

Nasa Western Pacific Ocean ang Guam. Isang maliit na isla na ngayon ay deklaradong sakop ng teritoryo ng Estados Unidos. Nitong nakaraang weekend, isinama tayo ng isang kaanak sa Guam, bilang isang regalo. Kung ikokompara rito sa ating bansa, parang Subic Bay lang ang Guam. Isang tahimik, higit na malinis, maunlad at mapayapang Subic. Halos magkapitbahay lang ang Hawaii at …

Read More »

May misdeal ba sa e-Passport contract?

NOONG 1980s ang mdalas batikusin na ginagawang negosyo ay sistema ng edukasyon at kalusugan sa bansa. ‘Yan kasi ang dalawang bagay na hindi dapat balewalain ng bawat indibiduwal at ng pamahalaan. Kaya nga kabilang ang Department of Education at Department of Health sa mga corrupt-ridden agency sa bansa. Marami kasing pangangailangansa dalawang ahensiya na pinasok ng mga pribadong kontratista. Ngayon, …

Read More »

Immigration employees nagpasalamat kay SoJ Vitaliano Aguirre

MARAMING Immigration employees ang nagpapasalamat at natuwa sa todo-suportang ipinapakita ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa pagbabalik ng overtime pay para sa Bureau of Immigration. Sa kanyang liham (position paper) na ipinaabot sa Malacañang, ini-request ni Sec. Aguirre na pansamantalang pigilin (moratorium) ang veto ng Pangulo para sa provision na naglalayong ilagak ang Express Lane Fund (ELF) ng Bureau of …

Read More »

Ang ‘stupid’ nga naman!

Tito Sotto

ESTUPIDO raw ang kalahati ng mga driver sa Filipinas, ‘yan ang sabi ni Senador Vicente “Tito Sen” Sotto. Maliban sa pagsasabing estupido ang mga driver na Pinoy, wala nang ibang sinabi pang rason si Sotto. Kapag kumuha raw ng honest-to-goodness driver’s examination gaya sa Estados Unidos, tiyak daw na babagsak ang mga Pinoy — dahil estupido?! Wattafak!? Ito namang si …

Read More »