Friday , October 4 2024

Dra. Vicky Belo animal lover na pala ngayon?

Trending ngayon ang ginawang paninisi umano kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ni Dra. Vicky Belo dahil sa napapabayaang mga Zebra at Giraffe sa Calauit Sanctuary Park sa lalawigan ng Palawan.

Nagkasakit na raw ang mga Zebra at Giraffe sa Calauit na mula noong panahon umano ni Pangulong Ferdinand Marcos hanggang kay PNoy ay pinangangalagaan.

Ngayon daw sa administrasyon ni Pangulong Digong ay nagkakasakit na ang mga Zebra at Giraffe.

Sa totoo lang, noong 1981 pa lang, nagkaroon na ng problema sa maintenance ng nasabing sanctuary park.

Noong panahon ni Marcos, ito ay pinopondohan ng Office of the President. Sa kasalukuyan ito ay pinamamahalaan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 722 na ini-ratify noong December 12, 2008, ang pamamahala sa Sanctuary ng Palawan Council for Sustainable Development ay nailipat sa Provincial Government of Palawan noong March 23, 2009 at ipinalit ang bagong pangalan na Calauit Safari Park.

Dinarayo ito bilang eco-tourism attraction.

Dra. Belo, ‘yan po ang history ng Calauit Safari Park. Research-research din muna bago kaladkarin ang pangalan ng presidente.

Kung naaawa ka sa mga nagkakasakit na Zebra at Giraffe, e baka puwede ipadala mo muna si Dr. Hayden doon para alagaan sila?!

Kapag nagawa mong ihiwalay sa iyo si Doc Hayden, ‘e baka maniwala kami na isa kang tunay na animal lover.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *