Friday , November 22 2024

Bulabugin

Huwag i-romanticize ang pag-aresto sa 3 pork senators

AGREE tayo sa payo ni Senate majority leader, Senator Alan Peter Cayetano sa mga taga-media at ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa kanilang kapwa senators na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada na akusado ng kasong pandarambong (plunder) at ngayon ay kapwa nakapiit na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Bakit nga naman hindi ‘yung akusasyon laban sa …

Read More »

Newport Performing Arts Theatre may problema at palpak sa booking!

LAST Friday, isang kapamilya kasama ang kanyang dalawang kaibigan ang bumili at naka-book sa patron seat ng Newport Performing Arts Theatre para sa stage play na Priscilla. S’yempre excited silang magkakaibigan dahil matagal na nila itong hinihintay na mapanood. Pero ‘yung excitement nila ay napalitan ng pagka-desmaya dahil pagdating nila sa upuan ay OKUPADO ang PATRON SEAT na nakalaan para …

Read More »

BI Angeles ACO tinabla si Comm. Mison at SoJ De Lima (Attn: SoJ Leila De Lima)

Kamakailan lang ay naglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng Office Order No. SBM-2014-12. “Prescribing The Operating Rules and Guidelines In Temporary Visitor’s Visa Extension of Chinese Nationals.” Ito ay bilang pagsunod sa Letter Order na pinirmahan ni DOJ Sec. Leila Delima dated January 2014. Kabilang sa ipinag-utos sa nasabing Office Order ang HINDI pag-extend sa visa ng Chinese nationals …

Read More »

Ang veto ni PNoy vs The Order of National Artist kay Ms. Nora Aunor

TOTOONG may VETO ang presidente ng bansa at siyang may kaisa-isang kapangyarihan na kayang balewalain ang mga desisyon at napagkaisahan na ng isang ahensiya lalo kung direktang nakapailalim sa kanyang tanggapan … Pero ang tanong, may ‘moral’ ground ba ang presidente para ibasura ang pagiging NATIONAL ARTIST ni Ms. Nora Aunor? Kung ‘moralidad’ ang ginagamit na basehan ng Malacañang para …

Read More »

Maraming naglinis sa pangalan ng pulis na si Batotoy

Nang lumabas sa kolum natin ang pangalan ng pulis na Batotoy, marami ang tumawag sa inyong lingkod. Inilinaw nila na hindi pwedeng ipangolekta ni Batotoy si Manila Police District (MPD) director, Gen. Rolando Asuncion dahil identified siya kay Mayor Fred Lim. Tingnan n’yo naman nanahimik na ‘e naisu-sumbong pa sa inyong lingkod. Nailipat pa nga raw sa Caloocan si Batotoy, …

Read More »

NAIA Terminal 2, international airport pa ba ‘yan, Atty. Cecilo Bobila?

NAALALA ko ang lyrics sa kantang bahay ni Gary Granada … “pinagtagpi-tagping basura, pinatungan ng bato … hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito ay bahay.” Dito naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 … “tumutulong kisame na sinasahod ng timba at flower pot, kapag umuulan tiyak na ika’y mababasa at madudulas pa… hindi ko maintindihan kung …

Read More »

NAIA T4 huwaran naman sa kaayusan at kalinisan

KUNG desmayado tayo sa Terminal 1 and 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na matagal na nating pinupuna, kahit hindi pa man nasisimulan ang rehabilitation sa old NAIA ‘e bilib na bilib naman tayo sa kaayusan at kalinisan ng NAIA Terminal 4. Kamakailan ‘e nagawi tayo sa NAIA T4 at ang una nating napansin’yung kalinisan. ‘Yun bang pagkakitang-pagkakita n’yo …

Read More »

Drug syndicate mahihirapan nang lumusot sa NAIA

MULI na namang sinubok ng pinaniniwalaang international drug syndicate ang ipinatutupad na security measures laban sa illegal drugs sa mga bodega ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). But for the _th time, sad to say ay ‘untog’ na naman sila nang tangkaing ipuslit sa LBC customs bonded warehouse ng airport kamakailan ang pinaniniwalaang “high grade” shabu na isiniksik pa sa …

Read More »

Tama na ang drama Mr. Bong Revilla

MUKHANG hindi pa rin nagigising sa katotohanan s Mr. Bong Revilla, Jr. Akala yata niya hanggang ngayon ay nagso-shooting pa rin siya ng pelikula. Kamakalawa, sa kanyang pagsuko with heavy drama sa Sandiganbayan, isinama niya ang kanyang buong pamilya hanggang sa kanyang mga apo. Sinamahan siya ng kanyang pamilya patungong Sandiganbayan na animo’y isang bayani na iprino-prosecute ng mga kalaban …

Read More »

P150-M kontrata ni Cedric Lee sa NAIA kanselahin na!

NGAYONG nahaharap sa isang mabigat na kaso (may tax evasion case pa) si Cedric Lee, hindi kaya manganib din ang nakuha  niya P150-M kontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa repair ng parapet walls, attic, kisame, at ang elevated roadway ng NAIA Terminal 1?! Si Cedric ang kasalukuyang chairman of the board at president ng Izumo Contractors Inc., …

Read More »

Mambabatas o mambubutas?

ANO kaya kung isang araw ‘e mawala ang mga mambabatas sa ating lipunan? Magkaroon kaya ng katahimikan ang ating bayan? Wish lang ng inyong lingkod lalo na kung ang mga mambabatas natin ‘e walang alam gawin kundi pagastusin ang bayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na walang lohika at sabi nga ‘e mukhang masabi lang na hindi nagbubutas ng …

Read More »

Mataas na multa lang pala ang magpapatiklop sa kolorum na PUVs

‘Yun naman pala. Meron naman palang ‘guts’ ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad ng isang kautusan na magpapatiklop sa sandamakmak na  kolorum na naglisaw sa mga pangunahing kalye at kahit mismo sa national highways. Mantakin ninyo biglang lumuwag ang kalye nang magsitiklop ang mga kolorum? Ibig sabihin ba n’yan na halos 50 porsiyento o higit pa …

Read More »

Pasay PNP official may doble-bagong kotse (Paging: PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima)

ISANG PNP official sa Pasay City ang tila nakatatanggap ng sandamakmak na biyaya na hindi natin malaman kung saan nagmula. Aba ‘e, mukhang nakapagpagawa na rin ng bahay na mayroon malaking garahe dahil bumili ng dalawang bagong tsekot na Ford Explorer at Toyota Fortuner. Mukhang maraming ‘parating’ si Pasay PNP official kaya mabilis ang kanyang pagpupundar. Kung patuloy na tumataas …

Read More »

‘Tsubibo Gang’ rumaraket sa Bureau of Immigration

NASASALISIHAN na raw ng ‘tsubibo gang’ ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa korupsiyon gaya d’yan sa Bureau of Immigration (BI). Nabuhay na naman kasi ang ‘tsubibo gang’ na dating namamayagpag noong panahon ni dating Justice Secretary Raul Gonzales sa BI na nagpapatuloy hanggang ngayon. Sa impormasyon na nakaabot sa inyong lingkod, ‘yang ‘tsubibo gang’ …

Read More »

Mga ‘honesto’ sa NAIA kinilala at pinarangalan ni MIAA GM Jose Angel “Bodet” Honrado

ISA tayo sa mga natutuwa dahil kinilala at pinarangalan ang mga empleyado at personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpakita ng kanilang katapatan at kabutihang-loob sa pamamagitan ng pagsasauli ng mga napulot nilang mga importanteng bagay gaya ng dokumento, cash sa iba’t ibang currency, alahas, electronic gadgets at iba pa. Sila ‘yung mga tinatawag na ‘HONESTO SA AIRPORT.’ …

Read More »

Brand new jail kina Pogi, Sexy at Tanda… hindi pa ba espesyal ‘yan?

WALA raw VIP treatment at lalong wala raw kakaiba sa pagkukulungan sa tatlong senador na akusadong mandarambong — na sina Senators Juan “Tanda” Ponce Enrile, Bong “Pogi” Revilla at Jinggoy “Sexy” Estrada. ‘Yan ang sabi ni PNP spokesman, Gen. Theodore Sindac sa mga taga-media nang ipresenta ang pagkukulungan sa tatlong (3) pork senators. Wala raw aircon, bentilador lang. No gadgets. …

Read More »

‘Unethical’ profiling ng mga ‘gray’ passenger niraraket ba ng BI-NAIA T2 TCEU?

GUSTO po natin tawagin ang pansin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison tungkol sa sandamakmak na reklamo ng mga pasahero (especially from China) na bigla na lamang binubunot sa kanilang pila sa NAIA T-2 Arrival saka iniaakyat sa Departure area. Marami kasing Immigration Officer (IO) ang nakapagsabi sa atin na sablay ang ginagawang passenger profiling ng mga miyembro …

Read More »

MPD PS-11 moro-morong kampanya laban sa sugal!

Hindi natin malaman kung bulag ba o nagbubulag-bulagan ang mga tulis ‘este’ pulis ng MPD PS-11 sa ilalim ni Kernel RAYMOND LIGUDEN laban sa ilegal na sugal sa kanyang area of responsibility (AOR) dahil ultimong sa bangketa ay nag-o-operate ang horseracing bookies lalo d’yan sa C.M. Recto at Elcano streets Binondo, Maynila. Ganoon din sa antigong bangketa bookies sa paligid …

Read More »

Dapat ba natin pagtiisan ang mga habilin ni Sec. Kolokoy ‘este’ Coloma?

ALAM kong maraming galit kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos — ang presidente ng bansa na nagkaroon ng bansag na DIKTADOR. Pero sa totoo lang, hindi ko narinig sa kanya ‘yang katagang “Magtiis muna kayo.” Ang natatandaan kong sinabi niya: “This Nation can be great again!” Kasunod n’yan ang: “Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan.” Sa panahon ng kanyang …

Read More »

Maliliit na negosyante sa Tayabas hina-harass ni mayor?

SA loob ng ilang dekadang, pinagtiyagaan at pinagsumikapang pasiglahin ng maliliit na komersiyante sa Tayabas, Quezon ang kalakalan at ekonomiya ng makasaysayang lalawigan sila ngayon ay parang basurang itinataboy mismo ng kanilang local government. ‘Yan po ang hinaing ng mga nagrereklamong komersiyante na sapilitang pinaaalis at itinataboy ng Tayabas LGU sa pwestong ilang dekada na nilang inookupahan. Totoong pag-aari ng …

Read More »

Paalam kaibigang Rex Ramones

KAHAPON inihatid na sa huling hantungan (cremation) ang kaibigan at katoto nating si Rex Ramones. Si Rex ay regular na miyembro ng National Press Club at ng Airport Press Club. Hindi lang natin sa diyaryo nakasama si katotong Rex, kasama natin siya sa sabi nga ‘e pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay. Hindi kayang tawaran ang pagiging ama ni Rex sa …

Read More »

Politika sa PNP tumitindi! (Purisima vs Petrasanta)

NALULUNGKOT tayo na ang civilian law enforcement ng bansa — ang Philippine National Police (PNP) — ay biktima na rin ng gatungan, gantihan o politikang bulok na itinutulak ng talamak na korupsiyon sa loob. Iniimbestigahan ngayon sa Kamara de Representantes ang pumutok na isyu ng umano’y pagbebenta ng P52-million o 1,004 AK-47 assault rifle sa New People’s Army (NPA). Idiniin …

Read More »

Malakas ang influence ni ‘illegal husband’ sa BI

MATAGAL na natin naririnig ang tsismis tungkol sa ‘illegal husband’ na isinasangkot sa isang government official. Hindi natin alam kung tsismis pa rin iyong sinasabi na ‘yung lover/driver/bodyguard ni hot mama offical umano ay ginamit ang kanyang impluwensiya para makapagpasok ng mga kamag-anak sa governmet agencies lalo na sa Bureau of immigration (BI). Isa raw sa mga naambunan ng swerte …

Read More »