Friday , August 12 2022

Mambabatas o mambubutas?

00 Bulabugin JSY

ANO kaya kung isang araw ‘e mawala ang mga mambabatas sa ating lipunan? Magkaroon kaya ng katahimikan ang ating bayan?

Wish lang ng inyong lingkod lalo na kung ang mga mambabatas natin ‘e walang alam gawin kundi pagastusin ang bayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na walang lohika at sabi nga ‘e mukhang masabi lang na hindi nagbubutas ng bangko sa Kamara.

Gaya nitong sina Rep. Nelson “Sonny” Collantes at Rep. Lucy Torres, mantakin ninyong magpanukala na bawal na raw ang mag-ipon ng barya at  ‘yung isa naman ay gawin daw “No Busina Day” ang araw ng Linggo?

Wala na ba kayong maisip na mas masustansiyang batas na hindi sasayangin ang kwartang ilalaan para sa deliberasyon ng batas na ‘yan na alam naman ninyong walang kakwenta-kwenta?!

Aba Congresswoman Lucy Torres, ‘yang House Bill 4542 ninyo na gagastusan ng kulang P2 milyon kapag tinalakay sa Kamara ‘e pwede nang barangay resolution  lang ‘yan.

Habang ‘yang House Bill 4411 n’yo naman Congressman Collantes ‘e impraktikal lalo na kung babalikan ninyo ang tradisyon ng pag-iimpok nating mga Pinoy.

Parang hindi ka naman Batangeño sa asal mong ‘yan.

Nalimutan mo na ba kung ano ang itinuturo ng kulturang bumbong na kawayan?

Hindi ba’t d’yan nag-uumpisa ang disiplina sa pag-iimpok ng mga kabataang Pinoy?

Mga barya-barya ‘yan na naisusubi … buti sana kung papayag ang banko na magdesposito sa kanila kahit piso.

Hindi ang pag-iipon ng barya ng ordinaryong mamamayan ang dahilan ng kakulangan nito sa sirkulasyon. Mas malalim po ang dahilan n’yan Congressman Collantes.

Ang kakulangan ng salapi sa sirkulasyon, barya man yan o salaping papel, ibig sabihin may problema sa ekonomiya ang isang bansa …

Bakit hindi ninyo pagtuunan ng pansin ang sandamakmak na money launderer sa iba’t ibang Casino? Baka isa sila sa dahilan kung bakit nababawasan ang sirkulasyon ng ating salapi.

Higit sa lahat, mga kagalang-galang na mambubutas este Mambabatas,  huwag ninyong lustayin ang pera ng bayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na  halatang-halata naman na ginagamit n’yo lang para magpa-pansin.

‘Yun ‘yon ‘e!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply