Thursday , August 18 2022

NAIA T4 huwaran naman sa kaayusan at kalinisan

00 Bulabugin JSY

KUNG desmayado tayo sa Terminal 1 and 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na matagal na nating pinupuna, kahit hindi pa man nasisimulan ang rehabilitation sa old NAIA ‘e bilib na bilib naman tayo sa kaayusan at kalinisan ng NAIA Terminal 4.

Kamakailan ‘e nagawi tayo sa NAIA T4 at ang una nating napansin’yung kalinisan.

‘Yun bang pagkakitang-pagkakita n’yo pa lang ‘e amoy mabango na at very conducive ang ambience para sa mga pasahero.

Wala man lang mararamdaman na kahit anong kaba ang pasahero dahil naipakita agad ng NAIA T4 ang safe ambiance.

Malinis ang paligid at hindi dilapidated ang mga kisame.

Maayos ang cooling system.

Hindi ka nenerbiyosin sa security force because of their friendly smile and cordial gestures sa mga pasahero.

Mula entrance hanggang sa Immigration ng NAIA T4 ay wala tayong masasabi.

Saludo tayo kay NAIA Terminal 4 manager, Engr. Enrico Gonzales.

Mas karapat-dapat siguro ang isang tulad ni Engr. Gonzales sa NAIA Terminal 2.

Ano sa palagay po ninyo, Manila International Airport Authority (MIAA) general manager, retired Gen. Jose Angelo “Bodet” Honrado?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply