Monday , January 6 2025

Bulabugin

IO Gigi Angeles, sumisikat na masyado sa BI-Cebu (Attn: SoJ Leila de Lima)

NAKAPAGTATAKA na hindi nabibigyan ng pansin ang lantarang anomalya sa Bureau of Immigration (BI) Mactan Cebu International Airport. Masyado na raw ang pamamayagpag ng isang IO GIGI ANGELES sa paggawa ng milagro? Gayong ang lahat ng ibang Immigration Officers (IO) sa paliparan sa Pilipinas ay nananahimik na at talagang takot masilipan at makasuhan, pero si Ms. Angeles ay wala umanong …

Read More »

Trying very hard sa kanyang papogi si SILG Mar Roxas

MARAMING natawa at kasunod nga ‘e pinutakte at ‘pinulutan’ sa social media ang mga naglabasang retrato ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa mga pahayagan at video clips sa mga television network. Hindi ko alam kung nagbabasa kayo ng mga comment sa social network Sec. Mar, pero maging ang inyong lingkod ay hindi masikmura ang mga puna ng …

Read More »

Tuloy pa rin ang raket na dukot-lisensiya sa MTPB

AKALA natin ‘e nanahimik na ang tandem nina alias KENDI at AYBORY sa Manila Traffic Parking Bureau (MTPB). Hindi pa pala… Kamakailan lang, may mga nakausap tayo na sa halagang P1,000 ay kanyang naipadukot sa tandem na KENDI at AYBORY ang kanyang lisensiya na ang orihinal na violation ay may multang P4,000. Mukhang ‘yan ang dapat na busisiin ni Yorme …

Read More »

Desmayado kay Congressman Ben Evardone

Talagang hanga rin naman ako rito kay Cong. Ben Evardone ng lone district ng Eastern Samar. Noong una, buong akala natin ay mabibigyan niya ng pakahulugan ang PRESS FREEDOM, dahil siya ay dating media practitioner. Umasa ang marami sa kanya bilang House Chairman ng Public Information noong 14th Congress, na bibigyan buhay at maipapasa ang FREEDOM OF INFORMATION BILL. Aba’y …

Read More »

P50-M DAP/PDAF ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ginamit sa tama

MAY kasabihan, ang taong may malinis na konsensiya walang dapat itago sa sambayanan. At d’yan tayo bumibilib kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV. Inilabas sa isang broadshit este broadsheet newspaper na si Sen. Trillanes ay kasama sa nabiyayaan ng P50 milyones mula umano sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Batay umano ‘yan sa rek0rd ng Department of Budget and Management (DBM). …

Read More »

Tulisang pulis na nanggahasa ng menor de edad na detainee kinonsinti at pinatakas ni Kernel Torralba!? (Attn: DSWD & DILG)

IMBES mailigtas sa kapariwaan lalo pang nasira ang buhay ng isang 17-anyos na babaeng detainee nang ikulong sa Silang Municipal police station dahil umano sa kasong drugs. Ang Silang Municipal police station ay nasa ilalim ng pamamahala ni Supt. Gil Torralba. Ang 17-anyos na dalagita ay dinakip umano sa kasong droga. Hindi malinaw kung drug user o pusher. Pero pinangakuan …

Read More »

Sino-sino ang ‘kontak’ ni Albert Corres sa Bureau of Immigration (BI)?

PATULOY raw na ipinagyayabang nitong si Albert Corres asawa ni Immigration Angeles ACO Janice Corres na matindi raw ang kanilang koneksyon sa immigration kaya sila ay nakakuha ng exemption sa Office Order SBM-2014-12. Matapos lumabas ang naturang Office Order na wala nang processing ng Visa extension sa BI Angeles field office, ‘e wala pa raw isang linggo, nagawa nilang makapagpapirma …

Read More »

Comelec Commissioner Grace Padaca nalaglag o inilaglag ng 3-M Division?

HINDI na raw ini-appoint ni Pangulong Benigno Aquino III si Commissioner Grace Padaca nang mag-expire ang kanyang appointment sa Commission on Election (Comelec). Ang sabi, dahil na-bypassed ng Kamara, na kasalukuyang naka-recess, hindi raw pwedeng ma-appoint muli. Sa pagbubukas pa raw ng Kongreso muling mai-appoint ng Pangulo si Commissioner Padaca. ‘Yan ay kung gusto pa siyang i-appoint ng Pangulo. ‘Nahihiwagaan’ …

Read More »

Overacting ka na, Atty. Gigi Reyes!

KAHIT siguro sinong babaeng malagay ngayon sa nararanasan ni Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes ‘e talagang nenerbiyosin at baka masiraan pa ng ulo. Mantakin n’yo namang isa-swak na siya sa BJMP Bicutan at nakita ang 6 NPA na babaeng detainees ay biglang nangatog at nagkasakit. Pero sa findings ng mga doctor sa kanya ay normal naman ang BP at heart rate …

Read More »

Fontana Leisure & Resort, kasabwat sa raket sa BI Angeles Field Office?! (Attn: SoJ Leila de Lima)

AYON sa isang Bureau of Immigration (BI) lawyer, maliwanag na inabuso ni BI Angeles Alien Control Officer (ACO) JANICE CORRES ang exemption sa Office Order No. SBM-2014-12 re: “Temporary Visitor’s Visa Extension of Chinese Nationals” na ibinigay sa Fontana and Leisure Resort para i-extend ang stay ng mga kliyente nila sa Casino. May info kasi ngayon na hindi lang daw …

Read More »

Regular employees and officials ng PTV4 binalewala ni Sec. Sonny Coloma

SAYANG yata ang management courses na pinag-aralan ni Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” kolokoy este Coloma, Jr., sa sikat na Asian Institute of Management (AIM). Simpleng pagrespeto o pagkilala sa mga regular na empleyado at opisyal ng government network PTV 4 ‘e sumablay pa siya. Ibinuking kasi ng People’s Television Employees Association (PTEA) ang tungkol sa kinuhang dagdag na sulsoltants …

Read More »

Imbestigahan ng BIR si Jojo Soliman!

NOONG dekada 70 hanggang 80, namamayagpag ang pangalan ng isang JOAQUIN SOLIMAN. Katunayan ay lumutang ang pangalan niya sa isang Senate investigation sa rice cartel noon. Siya ang sinasabing ‘NINONG’ ng RICE CARTEL d’yan sa Dagupan St., sa Tondo noon. Si Joaquin ang tatay ni JOEMERITO ‘Jojo’ SOLIMAN, ang sinasabing tunay na amo ng rice smuggler na si David Tan. …

Read More »

Ber Nabaro, bagong bagman ng Manila City Hall

NAGDEKLARA na umano ang isang tulis ‘este’ pulis na alias BER NABARO na siya na ang opisyal na ‘BAGMAN’ ng Manila City Hall para kay code name GenBob. Tumataginting na 400k kada linggo raw ang BID ni alias Nabaro para sa City Hall. Hehehe … sounds familiar … Kung sino man ang GenBob na ito, ang masasabi lang natin, ‘e …

Read More »

May ‘multo’ sa city hall ni Malabon Mayor Lenlen Oreta

IBANG klase rin pala sa Malabon City hall na ang Alkalde ay si Mayor Lenlen Oreta. Mantakin ninyong mayroon rin palang ‘MULTONG EMPLEYADO’ sa teritoryo n’ya?! Gaya lang d’yan sa Oplan Disiplina Security Services na ang hepe ay isang MELECIO ASIDAO, na may isang tauhan na isang PHILIP ALCANTARA alyas Bayaw (bayaw na naman!?) ang matagal nang naka-payroll pero kahit …

Read More »

Silangan National High School principal Alfredo Lopez na mahilig magmura, terror ng teachers at mga estudyante (Attn: DepEd Sec. Armin Luistro)

HINDI pala dapat sa edukasyon ang naging propesyon ni Silangan National High School (San Mateo, Rizal) principal Alfredo Lopez — mas bagay pala sa kanya ang maging BOUNCER o kaya ay WARDEN sa Bilibid. Kakaiba kasi ang katapangan at kabulastugan sa katawan nitong si Lopez. Mantakin ninyong kayang-kaya niyang mag-umpog ng mga estudyanteng menor de edad , manigaw at murahin …

Read More »

Anomalya sa Quezon Metro Water District (Attn: Quezon Gov. Jayjay Suarez)

DALAWANG dokumento po ang ating natanggap kaugnay ng malalang problema sa Quezon Metro Water District (QMWD), minabuti po nating ilathala ang dalawa para sa kabatiran ng madla at ng mga kinauukulang awtoridad. Sa ating palagay, panahon na po para resolbahin ang problemang ito dahil nahihirapan na ang mga taga-Quezon. Narito po: Direktor Siony J. Alcala Direktor Vicente Joyas Direktor Walfredo …

Read More »

The same ‘old’ guy whose name is Bong Naguiat

MARAMI ang nagpapatanong nito sa atin para kay Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) Chairman Cristino “Bong” Naguiat, Jr. “Hindi pa rin ba nagbabago si Bong Naguiat?” Noon po kasing ikalawang taon ni Mr. Naguiat bilang Chairman ng PAGCOR, mayroong lumapit sa inyong lingkod na isang events promo girl. Ang nagreklamo po ay promo girl mismo ng PAGCOR. Sabi niya, …

Read More »

Parañaque Traffic Management Office (PTMO) chief kalawang na sisira kay Mayor Edwin Olivarez

NAKATANGGAP po tayo ng sanrekwang reklamo mula sa Baclaran Transport Group ng Parañaque City. Ito ay tungkol sa liham nila kay Mayor Edwin Olivarez noong Mayo 29 (2014) at nitong Hunyo 11 (2014) na inirereklamo si Parañaque Traffic Management Office (PTMO) chief, TEODORICO BANDIDO ‘este’ BARANDINO. Ilan sa mga reklamo ng transport group laban kay Barandino ang talamak na panghuhuli …

Read More »

Dadapa sa DAP ang kampo ni PNoy

ANG Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay mga pondong nagpapatunay na mayroong malalang korupsiyon sa bansa. Ang siste, ang dalawang pondo na ‘yan ay hindi nagsilbi para matugunan ang mga napapabayaang bahagi o baryo sa ating bansa na higit kanino man, ang mga mamamayan doon ang nangangailangan ng mga kagyat na …

Read More »

Untouchable sakla ni Lucy Santos sa AoR ng PNP-NPD

IBA talaga ang kamandag ni Lucy kung pag-uusapan ang kanyang hanapbuhay na saklang patay sa buong area ng Camanava. Kahit sino raw ang mahalal na alkalde sa mga lungsod na sakop ng CAMANAVA ay kaya niyang lambingin o paamuin sa pamamagitan ng kanyang mga kuwarta ‘este’ salita para largahan ang kanyang 1602. Kontrolado pa rin ngayon ni Lucy at ni …

Read More »