Thursday , October 6 2022

Overacting ka na, Atty. Gigi Reyes!

00 Bulabugin JSY

KAHIT siguro sinong babaeng malagay ngayon sa nararanasan ni Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes ‘e talagang nenerbiyosin at baka masiraan pa ng ulo.

Mantakin n’yo namang isa-swak na siya sa BJMP Bicutan at nakita ang 6 NPA na babaeng detainees ay biglang nangatog at nagkasakit.

Pero sa findings ng mga doctor sa kanya ay normal naman ang BP at heart rate n’ya.

At humihirit na naman na doon na lang daw siya ikulong sa Crame.

Ano ‘yun, nag-iinarte!?

S’yempre, noong araw nga naman na hindi pa nabibisto ang katakawan nila sa pera at pagnanakaw sa kwarta ng bayan, ‘e para silang mga diyosa na hindi makabasag pinggan. Laging nakataas ang kilay at parang hindi pwedeng madapuan ng langaw.

Marami pa ngang babae ang nanaghili sa pagiging malapit niya kay Juan Ponce Enrile dahil mukhang doon daw siya sinuwerte.

‘Yun pala, doon siya nagkakamal?!

Ganyan talaga ang buhay Atty. Gigi, ang may atraso sa bayan, kung kailan mahina na ay saka sinisingil ng KARMA.

Isipin mo na lang na mahaba ang panahon na ikaw ay nakaranas ng sarap.

‘Yun lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Blind Item, male star, 2 male, gay

Matinee idol nabuking ang pagka-beki nang sumabit sa male model

HATAWANni Ed de Leon MAHIHIRAPAN na ngayong maitago ang kabadingan ng isang matinee idol. Eh kasi ba …

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Leave a Reply