Thursday , December 19 2024

Breaking News

‘Board exam’ sa Journalists isinulong ng 2 solon

DALAWANG kongresista ang naghain ng panukala na naglalayong isailalim ang sino mang nais magtrabaho sa media na pumasa sa pagsusulit bago bigyan ng akreditasyon bilang miyembro ng press. Sa ilalim ng House Bill 2550, o “Magna Carta for Journalists” na ini-akda nina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez, ang mga journalist ay ikaklasipika bilang “accredited” at “non-accredited.” Bubuuin ayon sa panukala, …

Read More »

14 katao arestado sa Jueteng sa Munti

MATAPOS mabunyag sa pahayagang HATAW ang operasyon ng jueteng sa premier city ng Muntinlupa, agad nagsagawa ng operasyon ang isang unit ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng 14 katao. Isinailalim sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Alenzano ang 14 katao at ilan sa kanila ay umamin na kobrador …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ ( Trapiko tiyak apektado )

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

8 patay 4 missing kay Santi

KINOMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walo na ang patay habang apat ang nawawala sa Pampanga, Nueva Ecija at Aurora kasunod ng pananalasa ng bagyong Santi. Sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) Spokesman Major Reynaldo Balido, nagpapatuloy pa ang kanilang monitoring sa mga lalawigang matinding sinalanta ng pagbaha. Ayon kay Balido, patuloy sila …

Read More »

Klase sa Lunes suspendido (Handog ng INC sa Manileños free medical and dental missions)

SINUSPINDE ng pamahalaang lokal ng Maynila ang klase sa lahat ng antas ng mga paaralan upang bigyan-daan ang magkakasabay na grand medical at dental missions na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) bukas (Oct. 14) sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Sa kanyang kautusan, hinayaan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga opisyal o namumuno sa iba’t ibang pampubliko at …

Read More »

3 Metro cop sinibak (Crime rate statistics dinoktor)

SINIBAK sa kanilang pwesto ang tatlong chief of police (COP) sa Metro Manila dahil sa pagdoktor ng crime rate statistics sa kani-kanilang areas of responsibility (AOR). Ayon kay PNP-PIO chief, S/Supt. Reuben Theodore Sindac, ang pagkakasibak sa pwesto sa tatlong opisyal dahil sa pagdodoktor ng statistics ng krimen ay bahagi ng programa ng pambansang pulisya na serbisyong makatotohanan. Sinabi ni …

Read More »

Bagyo vs bigas paghandaan

BINALAAN ngayon ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na magsagawa na ng hakbang upang paghandaan ang isang “worst case scenario” sa suplay ng bigas sa bansa dahil “ang pagtama ng iisang bagyo mula ngayon ay magdadala ng malaking kaibahan mula sa katatagan papunta sa krisis gaya noong 1995.” Ang tinutukoy ni Legarda ay ang krisis sa bigas noong taon 1995 …

Read More »

Sinisi sa rice price hike, shortage (Politika at desisyong palpak)

“Sadyang napakabagal at pinupulitikang mga desisyon” ang sanhi ng kakulangan sa bigas at mataas na presyo nito – ekonomista Para bang hindi pa sapat ang batikang pananaw ni Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic Development Authority (NEDA), isa pang dalubhasang mananaliksik sa ekonomiya at agrikultura mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang sumusog sa opinyon ng kalihim upang …

Read More »

NEDA deadma sa DA (Loren nababahala)

INIHAYAG kahapon ni Sen. Loren Legarda ang “lubhang pagkakabahala” sa kabiguan ng Department of Agriculture (DA) na agarang tugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa gitna ng mga babalang iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapakitang kukulangin ang produksyon ng palay ngayon taon at hindi matutugunan ang pangangailangan ng bansa. Iginiit din ng mambabatas ang rekomendasyon …

Read More »

NAGULAT ang overseas Filipino worker (OFW) na si Gina Basilan Perez, 37 anyos, nang makita ang sumalubong na ina na si Praxedes Basilan, 75 anyos, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng umaga. Si Perez ay isa sa mga nagwagi sa 100 Lucky Juans promo ng Cebu Pacific at GMA Pinoy TV para sa OFWs na nasa …

Read More »

  Ibinabahagi naman nina Alex Reyes, General Manager para sa Cebu Pacific’s Long-haul Division at Lance Gokongwei, Cebu Pacific President and CEO, ang kanilang bisyon na gawing madalas ang reunion ng OFWs sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng direct flight ng Cebu Pacific sa Dubai. (EDWIN ALCALA)

Read More »

Kandidatong ex-convict dadagsa sa barangay polls (DQ vs Erap pinamamadali sa Supreme Court)

MAAARING samantalahin ng mga kriminal ang pagtakbo sa halalan kapag hindi nalutas ng Korte Suprema ang disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada bilang mayoralty candidate sa Maynila noong nakalipas na halalan. Ito ang pangamba ng People’s Movement for the Rule of Law and Propriety (MRLP), kaya nananawagan ang anti-crime at anti-graft group sa Korte …

Read More »

HK media pinalayas sa APEC coverage (Binastos si PNoy)

BALI, Indonesia – Pinanindigan ng APEC Organizing Committee ang pagtanggal sa accreditation o access ng siyam miyembro ng Hong Kong media. Nag-ugat ito sa paninigaw ng tatlo nilang journalists habang papasok si Pangulong Benigno Aquino III sa APEC CEO Summit. Pilit nilang tinatanong ang Pangulong Aquino hinggil sa Manila hostage crisis na maraing Hong Kong nationals ang napatay. Kabilang  sa …

Read More »

LTO Chief Virgie Torres nagbitiw na (Buking sa Casino)

MAAGANG nagretiro bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) si Assistant secretary Virginia Torres at pinabulaanan nito na sinibak siya sa puwesto ni Pangulong Noynoy Aquino. Ayon kay Torres, bagama’t may natitira pa siyang ilang taon bago magretiro, nagpasya siyang mag-early retirement dahil sa napapagod na rin umano siya at gusto niya na ring mapagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya. …

Read More »

5 bagong DepCom ipinakilala ni Biazon

PORMAL nang ipinakilala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa ginanap na flag ceremony kahapon ang limang bagong deputy commissioner bilang bahagi ng reporma sa Bureau of Customs (BoC) na kinabibilangan nina Atty. Agaton Uvero, Deputy Commissioner, Assesment & Operations Coordinating Group; Ms. Maria Edita Tan, Deputy Commissioner, Revenue Collection Monitoring Group; ret. Gen. Jessie Dellosa, Deputy Commissioner, Enforcement Group; Ms. …

Read More »

2 bus sinilaban sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Muntik naabo ang dalawang Five Star Bus sa terminal nito sa Brgy. Tempra Guilig sa bayan ng San Fabian, matapos silaban ng mga armadong lalaki sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon kay C/Insp. Roland Sacyat, hepe ng San Fabian PNP, dakong 6:45 p.m., may tumawag sa  himpilan  ng  PNP  upang iparating ang panununog sa mga bus. Agad nagresponde …

Read More »

DAP funds napunta rin kay Napoles

IPINAHIWATIG ng Palasyo na kaya sinuspinde ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapalabas ng pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) para sa mga proyekto ng mga mambabatas, kasabay ng suspension sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), ay dahil napunta rin ito sa mga pekeng non-government organization (NGOs) ni Janet Lim-Napoles. “‘Yung pagsuspinde po, sa aking pagkakaalala, ay around the …

Read More »

4-anyos nene ibinalibag ng tatay sa baldosa (Ulo nalamog nang husto)

ILOILO CITY – Kritikal sa West Visayas State University Medical Center ang 4-anyos paslit matapos ibalibag ng ama sa baldosa ng isang presinto sa lalawigang ito. Ang biktimang si Julie Ann Mae Capitania ng isla ng Guimaras ay nagkaroon ng malubhang pinsala sa ulo dahil sa dalawang beses na pagbalibag ng ama sa baldosa. Ang insidente ay nangyari sa police …

Read More »

COMELEC nagliyab (16 araw bago mag-election)

Nasunog ang bahagi ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, kahapon. Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Senior Fire Officer 4 Neni Santos, nasunog ang bahagi ng ikalimang palapag ng Palacio del Gobernador sa Maynila bandang 12:13 ng tanghali. Mabilis naapula ang apoy alas 12:20 nang agad makaresponde ang mga bombero. Wala pang pagtaya sa …

Read More »

Walang SK polls (Sinelyohan ng pirma ni PNoy)

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas hinggil sa pagpapaliban ng halalan sa Sangguniang Kabataan sa Oktubre 28 ngayon taon. Kasabay sana nito ang barangay election. Ang nasabing batas na “An Act to Postpone the Sangguniang Kabataang Elections on October 28, 2013 Amending for the Purpose Republic Act 9340 and for other Purposes” ay naipasa ng Kongreso …

Read More »

Plunder vs GMA, ex-cabinet, Napoles (Sa P900-M Malampaya gas fund scam)

SINAMPAHAN ng kasong plunder ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang miyembro ng gabinete ng dating administrasyon, kabilang ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng P900 milyon Malampaya gas fund scam. Kabilang sa sinampahan ng kasong plunder ay sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating …

Read More »

Dagdag-tulong sa magsasaka itinutulak ni Legarda

Sa gitna ng usapin sa mataas na presyo ng bigas, iginiit ngayon ni Senadora Loren Legarda ang pagpapalakas ng suporta sa mga magsasaka upang dagdagan ang pagkakataon ng mga itong mapalaki ang produksyon ng bigas. Ayon sa napapaulat na “Memorandumfor the President” ni Secretary Arsenio Balicasan ng National Economic Development Authority (NEDA) na may petsang 10 September 2013, isinumbong nito …

Read More »

DA mali ( NEDA kay PNoy )

Wala nang kompiyansa ang economic team ng administrasyong Aquino kapwa sa pahayag ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala na sapat ang suplay ng bigas para sa taon ito at sa naiulat na planong pag-aangkat ng DA ng 100,000 metriko toneladang bigas, pagsisiwala nitong Martes ng abogadong si Argee Guevarra. “Bistado na, mabuti pang umamin nalang sila,” ayon kay …

Read More »