Thursday , May 23 2024

5 bagong DepCom ipinakilala ni Biazon

100813 boc depcomm

PORMAL nang ipinakilala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa ginanap na flag ceremony kahapon ang limang bagong deputy commissioner bilang bahagi ng reporma sa Bureau of Customs (BoC) na kinabibilangan nina Atty. Agaton Uvero, Deputy Commissioner, Assesment & Operations Coordinating Group; Ms. Maria Edita Tan, Deputy Commissioner, Revenue Collection Monitoring Group; ret. Gen. Jessie Dellosa, Deputy Commissioner, Enforcement Group; Ms. Myrna Chua, Deputy Commissioner, Internal Administration Group; at Mr. Primo Aguas, Deputy Commissioner, Management Information Systems & Technology Group. (BONG SON)

Pormal nang ipinakilala sa media ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang limang bagong Deputy Commissioners ng Kawanihan na sina:

Atty. Agaton Uvero, tututok sa assessment and operations coordinating group; retired AFP General Jessie Dellosa,  sa Intelligence group;

Ms. Maria Edita Tan, tututok sa revenue collection monitoring group;  Ms. Myrna Chua, para sa Internal Administration group at  Mr. Primo Aguas, ang tututok sa management information systems and technology group.

Ani Biazon, ang pagkakahirang sa mga bagong deputy commissioners ay tutulong sa malawakang reporma na ipatutupad sa Kawanihan.

Inihalimbawa pa ni Biazon ang BoC sa isang computer na kailangan “i-reboot” para gumana ng maayos at unti-unting mawala ang pagkakakilala ng taumbayan sa kanilang ahensiya bilang “tiwali”

Nangako naman ang mga bagong deputy commissioner na susuportahan nila ang isinusulong na pagbabago sa Kawanihan.

(Leonard Basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Chiz Escudero Migz Zubirri

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, …

Vote Election Prison PDLs

500 PDLs sa Bililbid nailipat na sa Davao Prison and Penal Farm

INILARAWANG matagumpay at maayos ang paglilipat ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *