Thursday , December 19 2024

Breaking News

51.9-M Yen kompiskado sa Japanese

51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA  District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code of …

Read More »

Online Libel aprubado ng Korte Suprema

IDINEKLARA ng Supreme Court (SC) na “constitutional” o naaayon sa Konstitusyon ang kontrobersyal na online libel provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Ngunit sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, binigyang-diin ni SC Spokesman Atty. Theodore Te, na ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng …

Read More »

Duterte sa 2016 ok kay Lim

SUSUPORTAHAN ng dating heneral at Manila Mayor Alfredo Lim ang anomang posisyon sa pamahalaan na aasintahin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016. Ginawa ni Lim ang pahayag matapos lumutang  ang pagnanais ng ilang grupo na himukin si Duterte na kumandidato sa pambansang posisyon sa 2016 elections. Ani Lim, hinahangaan niya ang pagpapairal ng peace and order ni Duterte …

Read More »

Gobyerno nagkamal sa rice imports — KMP (Consumers pinagkakitaan)

GINAGAMIT ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang sistemang government-to-government (G-to-G) sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa upang pagkakitaan ang mga mamamayang pumapasan sa mataas na presyo nito, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Sa isang panayam, binanatan ni KMP national chairperson at dating Anakpawis partylist Rep. Rafael Mariano ang “hindi seryoso at …

Read More »

Pribatisasyon ng 72 public hospitals tinuligsa ng CPP

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rehimeng Aquino sa ora-oradang pagdedesisyon na isapribado ang public hospitals sa ilalim ng tinaguriang Public-Private Partnership (PPP) program. Ipinalabas ng CPP ang pahayag na ito isang araw makaraang ideklara ni Health Secretary Enrique Ona na ang lahat ng 72 ospital ay maaaring isailalim sa pribatisasyon at idinepensa ang pagpirma ng kontrata …

Read More »

Erap ipinahiya ng speechwriter (Mayor ng Hawaii desmayado)

IMBES sisterhood at magkatuwang na programang magpapaunlad kapwa sa mga lungsod ng Maynila at Honolulu, Hawaii ang talakayin, walang ibang binanggit ang alkalde ng Maynila kundi ang CCTV camera at Divisoria. Ang nasabing speech ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ay binasa niya sa harap ng delegasyon mula sa Hawaii na dumalo sa okasyon sa Manila Hotel, kahapon. Ayon sa isang …

Read More »

Sumirit na presyo ng bigas isinisi sa polisiya (Pinakamataas sa kasaysayan)

NAITALA sa buwan ng Pebrero ang pinakamataas na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa ayon sa pinakabagong datos mula sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS). Nitong Pebrero 4, ayon sa ahensya, pumalo na sa P39.94 kada kilo ang presyong tingi o retail price ng well-milled rice. Mas mataas ito ng 13.33 porsyento kaysa presyo nang lumipas na taon. Samantala, …

Read More »

Austrian limas sa taxi driver

HINOLDAP ang isang Austrian national  habang sakay ng airport taxi mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Biyernes ng gabi. Ayon kay PSr./Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, dakong 9:00 ng gabi nang sumakay sa dilaw na taxi ang biktimang kinilalang si Andrea Mausser, 33-anyos. Kararating lang ng bansa galing Austria ng biktima, at nagpapahatid sa Heritage …

Read More »

US$10K bonus sa Pinoy skater (Palasyo full support sa 2018)

DAHIL sa ipinakitang determinasyon at lakas ng loob, makatatanggap ng bonus si Filipino figure skater Michael Christian Martinez, ang solong pambato ng Filipinas sa Winter Olympic Games sa Sochi, Russia. Bagama’t walang naiuwing medalya, nag-iwan ng marka sa mga manonood sa galing ng kaniyang performance mula sa preliminary round hanggang sa medal round. Pagkakalooban ng business tycoon Manny V. Pangilinan, …

Read More »

Same sex affairs ‘no’ sa Pinoys (May-December relationship medyo pwede)

IKINASAL sa mass wedding kahapon kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, ang 12 pares sa Camp Crame at nagsilbing kanilang ninong ang ilang matataas na opisyal ng PNP kabilang si PNP chief, Director General Alan Purisima. (RAMON ESTABAYA) Mas maraming mga Filipino ang tutol sa “May-December” affair at same-sex relationship, batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS). Tinanong …

Read More »

Kickback ni Jinggoy cold cash in trolley bags (Tuason 2 beses naghatid sa Senado)

MAY dalawang pagkakataon na personal na inihatid ni potential state witness Ruby Tuason ang sinasabing “kickbacks” ni Sen. Jinggoy Estrada mula sa mga ipinasok niyang proyekto sa mga non-governmental organizations ng pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles. Sa pagharap niya sa Senate blue ribbon committee, kalmado ang mukha ng dating presidential social secretary habang ikinukwento ang mga sirkumstansya, …

Read More »

2 opisyal 3 kawani ng Customs ‘nangikil’

DALAWANG opisyal at tatlong empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ang inireklamo ng pangongotong ng isang negosyanteng nanalong highest bidder sa subastang ginanap nitong Enero 17 sa Port of Manila. Sa reklamo ni Aurelio Lobertas ng Sto. Domingo, Quezon City, siya ay idineklarang  “highest bidder” sa isinagawang auction ng 50 units na junk vehicles sa halagang P1,676,713 nitong Enero 17. …

Read More »

Sadistang anak todas sa boga ng 83-anyos erpat

PITONG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng 48-anyos lalaki matapos barilin ng kanyang 83-anyos ama sa kanilang bahay sa Brgy. Casanayan, Pilar, Capiz. Patay agad ang biktimang si Jomar Fuentes makaraang barilin ng kanyang ama na si Pelagio Fuentes, 83, gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Nabatid sa imbestigasyon, madalas saktan ng anak ang ama …

Read More »

Mat Ranillo III ‘major link’ sa Pork Barrel Scam

BAGO naganap ang mga transaksyon sa ilang senador, sinasabing naging “middleman” sa mga kongresista ang aktor na si Mat Ranillo III para sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak sa multi-billion peso PDAF scandal. Ayon kay private prosecution lawyer Levito Baligod, nagkaroon ng network si Napoles sa House of Representatives matapos ipakilala ni Ranillo. Bukod dito, sinasabing naging linked …

Read More »

AXN, Fox inasunto ng solon (Nakikialam sa lokal na telebisyon)

KASUNOD ng kanyang privilege speech sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa “tunay ng kalagayan ng cable television (CATV) sa Pilipinas” at ang “posibleng ilegal na pagpasok ng mga banyagang kompanya” sa nasabing industriya, naghabla ng magkakahiwalay na kaso si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa Korte Suprema laban sa mga dambuhalang banyagang kompanyang AXN Network Philippines Inc., at Fox International …

Read More »

Kelot utas sa kandungan ng magsyota (Hinabol ng tandem sa driver’s seat)

SA kandungan ng magkasintahang pasahero  sa tabi ng driver’s seat  binaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo, ang isang  45-anyos  lalaki, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Supt. Frumencio Bernal,  station commander ng MPD Station 7 headquarters, kinilala ang biktimang si Dexter Dacanay, ng 1301 Interior F. Rose St., T. Bugallon …

Read More »

Sulat ng PH Winter Olympian kay PNoy naisnab?

AALAMIN ng Malacañang kung mayroon ngang sulat na ipinadala sa tanggapan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nanay ng nag-iisang Filipino winter Olympian na si Michael Christian Martinez para humingi ng tulong sa gobyerno. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, beberipikahin niya kung may sulat na nakarating sa Palasyo. Ayon kay Teresa Martinez, makailang beses siyang sumulat sa Malacañang …

Read More »

Dep’t of Sports isinulong ni Trillanes

BUNSOD ng kawalan ng pag-asa sa kalagayan ng national sports program, isinulong ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagtatatag ng Department of Sports upang magpatupad ng mga reporma sa administrasyon ng sports development sa bansa. “Napakahirap para sa atin na makamit ang katayuan bilang isa sa mga sports powerhouse na bansa, na may matatag at mahusay na national …

Read More »

HS stud dinukot pinatay sa Pampanga (Nakipagkita sa nililigawan)

NATAGPUANG patay ang 15-anyos binatilyo makaraang dukutin sa Arayat, Pampanga. Ayon sa ama ng biktimang si Mike Aron Tolentino, nagpaalam ang binatilyo nitong nakaraang linggo na pupunta sa bahay ng kanyang kaklase para sa school group project ngunit magmula noon ay hindi na nakauwi. Ngunit nabatid ng ama na umalis ang biktima para makipagkita sa nililigawan niyang babae. Ayon sa …

Read More »

4-anyos nene walang galos sa ‘lumipad’ na Florida bus

ITINUTURING milagro ang pagkakaligtas sa 4-anyos batang babae, kasama sa mga nakaligtas sa nahulog na Florida Bus sa aksidenteng nangyari sa Mt. Province na ikinamatay ng 15 katao kabilang ang komedyanteng si Tado o Arvin Jimenez, at 32 iba pa nasugatan. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang survivor na si Amian Agustin, 4, …

Read More »

Tado, 14 pa patay sa bus na nahulog sa bangin (29 sugatan)

BAGUIO CITY – Umakyat na sa 14 katao, kabilang ang dalawang dayuhan,  ang bilang ng kompirmadong namatay sa pagkahulog ng isang bus sa Sitio Pagang, Brgy. Talubin, Bontoc, Mt. Province. Kabilang sa mga namatay ang alagad ng sining na sumikat bilang komedyante na si Arvin “Tado” Jimenez, 39-anyos. Ayon kay Supt. Ramil Sacules, deputy provincial director for administration ng Bontoc …

Read More »

Vhong deretso sa korte mula sa ospital

MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay. Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van. Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery …

Read More »

10 Koreanong gambling lords arestado sa The Fort

Arestado ang 10 Koreano sa East Tower, One Serendra Condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig dahil sa ilegal na operasyon ng sugal, Martes ng umaga. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group Cyber Response Team (PNP-CRT), ang magkahiwalay na unit ng gusali at dinampot ang walong lalaki at dalawang babaeng Koreano, na nahaharap sa kasong …

Read More »

2 septuagenarian, pamangkin patay sa Tondo fire

DALAWANG septuagenarian at isang pamangkin, ang  natagpuang   magkakahawak ang kamay at magkakapatong ang bangkay, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon . Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Calma, 76, kapatid nitong si Corazon Calma, 72, at pamangkin  na si Rochelle Calma, 37, mga residente ng 537-A, Francisco St., Tondo. Ayon sa ulat ni Arson Investigator  SFO3 John Joseph Jalique  ng …

Read More »