Wednesday , October 5 2022

Austrian limas sa taxi driver

021614_FRONT
HINOLDAP ang isang Austrian national  habang sakay ng airport taxi mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Biyernes ng gabi.

Ayon kay PSr./Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, dakong 9:00 ng gabi nang sumakay sa dilaw na taxi ang biktimang kinilalang si Andrea Mausser, 33-anyos.

Kararating lang ng bansa galing Austria ng biktima, at nagpapahatid sa Heritage Hotel sa Pasay na roon siya tutuloy.

Kwento ng biktima, imbes na dalhin sa hotel ay idinaan siya ng drayber ng taxi sa madilim na lugar at nag-pick up pa ng isang lalaki.

Pinaikot-ikot umano ng mga suspek ang taxi habang kinukuha sa biktima ang maleta nito, iPhone 5, pitaka na may mga ID at credit cards, at cash na umaabot sa P15,000.

Salaysay ng biktima, ibinaba siya sa C5 Extension sa Muntinational Village matapos ang ilang oras na pag-ikot-ikot at doon  siya naghanap ng makatutulong sa kanya.

Hindi matandaan ni Mausser kung natutukan siya ng baril o patalim habang nililimas ang kanyang mga gamit ng dalawang suspek pero hindi siya nasaktan sa pangyayari.

Ayon sa mga awtoridad, ayaw na ituloy ng biktima ang reklamo at nagpahatid na lang sa hotel na kanyang tutuluyan.

ni JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Bulacan

Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding

MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, …

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

 ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng …

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Leave a Reply