Thursday , December 19 2024

Breaking News

Anti-Dynasty Law hindi una sa Palasyo

HINDI prayoridad ng Palasyo na magkaroon ng anti-political dynasty law kahit pa nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan magkaroon ng batas upang ganap na maipagbawal ang pamamayagpag ng mga angkan ng politiko sa bansa. “ ‘Yan po ay isa sa mga isinasaad ng ating Konstitusyon ng 1987, ngunit kinakailangan ng batas para ipatupad ito. ‘Nong huling tinanong si Pangulong Aquino …

Read More »

Pope Francis sa Middle East: Kapayapaan

BETHLEHEM – Nasa Bethlehem na si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa Middle East na tinaguriang “sensitive part.” Layon ng biyahe ng Santo Papa na paigtingin ang regional peace at magkaroon ng kaunting kaluwagan sa “age-old rift” sa Kristiyanismo. Unang nagtungo si Pope Francis sa Jordan nitong Sabado, siya’y umapela na tuldukan na ang giyera …

Read More »

Pusakal na holdaper itinumba sa Divisoria

PATAY ang lalaking si alyas Linga makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. (ALEX MENDOZA) TODAS ang isang kilalang ‘tirador’ sa Divisoria nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang nakaupo sa “tejeras” (folding chair), kamakalawa sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang kinilala sa pangalang “Linga,” sanhi ng mga tama …

Read More »

Thailand’s ex-PM ikinulong sa military barracks

Ikinulong ng militar ang ex-Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra kasunod ng deklarasyon ng kudeta sa bansa na nasa ilalim pa ng martial law. Kabilang si Yingluck sa mahigit 100 matataas na opisyal na ipinatawag ng militar na kumukontrol sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Lt. Gen. Paradon Patthanathabut, ipiniit si Yingluck sa military barracks sa labas ng Bangkok para …

Read More »

Whistleblower pa kumalas kay Baligod

Sinibak na rin ng whistleblower na si Merlina Suñas si Levito Baligod bilang abogado sa multi-bilyong pork barrel scam. Batay sa liham ng testigo, nagpapasalamat siya sa mahigit isang taon paggabay sa kanya ni Baligod sa kontrobersyal na kaso. Walang ibinigay na rason si Suñas sa pagtanggal kay Baligod, pero nakasaad na epektibo ito nitong Biyernes, Mayo 23.

Read More »

Aus$800 natangay ng ‘Ativan Gang’ sa Columbian national

Natangay ang Aus-$800 ng isang Columbian na isa rin volunteer, matapos mabiktima ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Ativan gang, sa Quiapo, Maynila. Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District – General Assignment (MPD GAS) ang biktimang si  Viviana Ruiz Gomez, 36, Tacloban volunteer, nanunuluyan sa 5663 Don Pedro St., Poblacion, Makati para ireklamo ang ginawa sa kanya ng tatlong suspek. …

Read More »

Kinse binasted ng 12-anyos nagbigti

Nagbigti ang 15-anyos binatilyo nang mabigo sa pag-ibig sa kanyang nililigawang 12-anyos dalagita, sa barangay Buduan, Burgos, Ilocos Norte. Nakabigti pa nang natagpuan ang biktimang si Jomel Avila nang matagpuan ng mga kaanak at kaibigan. Nabatid na dumating sa bahay si Avila na umiiyak dahil umano binasted ng nililigawan. Nagkulong siya sa kuwarto at makalipas ang ilang oras ay lumabas …

Read More »

Diga ng senglot dinedma dalaga binoga sa paa

NANGANGANIB maputulan ng isang paa ang 39-anyos dalaga dahil sa pamamaril ng manliligaw na kanyang inisnab sa isang inuman sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Angie Lumdino, ng Block 34, Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng …

Read More »

Holdaper utas sa enkwentro

Nakabulagta sa gilid ng bangketa ang isa sa dalawang riding in tandem robbery group nang maka-enkwentro ang mga tauhan ng QCPD-Stn.6 sa Kagawad St., Area C, Brgy. Batasan Hills, QC. (ALEX MENDOZA) PATAY ang isa sa dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Baranngay Batasan ng lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat …

Read More »

Broadcaster sa Digos utas sa ambush ( Media killing resolbahin — PNoy)

DAVAO DEL SUR – Patay ang isang media practitioner makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo dakong 7 a.m. kahapon sa Digos City, Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si Sammy Oliverio, isang blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN). Sinasabing mula sa palengke si Oliverio kasama ang kanyang asawa at habang pauwi …

Read More »

Bitay sa Pinoy 2 pa habambuhay (Sa espionage, economic sabotage)

HINATULAN ng bitay ang isang Filipino nitong Abril 30 ng Qatari court bunsod ng kasong espionage at economic sabotage, habang dalawa pang kababayan ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kaparehong asunto, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon. Sa press briefing sa Manila, sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, may abogado na umasiste sa mga …

Read More »

Daddy pinatay si Mommy sa harap ng 5-anyos anak (Bago nagbaril sa ulo)

SELOS ang hinihinalang motibo sa pagpatay ng overseas Filipino worker (OFW) sa dati niyang kinakasamang OFW rin, bago magbaril sa ulo, sa harap ng kanilang 5-anyos anak, sa Barangay Roxas District, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) Director, mula kay C/Insp. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) …

Read More »

Boundary agreement nilagdaan ng PH, Indonesia

  SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno S. Aquino III at Excellency Susilo Bambang Yudhoyono, Pangulo ng Republic of Indonesia, ang paglagda nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Indonesian Minister of Foreign Affairs Dr. R.M. Marty Natalegawa sa Agreement on the Exclusive Economic Zone (EEZ) Boundary sa Reception Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) IKINAGALAK nina Pangulong Benigno “Noy-noy” …

Read More »

4 pulis-MPD ini-hostage sa bahay ng gambling lord

APAT kagawad ng Manila police  ang ini-hostage  ng mga tauhan ng gambling lord na nag-o-operate sa Lungsod ng Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang mga kagawad ng pulisya na sina Insp. Arial del  Rosario, PO1  James Poso, PO3 Adonis Aguila at PO2 Elmer  Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section. Nabatid, inatasan ni MPD Director Rolando Asuncion  ang hepe ng MPD-GAS …

Read More »

3 Koreano minasaker sa Cebu

NEGOSYO ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa tatlong Koreano sa loob ng Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi. Natagpuang patay sa loob ng Han Ga Wi restaurant sa Brgy. Maribago sa Lapu-Lapu City dakong 5 p.m. kamakalawa ang mag-asawang sina Ho An at Kim Soonok, at ang anak nilang si Young Mi An. Ayon kay Chief Insp. …

Read More »

UCPB director resign (Graft vs PCGG dahil sa UST dean)

pb PINAYUHAN ni Atty. Oliver San Antonio, abogado at tagapagsalita ng National Filipino Consumers (NCFC)  si United Coconut Planters Bank (UCPB) board member na si Atty. Nilo Divina, ang kasalukuyang Dean ng UST Law Faculty, na magbitiw na lamang matapos mabunyag na kinuha rin external counsel ng nasabing banko sa dalawang kasong isinampa laban sa Presidential Commission on Good Government …

Read More »

VP ng SMDC nahulog mula 16/f nalasog

PATAY ang mataas na opisyal ng SM Development Corp. (SMDC) makaraan mahulog mula sa 16 palapag ng condominium sa Makati City kamakalawa. Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban, ang 52-anyos na si Efren Lim Tan, vice president for sales and property, ay bumagsak sa concrete canopy ng 7th floor ng BSA Condotel sa San Lorenzo Village. …

Read More »

Ex-solon arestado sa protesta vs Eco Forum

INARESTO ang dating party-list representative kahapon sa naging marahas na kilos-protesta malapit sa Makati City Hotel na ginaganap ang World Economic Forum for East Asia. Si dating Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño ay inaresto habang kasama sa protesta sa Ayala Avenue. Kinompronta ng mga tauhan ng Makati City Police ang mga militante malapit sa perimeter ng WEF venue. “Ang …

Read More »

Ebak ng tao itinapon sa estero 3 kalaboso

ARESTADO ang tatlo katao makaraan maaktuhan habang nagtatapon ng dumi ng tao sa isang creek sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Nadakip ng mga pulis ang tatlong suspek na sina Rogelio Collantes, 49; Jose Flordaliza, 36; at Edgardo Flordaliza, 44; mga kawani ng Madamex Pluming Services sa Mandaluyong City, pawang mga residente ng Tandang Sora, habang itinatapon ang liquid watse …

Read More »

UCPB board ‘dean’s list’ sa gastos (Sinsangsang ng Napoles list)

BAGO pa man umalingasaw ang baho ng Napoles list, Benhur List, Lacson List at Cam List, nagsimula nang humaba ang listahan ng Kamkam list na naglilitanya ng mga katiwalian sa isang institusyong pinapatakbo ng mga taong itinalaga ng gobyerno, ayon sa isang anti-graft watchdog. Mariing hinihiling ngayon ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC), sa pamamagitan ng abogadong si Atty. …

Read More »

Philhealth ipinabubuwag sa Kamara

IPINABUBUWAG   ng ilang mambabatas sa Kamara ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa sinasabing kahinaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro. Kasunod ito ng reklamo ng Private Hospitals Association of the Philippines na hindi naire-reimburse ng Philhealth ang gastos sa ospital ng mga miyembro ng ahensiya. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, noon pa nila ipinanawagan …

Read More »