Thursday , December 26 2024

Ruther D. Batuigas

Talamak na korupsiyon

HINDI maikakaila na talamak na talaga ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC). Akalain ninyo, nitong huli ay nakalusot sa kanila ang sandamakmak na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon at nakarating sa isang warehouse sa Paseo de Blas sa Valenzuela City. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa ating bansa. Galing ito sa damuhong bansang China na …

Read More »

Damuhong Arabo timbog sa CIDG

MULING nakapuntos laban sa mga gunggong na lumalabag sa batas ang masisipag na detective ng Manila-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Chief Insp. Wilfredo Sy nang kanilang hulihin ang isang dayuhan sa pag-iingat ng mga armas sa Maynila. Kinilala ni Sy ang damuhong arestado na si Abu Khaleed alyas Jamil, isang Arabo na naninirahan sa ika-11 palapag …

Read More »

Suspensiyon ng klase

NAKARANAS na naman tayo ng malalakas na buhos ng ulan at malawakang pagbabaha bunga ng habagat na hinatak patungong Luzon ng damuhong bagyong “Gorio” sa loob ng ilang araw. Nitong nakalipas na Miyerkoles ay maraming lugar na ang binaha bunga ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng ulan at marami sa ating mga kababa-yan ang naprehuwisyo. Tulad ng mga nakalipas na pagbuhos …

Read More »

Mabagal nating hustisya

MASAKLAP mang tanggapin pero sadyang napakabagal pa rin ng takbo ng ating hustisya. Hustisya ang sigaw ng mga pamilya at kaanak ng 44 na Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) commandos na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 Enero 2015. Halos dalawang taon at kalahati na ang nakalilipas mula nang maganap ang malupit na pamamaslang pero wala pa …

Read More »

Mga duwag

ALAM ba ninyo na mga duwag ang mga damuhong miyembro ng Maute group at hindi nila kayang lumaban sa puwersa ng gobyerno nang sila-sila lang? Ang matindi nito, ginagamit ng mga hinayupak ang kanilang mga bihag, pati ba naman ang mga kabataan, ay pinupuwersang lumaban para sa kanila. Paano makatatanggi ang mga bihag kung sa harap nila ay pinapaslang ang …

Read More »

Joint ops sa China puwede ba?

POSIBLE bang maging magkatuwang ang Filipinas at China sa mga isasagawang operasyon? Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ay sinusuportahan niya ang deklarasyon ni Pres. Rodrigo Duterte na payagan ang puwersa ng China na magsagawa ng joint patrols na kasama ang mga Filipino sa Sulu Sea. Magbubunga umano nang maganda kung may military presence sa area na dinaraanan …

Read More »

‘Photobomber’ wagi

TULOY na ang konstruksiyon ng Torre de Manila na tinaguriang “pambansang photobomber” matapos i-reject ng Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa pagtatayo ng 49-palapag na gusaling condominium sa Taft Ave., Ermita, Maynila. Maaalalang naging kontrobersiyal ang pagtatayo ng Torre noong 2014 nang marami ang nag-react at bumatikos dahil nasisira umano ang “sacred skyline” sa likod ng makasaysayang monumento ng …

Read More »

Lagim na dulot ng droga

NITONG nakalipas na Easter Sunday ay nawasak ang buhay at mga pangarap ng isang pamilya dahil sa lagim na idinudulot ng droga sa damuhong lulong dito. Para sa kaalaman ng lahat, maligayang nabubuhay ang mag-asawang Noel at Carolyn Marcella na kapiling ang kanilang anak na si Coleen sa Malolos, Bulacan. In fact, handa na silang lumipat sa isang bagong bahay …

Read More »

Mag-asawang terorista tiklo

ARESTADO ang mag-asawang pinaghihinalaang miyembro ng damuhong teroristang grupo ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Bonifacio Global City, Taguig. Nagsanib-puwersa ang mga elemento ng Bureau of Immigration, pulis at military kaya natiklo sa harap ng isang mall sa Taguig sina Hussein Aldhafiri alyas “Abu Muslim,” 40 anyos; at Rahaf Zina …

Read More »

Sta. Isabel multimillionaire

AKALAIN ninyong si SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang pulis na itinuturing na prime suspect sa pamamaslang sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng police headquarters sa Camp Crame, ay multimillionaire pala. Batay sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong 2014 ay may P20,366,000 si Sta. Isabel at ang kanyang asawa na si …

Read More »

Ano mangyayari kay Kerwin Espinosa?

SA wakas ay nakauwi na kahapon sa bansa si Kerwin Espinosa, ang damuhong drug lord umano  at anak ng nasawing Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Matapos makulong sa Abu Dhabi ay inilipad si Kerwin pabalik sa bansa. Inihatid siya ng  mismong Philippine National Police (PNP) chief na si Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa bago niyang magiging piitan sa …

Read More »

Ano epekto sa ’Pinas ng panalo ni Trump?

BINATI na ni Pres. Rodrigo Duterte ang bagong halal at ika-45 pangulo ng US, ang Republican na si Donald Trump, na tumalo sa kandidato ng Democratic party na si Hillary Clinton. Ang hangad umano ni Duterte ay magtagumpay si Trump sa pagiging presidente ng Amerika. Bukod diyan ay umaasa raw si Digong na magiging maganda ang relasyon ng Filipinas at …

Read More »

Walang tiyak sa Scarborough Shoal

WALANG katiyakan hanggang ngayon kung ano ang kahihinatnan ng mga mangingisda natin sa  Scarborough Shoal at kung hanggang kailan sila papayagan ng China na mangisda sa lugar. Hindi maikakaila na nakahinga nang maluwag ang mga mangingisda natin dahil parang nabunutan sila ng tinik sa biglaang kaluwagan ng China. Pero sila man ay nangangamba dahil sa pananatili ng mga barko ng …

Read More »

Paalam Amerika hello China

PINUTOL na ni Pres. Rodrigo Duterte ang ugnayan natin sa Amerika at sinabing panahon na para magpaalam sa bansa ni Pres. Barack Obama. Ang makasaysayang desisyon ni Duterte na paglayo sa US ay kanyang ipinahayag sa talumpati sa harap ng Filipino community sa kanyang pagbisita sa China, bilang tanda ng kanyang pakikipaglapit at paghingi ng tulong sa mga Intsik. Ayon …

Read More »

MCJ nagkagulo dahil sa warden

APAT na jail officers ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at 35 preso ang nasugatan nang magkagulo sa isinagawang protesta ng 200 miyembro ng “Batang City Jail (BCJ)” laban sa mismong warden nila sa Manila City Jail. Akalain ninyong umakyat pa sa ibabaw ng bubong ng kanilang dormitoryo ang mga preso habang nagsasagawa ng noise barrage, laban sa …

Read More »

Duterte ‘very good’ sa survey

NAKAKUHA si Pres. Rodrigo Duterte ng net satisfaction rating na plus 64 sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), na tanda ng tagumpay niya sa unang 100 araw ng paglilingkod bilang pangulo ng bansa. Para sa kaalaman ng lahat, ang net satisfaction rating na plus 64 sa SWS ratings ay katumbas ng gradong “very good.” Sa madaling salita ay …

Read More »

Paalam, Inday Miriam

SUMAKABILANG-BUHAY na noong Huwebes sa edad 71-anyos si Sen. Miriam Defensor-Santiago, ang pinakamatapang na babaing naging opisyal ng ating bansa. Ang nagpahayag sa pagpanaw ng senadora ay walang iba kundi ang kanyang asawa na si Atty. Narciso “Jun” Santiago. Payapa raw na binawian ng buhay habang natutulog. Dalawang taon din siya nakipaglaban sa sakit na cancer. Maaalalang noong 2014 ay …

Read More »

De Lima aahon kaya sa binagsakang ‘kumunoy?’

SA tindi ng mga problemang kinakaharap ni Sen. Leila de Lima ay may mga nagtatanong sa ating mga kababayan kung ito na raw ba ang wakas ng matapang na senadora? May mga nagsasabing mapipilitan daw siyang magbitiw sa puwesto. May nag-iisip na baka makulong daw nang habambuhay. Ang iba naman  ay naghihinala ba baka itumba raw ng riding-in-tandem o bayarang …

Read More »

De Lima gumaganti kay Duterte?

GUMAGANTI nga kaya si Sen. Leila de Lima kay Pres. Rodrigo Duterte at siya ang nasa likod ng damuhong nagpakilalang miyembro ng “Davao Death Squad (DDS),” na nagsabit sa Pangulo sa grupo ng mga mamamatay-tao? Akalain ninyong ayon sa DDS member na si Edgar Matobato, si Duterte ang bumuo sa DDS upang paslangin ang mga kriminal sa Lungsod ng Davao. …

Read More »

‘Death threats’ minamani ni Duterte

MINAMANI lang ni Pres. Rodrigo Duterte ang mga “death threat” sa kanyang buhay. In fact, ayon sa Malacañang ay kinakain lang niya ang death threats sa agahan. Sa madaling salita ay hindi na ito bago sa kanya. Kung ilang ulit na raw sinabi ng Pangulo na itinataya niya ang kanyang karangalan, buhay at pagkapangulo alang-alang sa kanyang laban. Batid ni …

Read More »

Durugin ang Sayyaf at ibang rebelde

NAPUNO na si Pres. Rodrigo Duterte kaya iniutos sa mga pulis at militar na durugin ang damuho, walanghiya at walang awang grupo ng mga bandido at terorista na Abu Sayyaf. Ito ay matapos maiulat na natagpuan ang ulo ng isang 18-anyos na bihag ng Sayyaf matapos mabigo ang pamilya na ibigay ang P1 milyong ransom na hiningi nila. Ayon sa …

Read More »

Kontra sa pamamaslang sa drug suspects

ILANG oras bago magsimula ang pagsisiyasat ng Senado sa sunod-sunod na pamamaslang bunga ng pagkakaugnay ng mga biktima sa ilegal na droga, ay pitong tao pa ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi. Ang apat ay namatay sa kamay ng mga elemento ng Manila Police District (MPD), ang isa sa pulis ng Marikina at ang dalawa naman sa mga hindi …

Read More »

Ibang bahay ni Espinosa baka may droga rin

DAPAT siyasatin ng mga awtoridad ang ibang mga bahay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., upang matuklasan kung may mga droga rin na nakaimbak sa loob nito. Hindi biro-biro ang 11 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P88 milyon na nadiskubre ng mga elemento ng Police Regional Office 8 na pinamumunuan ni Chief Supt. Wilben Mayor kamakailan sa …

Read More »

Paano kung local execs ang sabit sa droga?

MALAKING problema kung ang mismong local executives na namumuno sa mga lalawigan na may hawak ng kapangyarihan at pati ng pulisya, ang nasasangkot sa ipinagbabawal na droga. Mantakin ninyong ayon kay Pres. Rodrigo Duterte ay hindi lang isa o dalawa kundi 27 local executives ang sabit sa droga. Hindi biro-biro ang bilang na ito at sapat na para mataranta ang …

Read More »

‘Shoot-to-kill’ order sa killer ng biker

NAGLABAS ng “shoot-to-kill” order si Manila Police District (MPD) acting director Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel laban sa damuhong Philippine Army reservist na walang awang pumaslang sa isang biker na nakaaway niya sa Quiapo, Maynila. Kinilala ni Coronel ang suspek na si Vhon Martin Tanto, 39, na naninirahan sa Fraternal St., Quiapo, Maynila. Siya ang pumaslang sa gaming attendant na …

Read More »