ATAT sa foreign aid si Vice President Leni Robredo at walang pakialam kung sisirain ng illegal drugs ang susunod na henerasyon ng mga Filipino. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Rafael Rodriguez sa Butuan City kagabi. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya, mas gugustuhin niyang alipustahin ng mga kumokontra sa kanyang drug war, manindigan sa dignidad ng …
Read More »100 days satisfaction rating ibinida ng Palasyo
IBINIDA ng Malacañang ang nakuhang 64 porsiyentong net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw sa puwesto. Ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay isinagawa sa pagitan ng September 24 at 27 sa 1,200 respondents sa buong bansa. Isinagawa ang survey sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte sa international organizations gaya ng …
Read More »First 100 days ni Digong aprub sa think-tank ni FVR
BUKOD-TANGI ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang 100 araw na panunungkulan sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo ay naimbitahan si dating National Security Adviser Jose Almonte, sinabi niyang bilib siya sa mga hakbang ng Pangulo sa tatlong pangunahing problemang kinakaharap ng Filipinas na ilang dekada nang tinutugunan ngayon. Inihalimbawa niya ang internal problem na tinaguriang …
Read More »US tiklop sa banta ni Duterte sa EDCA (I will break-up with America – Digong)
NABAHAG ang buntot ng Estados Unidos makaraan ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na puputulin niya ang ugnayan ng Filipinas sa Amerika dahil sa pakikialam sa kanyang drug war. Mula sa pagbatikos ay todo-puri kahapon sina US President Barack Obama at Democrat Party presidential bet Hillary Clinton sa anila’y mahalagang papel ng mga Filipino at Filipino-Americans sa paghubog ng kasaysayan ng …
Read More »Narco judges ibubuking sa SC
BIBIGYAN ng sariling kopya ng narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Supreme Court kaugnay sa mga hukom na dawit sa illegal na droga. Ayon sa Pangulo, bahala na ang Korte Suprema na gumawa ng kaukulang hakbang ukol sa ikatlong batch ng narco list. “I think what I would just do is to send it to the Supreme Court or …
Read More »US bitter sa talo ni Roxas (Hindi maka-move on)
“YOU can go to hell State Department, you can go to hell Obama, you can go to hell EU, you can choose purgatory, puno na ang impyerno, bakit ako matatakot sa inyo?” Ito ang buwelta kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitipon ng mga lokal na opisyal sa Dusit Hotel, Makati City kaugnay sa patuloy na pagbanat ng Amerika sa …
Read More »Unang 100 araw ni Digong mas kapaki-pakinabang (Kaysa 6 taon ng Aquino admin)
MAS kapaki-pakinabang sa bansa ang unang 100 araw ng administrastong Duterte kaysa anim taon ng gobyernong Aquino. Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ng mga negosyante na puno sila ng pag-asa sa mga isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee, kung noong nakaraang adminisrasyon ay …
Read More »Western media pinopondohan ng drug money
HUWAG basta maniwala sa mga naglalabasang balita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa “US-sponsored Western media” dahil ito’y tinutustusan ng drug money. Ito ang paalala ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan. Aniya, ang black propaganda kontra administrasyon ay may bakas ng anino ng mga taksil sa bayan na tatadtarin si Duterte gaya nang ginawa …
Read More »Magkaisa vs destab plot kay Duterte (CCP nanawagan)
NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US. “The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent …
Read More »Duterte astang Heneral Luna hindi Hitler (‘Artikulo Uno’ kontra droga at korupsiyon)
MAIKLI ang memorya ng mga Filipino sa international media at tila nalimutan na ang kamakaila’y sumikat na kabayanihan ni Heneral Antonio Luna na lumaban sa mga manlulupig na Amerikano kasabay nang pagdisiplina sa hanay ng mga rebolusyonayong Filipino. Ayon sa isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Hene-ral Luna ang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Digong nag-sorry sa Jews (Sa Hitler remarks)
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa Nazi leader na si Adolf Hitler. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ang mga tao mismo ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya at inihalintulad pa siya kay Hitler kaya’t sinabi …
Read More »Elitista hinimok lumahok sa drug war
HINIKAYAT ng Palasyo ang mga “elitista” na ibahagi ang mga biyaya ng de-kalidad nilang edukasyon sa pagtulong sa gobyerno na isalba ang mga maralitang pamayanan sa prehuwisyo ng ilegal na droga. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa idineklarang Black Sunday ng Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU) o ang panawagan na magsuot …
Read More »Amerika BFF pa rin ng PH (Kahit binibira ni Digong)
NANANATILING malakas at importante ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga komentaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Uncle Sam. Ito ang tiniyak kahapon ni US Department of State Deputy Spokesperson Mark Toner sa press briefing sa Washington DC. Sa antas aniya ng government-to-government ay patuloy ang produktibo, konstruktibo, at malapit na pagtutulungan ng US at Filipinas …
Read More »‘Hitler’ remarks ipinaliwanag ng Palasyo (Yasay Itinanggi)
KINIKILALA ng Filipinas ang mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo na ang masaklap at mapait nilang kasaysayan. Sa kalatas ng Palasyo kahapon, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minaliit ni Pangulong Duterte ang pagbubuwis ng buhay ng anim na milyong Hudyo noong Holocaust ng World War II. Giit ni Abella, ang pagtukoy ni Pangulong Duterte sa pagkatay …
Read More »P216-B kita ng drug lords kada taon
AABOT sa P216 bilyon kada taon ang nasasayang na pera sa bansa dahil napupupunta sa bulsa ng drug lord imbes gastahin ng pamilyang Filipino para sa mga batayang pangangailangan. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference sa Davao City Airport nang dumating mula sa state visit sa Vietnam kahapon ng madaling araw. Aniya isang bilyonaryong negosyante na …
Read More »Jaybee kinakarma na – Digong (“I do not talk to criminals.”)
HINDI ako nakikipag-usap sa kriminal. Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit ni convicted kidnapper Jaybee Sebastian na makipag-usap sa kanya at ikakanta ang lahat ng kanyang nalalaman, hindi sa Kongreso. “I do not talk to criminal. He can go to the Fiscal if you want or maybe write a letter to Secretary Yasay, if that is a …
Read More »Inambus na judge kasama sa narco-list
PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang hukom na kasama sa kanyang narco list. Sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel sa Davao City, binanggit ng Pangulo ang pangalan ni Judge Hector Salise. Si Judge Salise, presiding judge ng Bayugan City Regional Trial Court, ay sugatan sa pananambang noong Biyernes, …
Read More »Ipatutumba ako ng CIA — Digong (Military exercises wawakasan)
MAY plano ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang isiniwalat ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Hanoi, Vietnam kamakalawa ng gabi. Aniya, may nakarating na impormasyon sa kanya na ito ay dahil sa pagtanggi niya na maging lunsaran ng digmaan ng China at Amerika ang Filipinas bunsod …
Read More »Digong nakiramay sa pamilya Santiago
NAGPAABOT nang personal na pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa naulilang pamilya ng “Iron Lady of Asia” na si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago. Kahit sa pagpanaw ni Santiago ay hindi nagbago ang paggalang at pagtingala ni Pangulong Duterte sa Senadora. Sa pahayag ng Pangulo habang nasa official visit sa Vietnam, sinabi niya na nag-iwan nang maningning na karera sa serbisyo …
Read More »‘Pag namatay si Jaybee pabor kay De Lima — Aguirre
NANINIWALA ang Palasyo na si Sen. Leila de Lima ang makikinabang kapag napatay si convicted kidnapper Jaybee Sebastian. Ito ang pahayag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa press conference sa NAIA Terminal 2 kahapon makaraan ang departure ceremony sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam. Ani Aguirre, kasinu-ngalingan ang bintang ng senadora na ang gobyerno ang nasa likod …
Read More »Leila naloka na — Digong
TINATAKASAN na ng katinuan si Sen. Leila de Lima, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa state visit sa Vietnam, pinayuhan niya si De Lima na magpahinga muna nang ilang araw dahil napansin niya na nawawala na sa sarili ang senadora. “`You know, I’d like to… in all …
Read More »Shabu armas ng China para mangolonya
DUDA si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabiguan ng China na awatin ang pagpapalaganap ng kanilang mga mamamayan ng shabu sa Filipinas. Sa kanyang talumpati nang inspeksyonin ang abandonadong shabu laboratory sa Lacquios, Arayat, Pampanga kahapon, inihayag ng Pangulo na lahat ng kagamitan sa pagluluto ng illegal drugs ay gawa sa China. Maging ang nagluluto ng shabu ay mga Chinese kaya’t …
Read More »Jaybee ‘sexual asset’ ni Leila — Digong
IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipag- “quickie” si Sen. Leila de Lima kay convicted kidnapper Jaybee Sebastian sa kubol ng preso sa New Bilibid Prison (NBP). Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA) kahapon sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, hindi normal na gawain …
Read More »Morality blackmail armas ng simbahan vs death penalty — Duterte
BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng Simbahang Katolika sa moralidad para hindi na maibalik ang death penalty sa bansa. Aniya, kaya gusto niyang ibalik ang parusang bitay dahil ang mga Filipino ay hindi na naniniwala sa batas at wala nang kinatatakutan. Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association …
Read More »US, EU out China, Russia in (Trade and Commerce ng PH palalakasin)
BUBUKSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-alyansa sa China at Russia. Sinabi ng Pangulo, nakatakda siyang tumulak sa China para makipag-usap kay President Xi Jinping para lalong palakasin ang trade and commerce o ang kalakalan ng dalawang bansa. Nilinaw ng Pangulo, hindi papasok ang Filipinas sa military alliance sa China. Hindi nababahala ang Pangulo kung gigiyerahin ng Amerika ang Filipinas …
Read More »