Friday , November 22 2024

Rose Novenario

Digong tumutol maging arms depot ng US (PH para ‘di maging willing victim)

PUMALAG si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Amerika na gawin lunsaran ng giyera ang Filipinas kontra China. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, nagbabala si Pangulong Duterte sa US, ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag itinuloy ang plano na mag-imbak ng mga armas pandigma sa bansa, kasama ang mga armas nukleyar. “They are unloading arms in …

Read More »

Pinoy TNT sa US bahala si Trump

HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang …

Read More »

Immigration ban ni Trump inirerespeto ng Palasyo

INIHAYAG ng  Malacañang, inirerespeto nila ang immigration policies ni US President Donald Trump makaraan pansamantalang suspendehin ng American leader ang pagpasok sa Amerika ng mga refugee at mga bisita mula sa pitong Muslim-majority countries. “We respect the policy of the United States of America if they have prohibitions or they would be banning people from entering their country because that …

Read More »

15 patay, 7 sugatan sa mil ops sa Lanao Sur

dead gun

UMABOT sa 15 terorista ang patay habang pito ang sugatan sa panibagong operasyon ng militar laban sa teroristang grupo sa Butig, Lanao del Sur nitong Huwebes, iniulat ng pamunuang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon. Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Marine Col. Edgard Arevalo, kabilang sa napatay ang isaNG banyagang terorista, mga kasamahan ni ASG …

Read More »

Balance of power kailangan imantena — Digong

Duterte CPP-NPA-NDF

NAIS ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umiral ang “balance of power” sa kanyang administrasyon upang mapanatili ang katatagan ng gobyerno at makontrol ang magkakatunggaling puwersa. Sa kanyang talumpati kahapon sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao, sinabi ng Pangulo na hindi niya solo ang pagdedesisyon sa gobyerno, lalo sa aspekto ng armadong tunggalian sa kilusang komunista. Giit niya, hindi uubra …

Read More »

Duterte nakiisa sa Chinese New Year celebration

SUMENTRO ang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Tsino sa pagdiriwang ng Chinese New year ngayon sa mga naniniwala sa mga milagro ng simula at para sa mga pinili ang pag-asa kaysa takot. “To everyone who believes in the miracle of beginnings and who makes a choice for hope against fear, my best wishes on this auspicious season of …

Read More »

Terorista huwag ikanlong (Digong sa MILF at MNLF)

HUWAG ikanlong ang mga terorista sa inyong mga lugar para maiwasan ang pagdanak ng dugo. Ito ang apela kahapon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao. Nagbabala ang Pa-ngulo na mapipilitan siyang utusan ang Armed Forces of …

Read More »

Palace exec ‘namamangka sa dalawang ilog’

NAMAMANGKA sa dalawang ilog o salawahan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal ng Palasyo. Sinabi ng source sa Hataw, nakita kamakailan na magkasama sa isang restoran ng five-star hotel ang Palace executive at isang ‘kontrobersiyal’ na alkalde sa Metro Manila. Anang source, narinig na idinidiga ng alkalde sa Palace executive na tulungan siyang kombinsihin si Pangulong Duterte …

Read More »

Digong nag-sorry sa South Korea

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng South Korea sa pagpaslang ng mga pulis sa kanilang kababayan sa Filipinas. Tiniyak ng Pangulo, sa kanyang talumpati sa ceremonial switch-on ng Section 1 at ground breaking ceremony ng Section 2 ng Sarangani Energy Corp. Power Plant sa Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani kahapon, mabubulok sa kulungan …

Read More »

Digong saludo kina Evasco at Taguiwalo (Malinis na ‘leftists’)

SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging dalisay ng hangarin ng dalawang miyembro ng kanyang gabinete na dating political detainees  na pinanday ang sarili sa pagsisilbi sa bayan nang walang hinihintay na probetso. Sinabi ng Pangulo kamakalawa sa Tacloban City, ipinagkatiwala niya ang isang bilyong piso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo …

Read More »

GRP, NDFP hirit alisin si Sison sa US terror list

NAGKASUNDO ang gobyerno ng Filipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panels na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihirit kay Uncle Sam na tanggalin sa listahan ng international terrorists si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison. Sinabi ni GRP chief Silvestre Bello III, ang nasa-bing kasunduan ay upang matiyak na hindi aarestohin …

Read More »

Digong nanatiling bilib sa mainstream media

BILIB pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng “mainstream media” na ihatid ang tamang balita  sa kabila nang pagbatikos ng kanyang communications secretary sa ilang mamamahayag na binabaluktot ang ulat upang pumatok sa publiko. Sa kanyang talumpati matapos inspeksyonin ang mga pabahay para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda kahapon sa Tacloban City, inihayag ng Pangulo na …

Read More »

Mamasapano ‘carnage’ ops ng CIA (SAF 44 ‘ipinapatay’ ni PNoy?)

NAKIPAGSABWATAN si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Central Intelligence Agency (CIA) para isoga ang mga operatiba ng Special Action Force (SAF) sa operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin Hin alyas Marwan at nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos noong Enero 25, 2015. “Let it be brought to the open. It was an American adventure with the cooperation …

Read More »

SAF 44 commission bubuuin

ISANG komisyon ang bubuuin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang muling imbestigahan ang kaso nang pagkamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 ng Enero, 2015. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Dialogue with SAF 44 Families kahapon sa Palasyo, isang katulad ng Agrava Commission ang kanyang itatatag sa layunin na bigyan ng hustisya …

Read More »

Journalist pilit inaresto ng Digos police (Utos ni Gov kahit walang warrant of arrest)

HINDI umalma ang Palasyo sa paglabag ng mga kagawad ng Digos City Police sa umiiral na memorandum of agreement ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang media organizations na hindi puwedeng arestohin ang isang mamamahayag na may kasong libel kapag Biyernes, Sabado at Linggo. Batay sa ulat, dinahas ng ilang elemento ng Digos City Police at tinangkang dakpin ang …

Read More »

Mas matatag na alyansa hirit ni Trump kay Digong

DALAWANG araw pa lang ang administrasyong Trump ay humirit na agad ng mas matatag na alyansa at kooperasyon ng Filipinas at ni Uncle Sam sa gobyernong Duterte. Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. Aniya, tinawagan siya sa telepono kahapon ng umaga ni Michael Flynn, ang national security adviser ni US President Donald Trump, at sa …

Read More »

Punerarya gamit sa money-laundering ng ninja cops

GINAGAMIT sa money laundering ang mga punerarya dahil inilalagak ng ninja cops ang kinita sa illegal drugs trade sa negosyong ‘hanap-patay.’ Nabatid na may “discreet investigation” na isinasagawa ang intelligence community sa mga punerarya na may koneksiyon sa mga opisyal o kagawad ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa source, bunsod ito nang naganap na pagdukot, pagpatay at pagsunog kay …

Read More »

KFR groups sa PNP dudurugin ni Bato

ronald bato dela rosa pnp

NANGGIGIGIL sa galit na humarap sa media sa Palasyo kahapon si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa at binantaan na papatayin ang mga pulis na sangkot sa kidnap-for-ransom syndicates. “If I have my way papatayin ko kayo mga pulis kayo mga kidnapper. If I have my way because it’s illegal, ako bilang isang Filipino gusto ko patayin pulis …

Read More »

Yaman ng Simbahan target ni Digong (Hinamon ng showdown)

KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano ginagasta ng Simbahang Katoliko ang kanilang yaman gayong nananatiling nagdarahop ang mga Katoliko at naghihintay na mangyari ang mga inilalako nilang milagro. Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong promote na police officers, sinabi ng Pangulo, milyong piso ang kinikita ng simbahan kada linggo sa buong bansa pero hindi ipinaliliwanag ng …

Read More »

Antiporda group nasa narco-list ni Duterte

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang Antiporda drug group sa hawak niyang makapal na narco-list na beripikado ng intelligence community. “You know, I said, I have to declare war. If I do not do it, we will to go to the dogs. How do you…Pulis man kayo, okay. Region II elected official: Licerio Antiporada. Barangay captain si-guro itong… …

Read More »

Martial Law sorpresa — Duterte

CABANATUAN CITY – MASOSORPRESA na lang ang sambayanang Filipino kung isang araw ay nasa ilalim na ng batas militar ang buong bansa. Sa kanyang talumpati sa ika-20 anibersaryo ng Premiere Medical Center sa siyudad, nagbabala ang Pangulo na hindi siya magbibigay ng ano mang pahiwatig sakaling magpasiya na siyang magdeklara ng martial law. Aniya, wala talaga siyang planong magdeklara ng …

Read More »

Digong-Joma talks posibleng maudlot

POSIBLENG maunsiyami ang inaabangang pagkikita nina Pangulong  Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison dahil balak bawiin ng kilusang komunista ang idineklarang unilateral ceasefire. Sinabi ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel chairperson Fidel Agcaoili, maaaring hindi na matuloy ang bilateral truce sa administrasyong Duterte dahil sa mga napakong pangako …

Read More »

MPC umalma sa banat ng Palasyo sa media

UMALMA ang Malacañang Press Corps (MPC) sa bintang ng Palasyo na mali ang pagbabalita sa pahayag ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kaugnay sa martial law. Sa pahayag, sinabi ng MPC, ang ginawa ng media sa talumpati ni Duterte hinggil sa martial law noong nakalipas na Sabado sa Davao City ay “paraphrase” o isalin ang ilan sa mga linya niya. “We take …

Read More »

PH, US bff ulit (Nagkabalikan na)

MISTULANG binuhusan ng malamig na tubig ang ngitngit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Uncle Sam at nagpasalamat sa malaking tulong ng Amerika sa paglutas sa kaso ng pambobomba sa Davao City noong nakalipas na Setyembre na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng animnapu’t siyam. Sa kanyang talumpati sa Annual Installation of the Board of Trustees and Officers ng Davao …

Read More »