HARANGAN man ng sibat, hindi na kayang hadlangan ng sino man ang pag-usad ng peace talks ng pamahalaang Duterte at National Democratic Front (NDFP), at tuloy na ang 4th round ng usapan sa 2-6 Abril sa Norway. Inihayag ni dating Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner, ang kagalakan sa pag-arangkada ng peace talks, sa kabila ng mga naging hamon …
Read More »Drug war ni Digong ‘di kinontra ni Bishop
WALANG kontradiksiyon sa mga naging pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Australian Foreign Minister Julie Bishop, kaugnay sa kanilang bilateral meeting, may pagkakaiba lang sa perspektiba. Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, produtikbo ang dialogo nina Duterte at Bishop noong 17 Marso sa Davao City, na tumuon sa mga posibleng pagkakasundo sa konstruktibong kooperasyon sa drug war, kaya’t hindi …
Read More »Kill plot vs Thai PM ‘pasalubong’ kay Digong
BANGKOK, Thailand – Sinalubong si Pangulong Rodrigo Duterte nang napakahigpit na seguridad, makaraan mabuko ng mga awtoridad na may pla-nong itumba si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, ng kanyang pangunahing kalaban sa politika. Dumating kamaka-lawa ng gabi si Pangulong Duterte kasama ang kanyang opisyal na de-legasyon, para sa dalawang araw na opisyal na pagbisita, habang napakainit na balita rito ang …
Read More »OFWs sa Thailand aalma vs Duterte impeachment
BANGKOK, Thailand – Hindi papayag bagkus ay lalabanan ng mga migranteng Filipino sa Thailand, ang ano mang hakbang para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng media kay Julie Macariola, Filipina English teacher dito, idineklara niya na lalabanan ng 48 grupo ng mga Filipino sa Thailand, ang destabilisasyon laban sa Pangulo. “We don’t want him to be impeached. He’s …
Read More »Patutsada ni Digong: ‘Balls’ ng Magdalo ampaw, urong
AMPAW at urong ang ‘balls’ ng Magdalo party-list group na naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaya tiyak na wala itong patutunguhan. Sinabi ni Pangulong Duterte sa panayam sa kanya ng Philippine media sa Myanmar kamakalawa ng gabi, puro pag-iingay at kayabangan lang ang kayang gawin ng Magdalo Group na pinamumunuan nina Sen. Antonio Trillanes …
Read More »CIA sablay kay Digong
SUMABLAY ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa akala na madaling takutin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Myanmar kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya natatakot na ipatumba ng CIA dahil sa pagbuo ng independent foreign policy, makaraan mairita sa pakikialam ng administrasyong Obama sa kanyang drug war. Nagkamali …
Read More »PSG Chief Bautista isasabak sa giyera sa Basilan, Sulu
KASABAY nang pagbibigay seguridad kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa First Family, pangungunahan din ni Presidential Security Group (PSG) chief, B/Gen. Rolando Bautista ang giyera kontra-terorismo sa Basilan at Sulu. Kamakalawa, isinagawa ang turn-over ceremony sa 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, at pinalitan ni Bautista bilang pinuno si Maj. Gen. Gerardo Barrientos. Tahimik …
Read More »Soros-funded NGO sponsor ng UN event (Naglabas ng Leni video)
PINONDOHAN ni American billionaire George Soros ang US-based Drug Reform Coordination Network (DRCNet) Foundation, na sponsor ng forum sa Vienna, Austria, na naglabas ng video message ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na ang DRCNet Foundation ay kabilang sa 24 organisasyon na bumuo sa Coalition for Compassionate Leadership on Drug Policy, nagsulong …
Read More »Landas tungo sa kapayapaan dapat tukuyin (Para ‘di maligaw) — Digong
AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na maligaw sa landas tungo sa kapayapaan kaya nais niyang tukuyin kung ano ang gagawin sakaling pumalpak ang peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Pangunahing kondisyon ng Pangulo sa pag-usad muli ng formal peace talks ay magkaroon ng bilateral ceasefire agreement ang magkabilang panig. Gusto ng Pangulo na ilagay …
Read More »Digong kay De Lima: Drug lord ka ‘di ka political prisoner
NUMBER one drug lord at hindi political prisoner. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Leila de Lima na iginigiit na siya ang kauna-una-hang political prisoner pero nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs. “Hindi natin alam na ang number one drug lord pala nasa gobyerno, mga generals pati iyong… Hanggang nga-yon, …
Read More »Babala sa mayors: Death or martial law — Duterte
NAGBABALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa mga mayor sa buong bansa, na magdedeklara ng martial law o maharap sa kamatayan kapag hindi kumilos para sugpuin ang illegal drugs at kriminalidad. Sa kanyang talumpati sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), sa harap ng halos 1,400 alkalde, sinabi niyang kailangang personal na pangasiwaan ng alkalde ang …
Read More »Plunder, rape at illegal mining para sa bitay OK kay Digong
PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa mga karumal-dumal na krimen na papatawan ng parusang kamatayan ang illegal mining, plunder at rape. Ayon kay Pangulong Duterte, sang-ayon siyang parusahan ng bitay ang mga krimen na nagreresulta sa kamatayan ng nilalang at kalikasan bilang retiribusyon. Ipinakita ng Pangulo sa media ang mga larawan ng mga grabeng prehuwisyo ng mining firms …
Read More »Mining execs, drug lords kasabwat sa destab plot (May kasamang Amerikano)
MAGKAKASABWAT ang mining executives, druglords at ilang personalidad sa Amerika sa pagpopondo sa mga pagkilos para pabagsakin ang administrasyong Duterte. Sa pulong-balitaan kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagastusan ng mining executives na nasapol ng kampanya kontra destructive mining ng gobyerno, druglords na tinutumbok ng Oplan Tokhang at ilang sumasakay sa isyu ng extrajudicial killings, ang destabilisasyon laban sa …
Read More »Digong sa PMA grads: Magbalik-tanaw sa pinagmulan
MAGBALIK-TANAW sa pinanggalingan at sa mga mamamayan upang makaiwas sa tukso ng korupsiyon. Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class Salaknib (Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) na nagtapos kahapon sa PMA Academy sa Fort Del Pilar, Baguio City. “It is not only your …
Read More »GPH-NDFP peacetalks tuloy na
AARANGKADA muli ang peace talks ng gobyernong Duterte at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa susunod na buwan. Ito ang napagkasunduan ng magkabilang panig sa dalawang araw na backchannel talks, na ginanap sa Utrecht, The Netherlands kahapon. Sa joint statement na inilabas ng GPH-NDFP panel, nakasaad na ipagpapatuloy ang pormal na usapang pangkapayapaan at patitingkarin ang pagpapatupad ng …
Read More »American no. 1 critic ni Duterte pro-abortion (HRW financier)
BISTADO ni Pangulong Ropdrigo Duterte na si American billionaire at Hillary Clinton supporter George Soros ang nagpopondo ng New York-based Human Rights Watch (HRW), na nagsusulong na ibagsak ang kanyang administrasyon dahil sa umano’y talamak na extrajudicial killings bunsod ng drug war. “Soros. Yes, we know that,” reaksiyon ni Pangulong Duterte sa ulat ng US-based non-government organization Media Research Center …
Read More »Aresto vs Chinese navy sa Benham Rise iniutos
UMALMA ang Palasyo sa presensiya ng mga survey vessel ng China sa Benham Rise, isla sa Northern Luzon, na pagmamay-ari ng Filipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinabatid ng Department of National Defense (DND) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu, upang panindigan ang soberanya ng Filipinas sa mga teritoryo ng bansa. “We are concerned about the presence …
Read More »Martial law sa Mindanao iniamba ni Digong
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal ng Mindanao na magdedeklara siya ng batas militar kapag hindi siya tinulungan na ibalik ang peace and order sa rehiyon. “Ako, nakikiusap sa inyo because I said I do not want the trouble in Mindanao to spill out of control because then as president I will be forced, I will …
Read More »Air strikes, strafing, hamletting vs NPA utos ni Digong (Bilang ng bakwet lolobo)
INAASAHAN darami ang bakwet, magkakaroon ng ghost town at ibayong paghihirap sa kanayunan ang mararanasan ng masa, bunsod ng utos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis at militar, na maglunsad ng air strikes laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA). “I will allow the police and the military this time to use all available assets, eroplano, mga jet, …
Read More »P3-B areglo ng Mighty Corp. hirit ni Duterte (Tax evasion ibabasura)
HUMIHIRIT ng tatlong bilyong pisong areglo si Pangulong Rodrigo Duterte para makalusot sa tax evasion case ang may-ari ng Mighty Corp.. na si Alex Wong Chu King. “I will forget about the printing of 1.5 billion worth of fake stamps. I will agree to this: Pay double, I’ll forget about it. Anyway, I assure him that if someone in power …
Read More »‘Pic-release’ bisyo ng OPS
BISYO na ito! Ito ang madalas na nagiging biruan sa hanay ng mga mamamahayag sa Malacañang dahil sa tila kostumbreng batugan ng mga tanggapan na namamahala sa pagtatala ng mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kahapon, imbes pormal na press release, retrato ng appointment papers na itinalaga ng Pangulo si Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam, bilang bagong …
Read More »Kababaihan bayani para sa pangulo
ISANG mayabong na pook ang Filipinas para sa paglilinang ng mga katangi-tangi at bayaning kababaihan. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdiriwang kahapon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Anang Pangulo, mataas ang grado ng Filipinas sa rehiyong Asya-Pasipiko sa isyu ng gender equality. “We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground …
Read More »‘Bonnie & Clyde’ ng palasyo padrino ng Mighty Corp?
MALAKAS ang ugong sa Palasyo, dalawang opisyal ng administrasyong Duterte ang umano’y nakuhang padrino ng may-ari ng Mighty Corp., na si Alex Wochungking, kaya ‘daraan sa proseso’ ang kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanya. Ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin ay bunsod umano sa impluwensiya ng tambalang tinaguriang “Bonnie and Clyde,” na kilalang malapit sa matataas na …
Read More »DDS inamin ni Duterte (Anti-communist vigilante group)
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong may Davao Death Squad (DDS) ngunit naging pamoso ito bilang anti-communist vigilante group noong panahon ng batas militar. Sa panayam ng media kahapon sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inorganisa ang DDS para ipantapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army (NPA) na aktibo sa Davao City noong martial law. “You should ask Jun …
Read More »NFA chief Aquino nasa hot water (Desisyon ng NFAC nilabag)
MALALIM na imbestigasyon ang ginagawa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pagsuwag ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa kolektibong desisyon ng Food Security Council, na palawigin ang pag-angkat ng bigas upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa. “I said I am digging, digging deep. I’m not studying, I’m investigating. Kaya nga I said, ‘digging …
Read More »