Monday , December 23 2024

Rose Novenario

US nakoryente sa EJKs sa PH

KORYENTE ang balitang lumobo sa 9,000 ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte na pinaniniwalan ni Uncle Sam. Sinabi Presidential Spokesman Ernesto Abella, peke ang ulat na halos 9,000 katao ang namatay dahil sa drug war at nag-ugat ito sa masugid at paulit-ulit na pagbabalita na 7,000 ang napaslang. Batay aniya sa record …

Read More »

Ex-leftist leader OK sa Oplan Tokhang

KAHIT binabatikos ng ilang human rights groups ang drug war ng administrasyong Duterte, suportado ang OPLAN Tokhang ng dating leftist leader at ngayo’y Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon. Kahit marami ang mga napaslang sa pagpapatupad ng drug war o OPLAN Tokhang, kombinsido si Ridon na kailangan ito sa implementasyon ng batas. “In terms of, in …

Read More »

DILG fire truck deal tuloy (Kahit sinibak si Sueno)

KINOMPIRMA ng Palasyo kahapon, ipatutupad ang kontrobersiyal na fire truck deal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Austria, naging dahilan ng pagsibak kay dating Secretary Ismael “Mike” Sueno sa gabinete nitong unang bahagi ng Abril. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pirmadong kontrata ang fire truck deal, at walang temporary restraining order ang hukuman para pigilan ang …

Read More »

Housing execs ng Aquino admin mananagot (Sa bulok na pabahay)

DAPAT managot ang mga opisyal ng administrasyong Aquino sa mga itinayong bulok na pabahay na inagaw ng grupong Kadamay. “Sa totoo lang ho, inikot ho namin ‘yan. Talagang bulok ho ‘yung marami sa mga naitayo ho roon and we really have to be frank with eve-rybody about it. And in fact, some form of accountability needs to be undertaken towards …

Read More »

Erap ibalik sa kulungan — Duterte

IBALIK kita sa kulungan. Ito ang babala ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, na minaliit siya noong kampanya ng 2016 presidential elections. “It’s 8 o’clock. Si Erap, naghihintay na ‘yung buang. Birthday niya ngayon e. Sabi niya, ‘Punta ka talaga ha kasi…?’ Tapos noon sabi niya, ‘Wala ‘yan si Duterte. Ano ‘yan, low …

Read More »

P1-M bawat ulo ng ASG — Digong

ISANG milyong piso ang pabuya sa sino man makapagtuturo o makapa-patay sa anim na teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na pinaghahanap sa Bohol. Sinabi ng Pangulo sa Tagbilaran City, ang utos niya sa pulis at sa lahat ng residente ng lalawigan na intersado na labanan at patayin ang mga tero-ristang nagtatago sa kanilang lugar. “My orders to the police and …

Read More »

Barrio doctor volunteer pinaslang sa klinika (Pangalawang biktima sa loob ng 2 buwan)

ISA na namang volunteer ng “doctor to the barrio” ang pinaslang ng suspek na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Cotabato City, kahapon. Mariing kinondena ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pagpatay kay Dr. Shahid Jaja Sinolinding , ang ikalawang doktor na nasa ilalim ng “doctor to the barrio” na pinatay sa loob ng nakalipas na halos …

Read More »

BBL, GRP-NDFP peace pact muna bago Cha-cha

UUSAD ang Charter change kapag naisabatas na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at napirmahan ang peace agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF). Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon, hindi siya magtatalaga ng 25 katao na bubuo sa Consultative Committee na mag-aaral sa pag-amyenda sa Konstitusyon hanggang walang BBL at GRP-NDFP peace agreement. “I will not name them until I …

Read More »

Esperon big brother sa Duterte admin

MAGSISILBING “Big Brother” sa administrasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., batay sa nilagdaang Executive Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa EO 16, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at lokal na pamahalaan, na sundin ang National Security Policy 2017-2022 sa pagbalangkas at implementasyon …

Read More »

Rice importation ni Aquino tablado kay Digong (Filipino farmers dapat mauna)

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pag-angkat ng isang milyong metriko toneladang bigas ni National Food Authority (NFA) Chairman Jason Aquino, sa pamama-gitan ng government-to-government (G2G) transaction. Bago tumulak patu-ngong state visit sa tatlong Gulf states (Saudia Arabia, Bahrain at Qatar), sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Aquino na gamitin ang pondo ng NFA para bilhin ang palay ng …

Read More »

NFAC dialogue kay Duterte hinaharang ni Bong Go

MATAGAL nang humihirit ang NFAC na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco, ng dialogue kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tila hinaharang sila ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go. Isa ito sa hinaing ni Chavez sa kanyang kalatas. Ngunit sina Agriculture Secretary Emmanuel Pinol at Aquino ay nakadidirekta aniya sa Pangulo. “The NFAC members have also …

Read More »

G2G ng NFA pabor sa rice smugglers

PABOR sa rice smugglers ang government to government (G2G) rice importation na isinusulong ni National Food  Authority (NFA ) Administrator Jason Aquino, ayon kay dating  Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez. Sa kalatas ni Valdez, sinabi niya, ang government to government (G2G) ay hindi saklaw ng procurement law kaya puwedeng magamit sa smuggling at corruption. “It is only G2G that is …

Read More »

Man-made na lindol suspetsa ng Batangueños (Dahil sa PHINMA Geotherman project)

NANGANGAMBA ang mga Batangueño, makararanas pa ng mas maraming pagyanig makaraan ang dalawang malalakas na lindol, na pinaghihinalaan nilang dulot ng itinatayong Geothermal project sa Mabini, Batangas. Ayon sa mga residente ng Mabini,  may 100 taon nang hindi nakararanas ng lindol ang kanilang lugar kaya lubha silang nagulat na sa loob ng limang araw ay dalawang beses niyanig nang malalakas …

Read More »

Digong deadma sa absolute pardon (Sa hirit ni Jalosjos)

TAHIMIK si Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit na absolute pardon ng kapwa taga-Mindanao na si convicted child rapist at dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos. Si Jalosjos ay kasama sa 36 convicts sa isinumiteng listahan ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) na humihiling na gawaran sila ng absolute pardon ni Pangulong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella …

Read More »

Kadamay tatapatan ng Bazooka, M-60 (Kapag nag-agaw-bahay pa)

duterte gun

ANARKIYA na ang ginagawa ng Kadamay. Ito ang inihayag ng Pangulo sa Western Command ng AFP sa Palawan, kahapon. Aniya, limang M60 at bazooka ang ipatitikim niya sa Kadamay sakaling lusubin muli ang panibagong pabahay na ipatatayo sa mga pulis at sundalo. Ayon sa Pangulo, dahil sa pagiging mahirap, pinagpasensiyahan na niya ang Kadamay nang agawin ang pabahay sa Pandi, …

Read More »

Occupy West PH Sea utos ni Duterte (Bandila ng PH ititindig)

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na magtayo ng mga estruktura sa mga inaangking teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea, bilang pagta-taguyod ng soberanya ng bansa. Sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ay maaaring magtungo si Pangulong Duterte sa Pag-asa Island upang itirik ang bandila ng Filipinas. “There’s so many islands I think 9 or 10, lagyan …

Read More »

ABS-CBN inonse si Duterte (Paid ads ‘di inilabas)

Duterte money ABS CBN

INONSE ng media outfit ABS-CBN si Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng 2016 presidential election campaign. Imbes isahimpapawid ang political advertisement ni noo’y presidential candidate Duterte, tinanggap lang ng ABS-CBN ang bayad niya ngunit hindi ini-ere ang kanyang anunsiyo at hanggang ngayo’y hindi pa ibinabalik ang pera. Ito ang himutok ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN network na pagmamay-ari ng pamilya …

Read More »

Tax evasion vs oligarchs isusulong ni Digong

NAWALAN nang bilyon-bilyong piso ang kaban ng bayan dahil hindi nagbabayad nang tamang buwis ang mga “oligarch” kasama ang pamilya Prieto, na inabsuwelto ng administrasyong Aquino sa pagbabayad ng buwis. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, inayos ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Kim Henares ang mga buwis na dapat bayaran ng mga Prieto, may-ari ng Philippine Daily Inquirer …

Read More »

Remnant ni Kiko sa Food Security Council sinibak (Sa isyu ng katiwalian)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naiwang tauhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Food Security Council dahil sa isyu ng katiwalian. Pangalawa si Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez ng Office of the Cabinet Secretary at remnant ni Pangilinan sa Food Security Council, sa tinanggal ni Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang araw. Bago magsimula ang cabinet …

Read More »

Digong kay Joma: Prop umuwi ka na

PROTEKTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa pagbabalik sa Filipinas kahit santambak ang kasong kriminal na inihain ng military at pulis. Sa fourth round ng peace talks sa The Netherlands kahapon ay inihayag ng government peace panel na tumawag si Pangulong Duterte sa kanila upang …

Read More »

Solusyon sa BI tumbok ni Evasco (Konteksto nasapol)

NATUMBOK ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco ang permanenteng solusyon sa isyu ng tinanggal na overtime pay ng mga nag-aalborotong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na kamakailan ay inabandona ang kanilang counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maghain ng leave at/o resignasyon. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre , ipinanukala ni Evasco na sertipikahan ni Pangulong Duterte …

Read More »

Sueno sinibak sa gabinete

“YOU’RE fired.” Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno nang magkaharap sila bago magsimula ang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Palasyo. Sa kanyang talumpati sa okasyon sa MMDA kagabi, ikinuwento ng Pangulo na naubos ang pasensiya niya kay Sueno nang sagutin siya na hindi binasa ang legal opinion ng DILG legal officer tungkol …

Read More »

Agaw-bahay ng kadamay tagumpay (Digong bumigay)

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, ipaubaya na lang sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), ang mga inagaw sa kanilang pabahay ng gobyerno. “Meron lang po akong pakiusap. This ruckus in Bulacan e parang inagaw ng mga kapwa nating Fi-lipino na mahirap rin. I will look into the matter seriously and I will …

Read More »