HINDI mangingimi ang tropa ng pamahalaan na bombahin kahit ang Mosque kapag doon nagtago ang hinahabol na mga terorista sa Marawi City. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press brifieng sa Palasyo kahapon. “There are provisions, may exception ‘yun maski sinong taong armado na nag-harbor sa isang lugar maging …
Read More »Ulo ng Maute, ISIS ‘hiniling’ ni Duterte
PATAYIN na ninyo lahat ng hawak ninyo hindi ako makikipag-usap sa inyo. Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagdedeklara na hindi na siya makikipag-negosasyon sa Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) dahil kamatayan ang katapat ng terorismong inilunsad nila sa Marawi City. “I will not negotiate. Wala akong pakialam kung anong gawain ninyo ngayon diyan. You do …
Read More »Segunda-manong armas, gamit pandigma mula sa US, tablado kay Duterte
HINDI na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga segunda-manong armas at gamit pandigma mula kay Uncle Sam. Gusto ni Pangulong Duterte na pawang mga bago ang bibilhing kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanyang administrasyon, kahit doble pa ang presyo nito. “During my time, wala na akong second-hand na mga barko, barko. It has to …
Read More »Trump sinopla ng Palasyo (Umepal sa Casino tragedy)
SINUPALPAL ng Palasyo si United States (US) President Donald Trump sa mabilis na pagdedeklara na pag-atake ng terorista ang naganap sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City. Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Trump ang pakikiramay sa mga Filipino sa pag-atake ng terorista sa Resorts World, kahit wala pang lumalabas na inisyal na resulta ng imbestigasyon mula …
Read More »AFP nabulag sa pagpaslang ng Maute sa intel officer
AMINADO si Lorenzana na ‘nabulag’ ang AFP sa galaw ng Maute sa Marawi nang paslangin ng mga terorista si Major Jerico Mangalus, ang intelligence officer na may malalim na kontak sa teroristang grupo. Inilaglag aniya ng mismong asset si Mangalus kaya tinambangan ng Maute members noong nakaraang Pebrero. Mula noon aniya ay nahirapan na ang militar na makakuha muli ng …
Read More »8 dayuhang Jihadists patay sa military (ISIS umatake sa Marawi)
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod nang pag-atake sa Marawi City. “Alam mo iyong rebellion ngayon sa Minda-nao, it’s not Maute, it’s purely ISIS with different brands kasi sila ang nag-umpisa. Actually, iyang Maute brothers went to Libya and another one,” aniya sa talumpati sa mass oath taking sa Palasyo …
Read More »NDFP peace panel diretso sa hoyo (Pagbalik sa PH)
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang lahat ng bumubuo ng peace panel ng komunistang grupo pagbalik sa bansa mula sa The Netherlands. Nanawagan ang Pangulo sa mga leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP), na huwag magtangkang umuwi sa Filipinas dahil ipabibilanggo niya lahat kahit ang matatatanda na. “I am …
Read More »Duterte inuurot sa giyera vs China (Noynoy, Carpio sugo ng gulo)
GUSTONG isoga sa giyera si Pangulong Rodrigo Duterte gayong sina dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pumayag na dumami ang mga ipinatayong estruktura ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, panay ang daldal ni Carpio laban sa kanyang hindi paggigiit sa arbitral tribunal ruling na pabor sa …
Read More »ISIS kay Nobleza nagpapadala ng pondo sa PH
TINANGGAP ng isang lady police colonel ang malaking halagang ipinadala ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa mga teroristang grupo sa Filipinas. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, lumabas sa imbestigasyon, kay PNP Supt. Cristina Nobleza ipinadala ang malaking pondo ng ISIS para sa …
Read More »Duterte niresbakan si Chealsea: “Where were you when your father was f****ng Lewinsky?”
BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ni talunang US presidential bet Hillary Clinton na si Chelsea, sa pagbatikos sa kanyang mapang-uyam na pahayag hinggil sa rape. Sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersasryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, inilabas ni Pangulong Duterte ang ngitngit kay Chelsea na tinawag siyang “murderous thug” sa isang Tweet noong Sabado …
Read More »Palasyo sa terorista: Sumuko na kayo
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga teroristang nagkukuta pa rin sa Marawi City, na sumuko na habang may natitira pang oportunidad. “We call on the remaining terrorists to surrender while there is an opportunity,” sabi ni Pre-sidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon. Nais aniya ng Palasyo na sumurender ang mga terorista upang mabawasan ang pinsala at naapektohang …
Read More »Narco-politicians na financier ng ISIS target ng martial law
HINDI lang mga terorista, target na rin ng martial law sa Mindanao ang narco-politicians na nagpopondo ng kanilang mga pag-atake sa rehiyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu kamakalawa, maglalabas siya ng isa pang general order na magsasali sa illegal drugs sa susugpuin ng batas militar na kanyang idineklara sa Mindanao noong 23 Mayo. Matatandaan, …
Read More »Hapilon ‘nakorner’ sa US$5-M patong sa ulo
MARAMING grupo ang nag-uunahan na makakobra ng $5-M reward kaya hindi makalabas ng Marawi City si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon, ang isa sa mga itinutu-ring na Most Wanted Terrorist ng Amerika. “The Rewards For Justice Program, United States Department of State, is offering a reward of up to $5 million for information leading directly to the apprehension …
Read More »New Palace Maranao spokesperson itatalaga ng Pangulo
MAGTATALAGA ang Palasyo ng bagong Maranao spokesperson upang sagutin ang mga isyu kaugnay sa mga opensiba ng pamahalaan laban sa Maute terror group sa Marawi City. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ang hakbang ay kaugnay sa inilunsad na “Mindanao Hour” Communications Center sa Davao City, na magsisilbing pa-ngunahing source ng tumpak at maasahang impormasyon hinggil sa Mindanao na isinailalim …
Read More »Prenteng NGOs ng ISIS buking na
PRENTE ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang ilang non-go-vernment organizations (NGOs) na nakapasok sa bansa na nagpapanggap na nagbibigay ayuda at nagsasagawa ng mga proyekto. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen Restituto Padilla sa press briefing sa Davao City kamakalawa, kaugnay sa presensiya ng fo-reign terrorists sa Marawi City. Aniya, …
Read More »Nuclear energy ituturo sa PH ng ROSATOM (10 PH-Russia agreements nilagdaan)
MOSCOW, Russia – Sampung kasunduan ang pinagtibay ng Filipinas at Russia kaugnay ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte rito. Bago bumalik sa Fili-pinas, nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin. “We thank His Excellency President Putin for most graciously adjusting his schedule. He flew back to Moscow and met with President Duterte. The …
Read More »Martial law gagamiting proteksiyon ni Duterte para sa bayan
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang buong bansa kapag hindi naglubay sa pag-atake ang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). “If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people,” …
Read More »Pagsugpo sa ISIS ‘di madali — Digong
MOSCOW, Russia – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi madali ang paglaban sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kailangan ang matinding pagkombinsi sa mga mamamayan upang hindi malason ang isipan at lumahok sa terorismo. Sa panayam ni Marina Finoshina ng Russian TV, sinabi ng Pangulo, hindi nabigo ang pamahalaan sa kampanya kontra-terorismo nang magkaroon ng …
Read More »Surgical ops, gagamitin vs Maute sa Marawi City
MOSCOW, Russia – HINDI mangingimi ang militar na maglunsad ng “surgical operations” laban sa teroristang Maute Group na kumubkob sa Marawi City kahapon. Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. “When opportunity presents itself,” ani Esperon. Ang ”surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets at babagsakan …
Read More »Pakikiramay sa UK ipinarating ni Duterte
MOSCOW, Russia – Nagpahatid ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay sa pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester, United Kingdom, kamakalawa. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinangaan ni Pangulong Duterte ang maayos na pagtugon ng mga awtoridad sa madugong insidente. “Philippine President Rodrigo R. Duterte sends his deepest sympathies and concern to …
Read More »Duterte itutumba ng CIA (Dahil sa independent foreign policy)
MOSCOW, Russia – INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano ang Central Inteligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba siya dahil sa pagpapatupad ng independent foreign policy na mas nakakiling sa China at Russia kaysa Uncle Sam. “They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial …
Read More »Duterte nag-sorry sa Quiapo blasts
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa prehuwisyong dulot nang tatlong pagsabog sa Quaipo, Maynila kamakailan. Sa pilot episode ng kanyang programa sa PTV4 “Mula sa Masa, Para sa Masa” noong Biyernes, tiniyak ni Pangulong Duterte na ang pagsabog ng pipe bombs sa Quiapo ay walang kinalaman sa te-roristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). …
Read More »Callamard sinungaling (Hihilahin sa kulungan) — Digong
IPADARAKIP ni Pangulong Rodrigo Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard pagbalik sa bansa sa kasong perjury o pagsisinungaling. Anang Pangulo, titiya-kin niyang babagsak sa kulungan si Callamard dahil sa paglalako ng maling impormasyon sa Filipinas na walang masamang epekto sa isipan ang paggamit ng shabu. Kung nais aniya ni Callamard na tumestigo laban sa kanya sa kahit anong kaso, …
Read More »Gen. Danny Lim bagong MMDA chair
ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Kinompirma ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea kahapon, lalagdaan bukas ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Lim bago magtungo sa official visit sa Russia. Mananatiling general manager ng MMDA si Thomas Orbos na nagsilbing acting chairman nang ilang buwan. Natalo …
Read More »Red carpet kay Duterte sa Russia
NAGHIHINTAY ang red carpet sa Russia para sa tatlong araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 23-26 Mayo 2017. Sa pre-departure briefing ni Foreign Affairs Secretary Maria Cleofe Natividad kahapon sa Palasyo, sinabi niyang tiyak sisigla ang relasyong Filipinas at Russia sa pagbisita ng Pangulo makaraan ang 41 taon, nga-yong malapit sa isa’t isa sina Pangulong Duterte at …
Read More »