Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

Rehab sa Marawi ‘di magagaya sa Yolanda (Tiniyak ng Palasyo)

TINIYAK ng Palasyo na hindi magagaya sa rehabilitasyon ng Yolanda ang pagbangon ng gobyernong Duterte sa Marawi City. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, iniha-yag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, masyadong desmayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasilidad na ipinatayo para sa mga biktima ng Yolanda kaya mahigpit ang tagubilin sa kanyang huwag …

Read More »

Special report (Part 2): Digong in the Palace

NAGING salamin ng iba’t ibang political spectrum ang administrasyong Duterte, nagtalaga kasi ang Pangulo ng mga opisyal mula sa iba’t ibang paniniwalang politikal may maka-kaliwa, may moderate  at may maka-kanan. Dahil dito, hindi maiiwasan ang iringan. EX-REBEL PRIEST VS EX-REBEL SOLDIER Sa nakalipas na taon ay naging matingkad ang tunggalian kina ex-rebel priest Leoncio “Jun” Evasco at  ex-rightist leader na …

Read More »

‘Big 4’ magiging kakosa ni De Lima (Korupsiyon isusunod ni Digong)

TAPOS na ang isang taong pagtitimpi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpayaman sa panggagahasa sa kaban ng bayan. Makaraan tanggalan ng pangil ang malalaking drug syndicate at terrorist groups sa bansa, sasampolan ni Duterte ang ‘Big 4’ o apat na mandarambong sa pamahalaan. Sinabi ng isang Palace official, nakakalap ng matitibay na ebidensiya ang administrasyon laban sa apat matataas …

Read More »

Special report: Digong isang taon na sa Palasyo

ISANG taon na sa Biyernes (30 Hunyo) ang administrasyon ng kauna-unahang “leftist president” ng Republika ng Filipinas, si Pangulong Rodrigo Duterte. Siyempre dahil maka-kaliwa, dating estudyante ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison at bilang confidence-building measure sa ikinakasang peace talks, nasungkit ng mga nominado ng CPP ang ilang puwesto sa gobyerno. Sina Department of …

Read More »

US at China paligsahan sa military aid sa PH

HANGGANG sa pagbibigay ng armas, bala at sasakyang pandigma sa Filipinas ay nagpapaligsahan ang Amerika at China. Tatlong linggo matapos magkaloob ng mga baril ang US sa Philippine Marines para gamitin laban sa Maute/ ISIS terrorists, magbibigay ng mga bala at mga eroplano ang China ngayon sa Clark Airbase sa Angeles City, Pampanga. Sasaksihan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

$35-B ganansiya ng PH (sa P300-M gastos) sa 21 foreign trips ni Duterte

AABOT sa mahigit $35 bilyon ang probetso ng Filipinas sa 21 foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginastusan ng P300 milyon sa unang isang taon ng kanyang administrasyon. Aminado si Communications Secretary Martin Andanar sa taguri sa Pa-ngulo na “most travelled president” ngunit ang mahalaga aniya’y ang benepisyong mapapala ng bansa at sambayanang Filipino sa mga naturang biyahe. “Totoo …

Read More »

Terorismo dapat itakwil ng LGUs — Palasyo

NANINIWALA ang Malacañang, ang pagtatakwil ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa terorismo ang susi upang hindi ito umusbong sa Filipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang komitment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan ang terorismo ng Maute-Daesh/ISIS ay nangangailangan nang ganap na suporta ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan. Ayon kay Abella, …

Read More »

Terorismo sa bansa lumakas — Andanar (Sa mahinang pundasyon ng administrasyong PNoy)

MAHINA ang pundasyon ng liderato ng nakalipas na administrasyon kaya nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa ang mga teroristang grupo sa Mindanao. Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar, umuusad ang mga reporma, partikular ang pagpapatibay sa mga institusyon upang hindi na makaporma ang mga teroristang grupo sa ilalim ng administrasyong Duterte. “It’s common knowledge to everyone na ang mga ISIS ay …

Read More »

Leftist groups hinamon ni Lorenzana sa ebidensiya (Rape sa kababaihan sa Marawi?)

MAGLABAS kayo ng ebidensya. Ito ang hamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ilang maka-kaliwang grupo na nag-akusa na may mga sundalo umano na nagbantang gagahasain ang mga kababaihan kapag hindi lumikas sa Marawi City. ”Alam ng taongba-yan na mapagkakatiwalaan nila ang ating Sandatahang Lakas, ang kaisa-isang sandatahang lakas ng Filipinas (AFP), at nakikita naman ito sa mga survey. Kung …

Read More »

Pagkakaisa himok ni Digong sa Muslim (Sa pagwawakas ng Ramadan)

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapatid na Muslim na ituon ang kanilang atensiyon sa mga pagsusumikap tungo sa pambansang pagkakaisa at ikabubuti ng sangkatauhan na pinakamainam na paraan upang maipamalas ang pagmamahal sa Diyos. “Together let us work towards building a society that is grounded on love, mutual respect and understanding. May this special day bring happiness, peace …

Read More »

Muslims, Christians emosyonal sa Eid al-Fitr (Sa evacution center sa Iligan City)

NAGING emosyonal ang pagdiriwang ng Eid al Fitr sa evacuation center sa Iligan City nang mag-iyakan ang mga kababaihang Muslim at Kristiyano makaraan magpalitan ng handog na bulaklak na rosas kahapon. Sa kalatas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), naganap ang okasyon na tinaguraing “Roses for Peace” sa open grounds ng Iligan City National School …

Read More »

Australia katuwang ng PH vs terrorism (Bukod sa Amerika)

BUKOD kay Uncle Sam, aayuda na rin ang Australia sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inialok na technical assistance ng pamahalaan ng Australia upang labanan ang mga terorista. Makatutulong aniya ang dalawang AP-3C Orion aircraft mula sa Australian Defense Force sa …

Read More »

Communist leaders ‘di puwedeng arestohin, tiktikan (Sa JASIG)

Malacañan CPP NPA NDF

GARANTISADO ang malayang pagkilos ng mga lider-komunistang saklaw ng safe conduct pass o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG) dahil hindi sila puwedeng arestohin at tiktikan ng mga awtoridad habang isinasagawa ang usapang pangkapayapaan. Sa kalatas ni government peace panel member at pinuno ng Committee on JASIG and release Angela Librado Trinidad, inilagak sa deposit box sa The …

Read More »

Tactical alliance ng Maute at BIFF, buking ng AFP

POSIBLENG may umiiral na tactical alliance ang Maute at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon kay  East Mindanao Command deputy commander Brig. Gen. Gilbert Gapay. “Ah yes, as far as tactical alliance is concerned, that is very possible and we have seen that in some operations wherein BIFF fighters are sending augmentation to not just Maute but also other local …

Read More »

Digong busy sa trabaho ‘di sa Play Station

NAGPASARING ang Palasyo na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay busy sa trabaho at hindi sa play station. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikabahala ang publiko sa ilang araw na hindi pagpapa-kita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil style niya ito. Kahit aniya nawala sa mata ng publiko si Pangulong Duterte pero tuloy ang pagganap ng tungkulin bilang …

Read More »

Judy sagot ni Digong (Kaya mabilis umaksiyon pabor sa Marawi)

HINDI sagabal sa mabilis na pagtugon ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo kahit wala pa siyang ad interim appointment para maipagkaloob ang mga pa-ngangailangan ng mga residente sa Marawi City. Inamin ni Taguiwalo, todo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang DSWD kaya wala si-yang pinoproblema. “I serve at the pleasure of the President, okay? So, …

Read More »

Ka-DDS dapat mag-rectify kay Aznar (Mocha hihirit?)

POSIBLENG maisalba sa panganib ang isang photographer na tinadtad ng banta makaraan akusahan ng netizens na nag-post ng real time footage ng bakbakan sa Marawi City. Ito’y kung mamamagitan si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kausapin ang kapwa ka-Duterte Diehard Supporter (DDS) na si RJ Nieto na nagmamantina ng blog na “Thinking Pinoy.” Matatandaan, ini-repost ni Nieto ang mga …

Read More »

Mas mabangis na Human Security Act vs terorismo (Nat’l ID system ipapatupad)

BIBIGUIN ng mga awtoridad na makapasok sa Filipinas ang foreign terrorists na nagpapanggap na Muslim clerics at philanthropists, at magpapairal ng national ID system upang masugpo ang terorismo. Ito ang mga iminungkahi ng Department of National Defense (DND) sa Anti-Terrorism Council na isama sa isusu-miteng panukalang batas na may layuning ami-yendahan ang Human Security Act of 2007 o Anti-Terror Law. …

Read More »

‘Pag-SS’ ng media sa terror threat, binira ng Palasyo

BINIRA ng Palasyo ang “sensationalism” ng media sa banta ng terorismo na nagdudulot ng pagkaalarma ng mga mamamayan. Sa Mindanao Hour press briefing kahapon, sinabi ni AFP spokesman, B/Gen. Restituto Padilla, hindi makatutulong sa sitwasyon ang pagpapalaki ng media sa mga balita hinggil sa banta ng terorismo. “Just a warning ‘no and I would like to request the assistance of …

Read More »

Leila, Kiko ‘plastik’ (‘Pantay na paa’ hindi malasakit) — Duterte

WALANG totoong malasakit sina Senators Leila de Lima at Francis “Kiko” Pangilinan sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang gusto ay magpantay na ang mga paa ng Punong Ehekutibo. Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Cagayan de Oro City kamakalawa, ang hinihintay na marinig nina De Lima at Pangilinan ay balitang pumanaw na siya matapos hindi magpakita …

Read More »

Filipino subjects ibabalik sa kolehiyo

CHED

IBABALIK ang Filipino subjects sa lahat ng degree programs sa lahat ng kolehiyo at unibersidad sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Prospero De Vera, naglabas sila ng memorandum na nag-uutos na ibalik ang Filipino subjects sa general education curriculum sa lahat ng degree programs sa kolehiyo alinsunod sa inisyu na …

Read More »

PH ayaw matulad sa Syria (Digong kaya nagdeklara ng martial law)

IBINIGKIS ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang iba’t ibang grupo ng Moro sa Mindanao para paniwalaan at isulong ang terorismo. Kaya idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao, upang pigilan ang plano ng Maute/ISIS na maghasik ng terorismo sa Mindanao gaya nang nagaganap sa Syria sa nakalipas na anim na taon. Sa kanyang pagbisita …

Read More »

Shabu, armas, IEDs nakompiska sa Maute/ISIS

UMABOT sa 11 kilo ng hinihinalang shabu at matataas na kalibre ng armas ang nakompiska ng mga tropa ng pamahalaan makaraan makipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, patuloy na nakarerekober ng malalakas na armas, improvised explosive devices at shabu ang mga sundalo sa clearing …

Read More »

Himok ng AFP: Human Security Act ipatupad ng BI personnel

HINIMOK ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla ang mga opisyal at kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na palakasin ang kanilang hanay at mahigpit na ipatupad ang Human Security Act o Anti-Terror Law upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa Filipinas. Napaulat na may mga nakuhang passport sa napatay na foreign jihadist sa …

Read More »

Kabataan bantayan vs int’l terror groups (Sa online recruitment)

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga magulang na bantayan mabuti ang mga anak na nalululong sa internet at social media dahil sa posibilidad na marekluta ng international terrorist organizations. Sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, sinasamantala ng mga teroristang grupo ang hilig ng mga kabataan sa internet …

Read More »