Thursday , June 4 2026

Shabu, armas, IEDs nakompiska sa Maute/ISIS

 ISINIWALAT ng sumukong preso na si Mohaderin Acampong, kabilang sa 107 bilanggong pinatakas ng teroris-tang Maute group nang atakehin ang Marawi City Jail at Malabang District Jail, kay BJMP chief,  Jail Director Serafin Barreto ang kanyang naging karanasan nang lusu-bin ng mga terorista ang nasabing piitan.  (ALEX MENDOZA)
ISINIWALAT ng sumukong preso na si Mohaderin Acampong, kabilang sa 107 bilanggong pinatakas ng teroris-tang Maute group nang atakehin ang Marawi City Jail at Malabang District Jail, kay BJMP chief, Jail Director Serafin Barreto ang kanyang naging karanasan nang lusu-bin ng mga terorista ang nasabing piitan. (ALEX MENDOZA)

UMABOT sa 11 kilo ng hinihinalang shabu at matataas na kalibre ng armas ang nakompiska ng mga tropa ng pamahalaan makaraan makipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, patuloy na nakarerekober ng malalakas na armas, improvised explosive devices at shabu ang mga sundalo sa clearing operations, sa pangunguna ng Joint Task Force Marawi.

Nakahanda aniya ang Combat Engineering Brigades ng Philippine Army at Philippine Navy para sa rehabilitasyon ng Marawi City kapag natapos ang clearing operations sa siyudad.

Sa kasalukuyan, nakatuon ang atensiyon ng military sa  “combat, intelligence and civil military operations.”

Umabot sa 62 sundalo at 267 teroristang Maute/ISIS ang namatay, habang libo-libong mamamayan ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan mula nang mag-umpisa ang bakbakan sa Marawi noong nakalipas na buwan.

Samantala, dalawang bank accounts ang nilikha ng gobyerno sa Landbank upang paglagakan ng ayudang pi-nansiyal ng mga nais tumulong sa mga pamilya ng namatay na sundalo at “bakwit” o internally displaced persons.

“For families of slain soldiers, people can deposit money using the account name AFP Marawi Casualty with account number 00000552107128. For evacuees from Marawi City, people can send money through account name Marawi IDP with account number 00000552107136,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …