UMAASA ang Palasyo, magsasagawa ng parallel investigation ang Ombudsman sa isyu ng umano’y pandarambong sa pondo ng MRT-3 ng nakalipas na administrasyon. “That’s without prejudice. And we are hoping that the Ombudsman is conducting its own parallel investigation because an official complaint has already been filed,” ani Roque. Hirit ni Roque, kung kulang man ang ebidensiya ay maaaring ang Ombudsman …
Read More »Impeach Sereno ikinagalak ng Palasyo
IKINAGALAK ng Palasyo ang desisyon ng House Justice Committee na may probable cause ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang pasya ng House Justice Committee ay patunay na gumagana ang impeachment process na nakasaad sa Konstitusyon sa layuning panagutin ang Punong Mahistrado. “Patunay na naman po ito na gumagana iyong …
Read More »Sa MRT-3 anomaly; Whistleblower vs Roxas, Abad at Abaya hawak ng Palasyo
HAWAK ng Palasyo ang isang whistleblower sa maanomalyang pagpili ng nakaraang administrasyon ng maintenance provider na sanhi ng madalas na aberya sa MRT-3. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, alam ng hawak nilang whistleblower kung paano ang hatian ng mga opisyal sa pondo para sa maintenance provider ng MRT-3. Sinabi ni Roque, may nabunyag na Pangasinan Group sa isyu ng MRT-3, …
Read More »Sedisyon vs papalag sa Boracay rehab (Kahit LGU officials o resort owners)
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte, aarestohin at sasampahan ng kaso ng sedition ang mga lokal na opisyal at resort owners ng Boracay kapag tumanggi at lumaban sa rehabilitasyon ng isla. “Kasi kung ayaw nila mag-cooperate and they begin to protest, e kayo naman may kasalanan d’yan you are responsible for the damage all these years, pati ‘yung local officials who …
Read More »Roxas, Abad, Abaya et al dapat managot sa prehuwisyo sa MRT 3
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na panagutin ang mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) kaugnay sa prehuwisyo sa mga pasahero ng mga aberya sa MRT-3. “There was a decision that cases will be pursued for those behind the miserable performance of MRT-3,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo …
Read More »PH top investment country sa 2018
MASAYA si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang buong gabinete sa nasungkit na top 1 ranking ng Filipinas bilang magandang pagbuhusan ng puhunan sa buong mundo ngayong 2018. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, naging masigla at masaya ang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Palasyo dahil sa resulta ng US News & World Report survey, “the Philippines is the best …
Read More »Bong Go sa Senado depende sa Pangulo
“DEPENDE ho kay Pangulo lahat.” Ito ang matipid na sagot ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong” Go sa pangungulit ng media kahapon sa posibilidad na pagsabak niya sa 2019 senatorial derby. Sa chance interview sa Go Negosyo event sa World Trade Center sa Pasay City, sinabi ni Go, masyado pang maaga para pag-usapan ang halalan. Giit ni …
Read More »8 senador ginagapang sa impeach Sereno
“NUMBERS game” ang iiral sa Senado bilang impeachment court kaya’t ngayon pa lang ay ginagapang na umano ng oposisyon ang walong senador na tutuldok sa pagtatangkang patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ayon sa source sa intelligence community, abala ang “Times St.” sa pakikipagpulong sa mga mambabatas na may layuning himukin silang bumoto laban sa impeachment kay Sereno. Kailangan …
Read More »CJ Sereno patatalsikin sa quo warranto petition
MAITATALA sa kasaysayan ng Filipinas si Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang kauna-una-hang impeachable official na mapatatalsik sa puwesto bunsod ng quo warranto petition. Ito ay kapag pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida para ipawalang bisa ang appointment kay Se-reno bilang Chief Justice, sabi ni Presidential …
Read More »3.8-M euros ng EU tinanggap ni Duterte (Para sa drug rehab)
TINANGGAP ng Palasyo ang ayudang 3.8 milyong euros ng European Union (EU) para sa rehabilitasyon ng drug personalities. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang Pangulo na tanggapin ang tulong dahil wala itong katapat na kondisyon. Ang 3.8 milyon euros galing sa EU ay nakalaan para sa rehabilitasyon ng drug personalities sa bansa. Layunin nitong matulungan ang mga taong lulong sa …
Read More »PAO forensic expert ‘di aawatin ng Palasyo (Sa Dengvaxia probe)
HINDI aawatin ng Palasyo ang pag-iimbestiga ng Public Attorney’s Office (PAO) forensic expert sa mga labi ng mga paslit na naturukan ng Dengvaxia. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan ng Malacañang na ipagpatuloy ni Dr. Erwin Erfe, PAO forensic expert, ang pagsisiyasat sa mga bangkay ng mga batang tinurukan ng Dengvaxia. Paliwanag ni Roque, ang Department of Justice (DOJ) …
Read More »PH sasabak sa giyera (Para sa Philippine Rise) — Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, nakahanda ang kanyang administrasyon sumabak sa giyera kapag nanghimasok ang ibang bansa sa Philippine Rise. Sa kanyang talumpati, iginiit ni Pangulong Duterte, may soberanya ang Filipinas sa Philippine Rise. “If you look at the map of the Philippines, the right side is east, your left side is west, in eastern (part) that’s Philippine Rise. That’s really …
Read More »PNoy, Sanofi swak sa civil, criminal liabilities (Paslit ginamit na guinea pigs?)
TINIYAK ng Palasyo na haharap sa mga kasong sibil at kriminal si dating Pangulong Benigno Aquino III at mga opisyal ng kanyang administrasyon at ang kompanyang Sanofi kapag napatunayan na alam nilang mapanganib ang Dengvaxia ngunit ipinaturok pa rin sa mga batang estudyante. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahan ng Palasyo, sa pagharap ni Aquino sa Congressional probe sa …
Read More »Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)
IMBES matuwa sa pagbabalik-loob ng mga amasonang New People’s Army (NPA), pang-iinsulto sa kanilang pagkababae ang ipinasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ina-gurasyon ng ARMSCOR shooting range sa Davao City, mayroon pang ikatlong batch ng mga nagsisukong rebelde ang kanyang makakasama sa meryenda sa susunod na linggo sa Palasyo at hindi siya mag-aatubiling sabihing …
Read More »‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang tuparin ang kanyang pangakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa. Sa talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, sinabi niyang hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa. Sa inagurasyon ng …
Read More »Rappler, CIA sponsored — Duterte
“CIA-sponsored” ang online news site Rappler kaya’t ginagamit ang bawat oportunidad para siraan ang administrasyong Duterte. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media interview sa kanyang pagbisita sa Sara, Iloilo sa burol ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuan sa freezer sa Kuwait. Sinabi ng Pangulo, hindi lehitimong media agency ang Rappler, batay sa …
Read More »Duterte sa US: PH ‘wag kaladkarin sa giyera
HINDI papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kaladkarin ang Filipinas sa pakikidigma ng Amerika sa ibang bansa. “I am putting a notice: No more deployment of Filipino troops. Never, never again,” ayon sa Pangulo sa media interview kahapon matapos bumisita sa Sara, Iloilo sa burol ni Joanna Demafelis, ang Filipina OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait. Inilitanya ng Pangulo …
Read More »Journalist hinarang sa Palasyo (NUJP umalma)
KINOMPIRMA ni Communications Undersecretary for Media Relations Mia Reyes na ban sa presidential coverage si Rappler reporter Pia Ranada. Sa chance interview sa Palasyo kahapon, sinabi ni Reyes na nakatanggap sila ng direktiba mula sa Presidential Security Group (PSG) na hindi na maaaring papasukin si Ranada sa Malacañang at iba pang presidential engagements sa labas ng Palasyo. Tumanggi si Reyes …
Read More »People Power vs Duterte suntok sa buwan (Sa frigate deal)
NANANAGINIP ang oposisyon sa pag-aakalang makapagmomobilisa sila ng people power upang mapabagsak ang administrasyong Duterte at sila ang maluluklok sa Palasyo sa pagdawit kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa P15.7-B Philippine Navy frigate project. “Well, iyong mga kritiko, iyong mga hindi makapag-antay po. Iyong mga nananaginip ng another people power para makaupo iyong kanilang gustong maging …
Read More »SAP Bong Go sa frigate project koryente — Roque
“NAKORYENTE” ang nagsangkot kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa multi-bilyong frigate project. Ito ang mabubunyag ngayong araw sa pagdinig sa Senado hinggil sa frigate project, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Asahan na bukas ay lalabas at lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay koryente, o pekeng balita na pilit na iniuugnay sa administrasyon,” …
Read More »Palasyo ‘tahimik’ sa pag-aresto kay Quiboloy
KUNG gaano kaingay ang Palasyo sa mga kalaban sa politika, nakabibinging katahimikan ang umiral sa kaso nang pagdakip sa Hawaii sa kaalyadong si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Quiboloy. Sinabi ng isang Palace source, matagal nang hindi nag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Quiboloy. Sa ulat sinabing dinakip si Quiboloy at lima pang kasamahan habang sakay sa private plane …
Read More »INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the President for OFWs concerns. Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero 2018 hanggang 29 Enero 29, 2019. Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC. Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo …
Read More »Kahit kaluluwa isasanla ni Digong kay Satanas (Para sa OFWs)
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbili ang kaluluwa sa demonyo upang masuportahan ang mga babalik na overseas Filipino workers (OFWs) na naranasan ang impiyerno sa kamay ng mga among Kuwaiti. Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na hindi kaya ng kanyang sikmura na hayaan lang na magpatuloy …
Read More »Valdez, La Viña sibak sa SSS
NAGPASYA si Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang serbisyo nina Jose Gabriel M. La Viña at Amado D. Valdez bilang Commissioners ng Social Security System (SSS). “Now, let me announce too that the Executive Secretary has formally informed Mr. Jose Gabriel M. La Viña (Pompee), as well as Mr. Amado D. Valdez that their term of office, both of which …
Read More »Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)
NAGBABALA ang NFA Council sa mga pribadong negosyante na maaari silang maharap sa kasong economic sabotage sa pagtatago ng bigas. Sa ipinatawag na press briefing sa Malacañang ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, sinabi niyang may hinala silang nagkaroon ng “hoarding” o pagtatago ng bigas sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader. “Can you sleep at night when a …
Read More »