HINAYAAN ng Palasyo na mabasa sa malakas na bugso ng ulan ang halos 100 mag-aaral na pinahilera sa kalye para salubungin si Singapore President Hamilah Yacob habang papasok sa Malacañang kahapon. Nabatid ang mga mag-aaral ay mula sa Pio del Pilar Elementary School sa Pureza St., Sta. Mesa, Maynila at Dr. Celedonio Salvador Elementary School sa Paco, Maynila. Bago dumating …
Read More »Isyung ASF sa baboy ipinagkatiwala ng Palasyo sa DA
TIWALA ang Palasyo sa kakayahan ng Department of Agriculture (DA) na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pagkain ng karne ng baboy. Tugon ito ng Malacañang kausnod ng resulta ng laboratory test na positibo sa African swine fever (ASF) ang ilang sampol ng karne ng baboy mula sa lalawigan ng Rizal. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hintayin muna ang …
Read More »Faeldon sinibak sa tigas ng ulo hindi dahil sa korupsiyon
INILINAW ng Palasyo na sinibak si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa pagsuway sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi sa isyu ng korupsiyon. “The President fired him because of not following his order. In other words, sinasabi niya sa tao na pina-fire ko ‘yan dahil hindi niya ako sinunod, hindi dahil sa corruption. ‘Yun …
Read More »2,000 ‘laya’ sa GCTA ‘panganib’ sa lipunan — Palasyo
ITINUTURING ng Palasyo na banta sa lipunan ang halos 2,000 convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit hindi alintana ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondong halos P2 bilyon para maibalik sila sa New Bilibid Prison (NBP). Sa press briefing kahapon, inihayag ni Panelo …
Read More »Meeting ni Panelo sa Sanchez family, not once, but twice
DALAWANG beses binisita ng pamilya ni convicted rapist-killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Malacañang noong nakalipas na Pebrero. Ito ang nakasaad sa logbook ng security guard sa New Executive Building sa Malacañang Complex na kinaroroonan ng Office of the Presidential Spokesman. Nakatala sa logbook, unang nagpunta si Elvira Sanchez sa opisina ni Panelo …
Read More »Faeldon sinibak ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kontrobersiyal na pagpirma sa release order ni convicted rapist killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa pagpapalaya ng BuCor sa 1,700 convicted criminals alinsunod umano sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law maging ang komite na humahawak …
Read More »Balik-Bilibid ng GCTA hindi ilegal — Palasyo
WALANG malalabag na batas kapag ibinalik sa kulungan ang convicted criminals na pinalaya batay sa good conduct time allowance. Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil kung hindi aniya kalipikado sa probisyong nakasaad sa Republic Act 10592 o GCTA ang pinalayang bilanggo ay puwede siyang ibalik sa kulungan. Bahala na aniya ang Department of Justice at Bureau of …
Read More »Tiwala ng pangulo kay Faeldon tiniyak ni Panelo
KOMPIYANSA pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faledon kahit sumingaw ang paglaya ng apat na convicted drug lords at muntik na paglaya ni convicted murderer-rapist at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. “E, hangga’t hindi nagsasalita si Presidente, the presumption is he still have the trust and confidence,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo. …
Read More »Gas exploration sa WPS kailangan nang talakayin
BEIJING – Isang urgent matter ang energy security ng Filipinas para kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang binigyang diin ni Philippine Amba-ssador to China, Jose Santiago Sta. Romana sa gitna ng napipintong pagtalakay nina Duterte at Chinese President Xi Jinping tungkol sa ma-giging hatian sa joint gas exploration sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Sta. Roma-na, running …
Read More »Naunang forecast ni Digong pabor sa Italy hamon sa Gilas Filipinas (Duterte, Jinping ‘buddies’ sa FIBA ngayong gabi)
BEIJING – Gawin ang lahat ng makakaya para manalo. Ito ang mensaheng ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa team Gilas Pilipinas kaugnay ng kanilang laban sa koponan ng Italy bukas sa Guanzhou, Guangdong Province. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magsilbing hamon sa Team Gilas ang unang naging pahayag ng Presidente na matatalo ng Italy ang ating koponan. …
Read More »Ayon kay BoC chief Guerrero: Smuggling wawakasan ng Duterte gov’t
SERYOSO ang administrasyong Duterte na masawata ang smuggling lalo ang pagpupuslit ng illegal drugs sa Filipinas mula sa China. Sa isang chance interview kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa NAIA Terminal 1 bago tumulak sa Beijing kahapon, sinabi niyang pipirmahan nila ng kanyang counterpart sa China ang isang memorandum of agreement na magtatakda ng pre-shipment inspection sa lahat ng …
Read More »Sa pulong nina Digong at Nur: GRP-MNLF peace coordinating committee binuo
NAGING produktibo ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, napagkasunduan na magtatayo ng isang GRP-MNLF Coordinating Committee upang magsilbing daan para makamit ang kagyat na kapayapaan sa Sulu. Layon nito ang pagtutulungan sa pagsugpo sa Abu Sayyaf Group at kombinsihin …
Read More »Anti-subversion law bubuhayin kontra kilusang komunista (Padron sa Malaysia)
PABOR ang Palasyo na gayahin ang “Malaysian experience” para supilin ang kilusang komunista sa Filipinas. Sa press briefing sa Palasyo kamakailan, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na kinakatigan niya ang panukalang buhayin ang Republic Act 1700 o ang Anti-Subversion Law upang maging ang mga kilalang prente ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay …
Read More »Kaysa mabokya sa WPS… 60-40 sa mineral at yamang dagat pabor sa RP — Digong
ANG pagbabahagi sa China ng mga mineral at yamang dagat sa exclusive economic zone ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang nakikitang mapayapang paraan sa isyung teritoryal ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa Romblon kagabi, sinabi ng Pangulo, ang panukalang hatian na 60-40 pabor sa Filipinas ay isang “good start” para sa paggigiit ng arbitral ruling sa China. …
Read More »Duterte nagbabala sa pasaway na foreign vessels
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng gobyerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters. “To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority …
Read More »Autopsy sa casualty ng police ops pabor sa Palasyo
HINDI hahadlangan ng Palasyo ang panukala ni Senador Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa at hindi makikiaalam ang ehekutibo sa …
Read More »Palasyo duda na sa nakaiiritang ‘Friendship’ ng China
HINDI gawain ng isang kaibigan ang paulit-ulit na pagdaan ng Chinese Navy sa Sibutu Strait nang walang pahintulot ang Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawa ng China. Ani Panelo, maaaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa …
Read More »2 Cabinet members nakasalang sa PACC
DALAWANG miyembro ng gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa katiwalian. Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, matatapos sa Oktubre ang kanilang pagsisiyasat sa dalawang cabinet members na hindi niya pinangalanan. Isusumite aniya ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon at kung kinakailangan ay irerekomenda nila sa Ombudsman na sampahan ng …
Read More »Hong Kong iwasan muna — Palasyo
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hong Kong dahil sa nagaganap na kilos-protesta roon. “Kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yong flight mo biglang naka-cancel. E ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to …
Read More »P200 bawas sa 200 kW konsumo ng koryente (RA 11371 nilagdaan ni Digong)
AABOT sa halos P200 ang mababawas sa buwanang bill ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act. Batay sa bagong batas, mababawasan ang singil sa koryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng …
Read More »Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa
HINDI mapipigilan ng presensiya ng mga pulis sa mga eskuwelahan ang pagrerekrut ng mga bagong miyembro ng mga makakaliwang grupo. Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglaganap ng krimen ang puwedeng maiwasan sa pagkakaroon ng mga pulis sa mga paaralan pero ang recruitment ng leftist groups ay hindi dahil lihim ang pangangalap ng kanilang kasapian. “Ang presence ng …
Read More »‘Regalo’ sa pulis kung hindi suhol okey lang — Palasyo
NANINDIGAN ang Palasyo na walang masama sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis gaya ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, eksempsiyon sa anti-graft provision ng Republic Act No. 3019 kung ang isang regalo ay kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol kundi bilang isang token …
Read More »‘Pagmaltrato ng amo sa 27-anyos Chinese nat’l pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP (Patay nang mahulog mula 6/F)
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang kaso ng namatay na 27-anyos Chinese national na nahulog sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Pamplona Dos sa Las Piñas City noong Biyernes. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakababahala ang naturang ulat lalo’t nakaposas pa umano ang biktimang si Yang Kang. Pinatutugis ng Pangulo …
Read More »Sakripisyo sa ikabubuti ng marami mensahe ni Duterte sa Eid’l Adha
UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawa ng personal na sakripisyo ang publiko para sa ikabubuti ng mas nakararami. Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Eid’l Adha o ‘Festival of Sacrifice,’ sinabi ng Pangulo, ang malalim na pananampalataya ang pagkukusa ni Ibrahim (Abraham) na ialay ang buhay ng kaniyang anak na lalaki para sundin ang kautusan si Allah. Ang Eid’l Adha ay …
Read More »Malasakit Center sa Naga City pinasinayaan ni Sen. Bong Go
WALANG kulay politika ang pagbibigay serbisyo ng administrasyong Duterte sa mga Filipino. Ito ang pinatunayan ni Sen. Christopher “Bong” Go nang magtungo sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa para pasinayaan ang Malasakit Center sa Bicol Medical Center. Ang Naga City ang hometown ni Vice President Leni Robredo. Sinalubong si Go ng mga Bicolano na tuwang-tuwa sa pagtatag ng Malasakit Center …
Read More »