MASAMA ang loob ni Presidential Spokesman Harry Roque sa maagang paglaya kahapon ni US serviceman Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Filipino transgender Jennifer Laude noong 2014. Si Roque ang dating private prosecutor sa kontrobersiyal na kaso ng pagpaslang ni Pemberton kay Laude na yumanig sa relasyon ng Filipinas sa Amerika. “As former Private Prosecutor for the Laude …
Read More »RevGov ‘di ibinabasura ni Duterte
HINDI ibinabasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na revolutionary government ng kanyang mga tagasuporta taliwas sa una niyang pahayag na wala siyang kinalaman sa nasabing grupo. Ang nais ni Pangulong Duterte ay talakayin ito sa publiko lalo sa hanay ng military. Gusto ng Pangulong malaman ang opinyon ng militar sa usapin ng revolutionary government at kung ayaw nila’y ipaliwanag …
Read More »Aeta pinakain ng ebak ng militar (Iniimbestigahan ng CHR)
INIIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga alegasyon na minaltrato ng ilang sundalo ang mga miyembro ng komunidad ng Aeta at pinakain ng dumi ng tao. Inihayag ng CHR ang pagkabahala sa isang kalatas kahapon. Iniulat ng grupong Umahon para sa Repormang Agraryo sa CHR kamakalawa na ilang kagawad ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa San …
Read More »Gierran bagong PhilHelath chief
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pulong kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Disease (IATF-MEID) kagabi. Pinalitan ni Gierran si retired Army general Ricardo Morales na nagbitiw …
Read More »Duterte tuliro sa terorismo
HALOS dalawang taon na lang ang natitira sa kanyang termino ay hindi pa rin maarok ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano tutuldukan ang terorismo. Ibinunyag ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon. Inihayag ng Pangulo na tuliro pa rin siya kung paano lulutasin ang problema sa terorismo at insurgency sa bansa. “May dalawang taon …
Read More »Duterte nakiramay sa inulila ng kambal na pagsabog sa Sulu
BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang mga naulilang pamilya sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan. “This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor. He is expected back in Manila tonight,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa …
Read More »Mega web of corruption: IBC-13 workers tablado sa 3k wage hike
ni ROSE NOVENARIO TINABLA ng Board of Directors ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ang ipinangakong P3,000 umento sa sahod ng mga manggagawa ng management. Nabatid sa liham ng IBC Employees Union (IBCEU) kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, 28 Agosto, na ikinatuwiran ng BOD sa pagbasura sa hirit nilang P3,000 wage hike, na tanging Pangulo ng Filipinas ang puwedeng …
Read More »Duterte kay Robredo: Galit ng tao sa pandemic, huwag gatungan
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na huwag gatungan ang galit ng tao sa panahon ng pandemya. Sa kanyang televised public address kahapon, sinabi ng Pangulo na walang mabilis na solusyon sa mga problema ng bansa kahit mamatay pa siya kinabukasan kaya hindi dapat ginagatungan ni Robredo ang sambayanan na nahihirapan sa panahon ng pandemya …
Read More »Sakit ni Duterte inaming lumalala
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may abiso ang kanyang doktor na patungo na sa stage one cancer ang sakit niyang Barrett’s esophagus. Sinabi ng Pangulo na pinayohan siya ng kanyang doktor na itigil ang pag-inom ng alak upang maiwasang lumubha ang kanyang sakit. “May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng …
Read More »Alyado itinatwa ni Duterte (May selective amnesia?)
MISTULANG nagkaroon ng ‘selective amnesia’ kamakalawa ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte nang itatwa ang mga kaalyadong tumulong sa kanya noong 2016 presidential elections dahil sa kasalukuyang isinusulong na revolutionary government. Sa kanyang public address na iniere kahapon ng umaga, tahasang nilaglag ng Pangulo ang kanyang masusugid na kaalyado matapos pangunahan ang inisyatiba sa pagtatatag ng revolutionary government para maikasa …
Read More »Oligarchs ‘hinoldap’ sa ere ni Roque
HINDI nakapalag ang dalawang tinaguriang ‘oligarch’ ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ‘holdapin’ sila para magbigay ng dagdag na linya ng komunikasyon sa One Hospital Command Center habang naka-ere sa virtual Palace press briefing kahapon. Unang tinawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa telepono habang naka-live broadcast ang virtual Palace press briefing ang may-ari ng Globe Telecom Inc., na si Fernando …
Read More »Pagbomba sa Jolo kinondena ng Palasyo
MAIGTING na pagkondena ang inihayag ng Palasyo sa dalawang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon na ikinasawi ng pitong sundalo, apat na sibilyan, at isang pinaghihinalaang suicide bomber; at pagkakasugat ng 40 katao. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikisimpatya ang Malacañang sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa trahedya. “We condemn in the strongest possible terms the …
Read More »P700-M sa SAP ‘inagaw’ sa 87,500 pamilyang dukha ng FSPs
AABOT sa P700 milyon ang suwabeng kikitain ng financial service providers (FSPs) na kinontrata ng administrasyong Duterte para mamahagi ng ikalawang yugto ng ayudang pinansiyal para sa 14 milyong pamilya sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ang P700 milyon kabuuang matatapyas sa SAP na mapupunta sa FSP ay mula sa P50 kaltas sa bawat P8,000 ayuda sa isang pamilya. …
Read More »Titser, pinapatay sa gutom ng gobyerno — ACT Private Schools
NAKALUGMOK na sa hirap at gutom ang daan-daang libong mga guro sa mga pribadong paraalan dahil sa limang buwang nararanasang CoVid-19 pandemic ay wala silang natatanggap na ayuda ni isang kusing mula sa gobyerno. Hinagpis ito ng Alliance of Concerned Teachers – Private Schools sa kalatas kahapon nang mabatid na P300 milyon lamang ang ipinanukala ng Kongreso na ilaan sa …
Read More »Revo gov’t ibinasura ng Palasyo
ni ROSE NOVENARIO IBINASURA ng Palasyo ang panawagang magtatag ng isang revolutionary government ng isang grupong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat manggaling sa pagnanais ng publiko na magtatag ng revolutionary government at hindi mula sa isang pangkat lamang. Nagdaos ng pulong noong nakaraang Huwebes sa Pampanga ang ilang kasapi ng Mayor …
Read More »Panawagan ng Pamalakaya: Hustisya at reporma, para makamtan, Duterte resign
MAKAKAMIT lamang ang hustisya at reporma sa bansa kapag nagbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte at palitan ng lider na may respeto sa demokrasya at may kakayahang tugunan ang mga hamon ng coronavirus disease (CoVid-19) pandemic. Panawagan ito ng militanteng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), isa sa mga grupong lumahok sa paggunita kahapon ng Global Day …
Read More »Takeover sa hotels, dormitories isusulong (Para sa quarantine at isolation facilities)
SASAKUPIN ng gobyerno ang mga hotel at dormitory sa bansa para gawing quarantine at isolation facilities upang matugunan ang kakulangan ng pasilidad sa patuloy na paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa bansa. Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na kulang ang mga itinakdang We Heal As One centers at Ligtas Centers ng mga lokal na pamahalaan at maging ang mga …
Read More »Mega web of corruption: Mula sa P214-M, DepED project sa IBC-13 libre na?
ni Rose Novenario NADAGDAG sa mga misteryo sa state-owned Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ang biglang paglalaho ng planong P214-milyong kontrata sa Department of Education (DepED) para maging “DepEd Official Channel” sa isinusulong na broadcast-based mode of learning. Sa pulong kamakailan, sinabi umano ni Corazon Reboroso, Officer-In-Charge ng IBC-13, sa mga opisyal ng IBC Employees Union, na naunsyami ang P214-milyong proposal …
Read More »Duterte todo-tiwala pa rin kay Sec. Duque (‘Godfather’ man ng PhilHealth mafia)
TINAGURIAN man si Health Secretary Francisco Duque III bilang ‘Godfather’ ng mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng whistleblower sa pagdinig sa Senado, may tiwala pa rin sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan na sibakin ang Health Secretary at pagkabulgar ng umano’y multi-bilyong anomalya sa PhilHealth na bahagi …
Read More »Libreng CoVid-19 test sa obrero aprub kay Duterte
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga employer na magsagawa ng libreng CoVid-19 test sa kanilang mga empleyado lalo ang mga may “vulnerable condition” o madaling mahawaan ng sakit. “It could be a private or public establishment or area. But the employers, ‘yung mga amo, are highly encouraged to send their employees for testing at no cost to the employees,” …
Read More »Sputnik V ng Russia, Sino vaccine hindi libre – Duterte (Uutangin ng PH)
UUTANGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bakuna laban sa CoVid-19 sa mga ‘kaibigan’ niyang sina Russian President Valdimir Putin at Chinese President Xi Jinping. Nagpasalamat si Duterte sa China at Russia sa alok na unahin ang Filipinas sa pagkakalooban nila ng COVID-vaccine ngunit kung hindi abot-kaya ang presyo ay uutangin ng Filipinas at babayaran nang hulugan o installment basis. “Bibilhin …
Read More »27.3 milyong jobless sanhi ng COVID-19, ‘ikinatuwa’ ng Palasyo
DAPAT ikatuwa kaysa ikalungkot ng publiko ang resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na 45.5 porsiyento o 27.3 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong nakalipas na buwan. “Ako po ay nagagalak na hindi tayo 100 percent nawalan ng trabaho kasi sa tagal po na naka-lockdown tayo, talagang I’m still surprised at our resilience at 45 percent pa lang …
Read More »NCR, 3 probinsiya inilagay sa GCQ (Mula sa MECQ)
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ). Inihayag ito ng Pangulo kagabi sa kanyang public address sa Davao City. Aniya, ipatutupad sa buong bansa ang modified GCQ maliban sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, …
Read More »Mega web of corruption: P911-M real properties ng IBC-13, ‘nalusaw’ sa ‘midnight deal’
ni Rose Novenario BAGO nagwakas ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2016 ay may ‘nilutong’ midnight deal na nagresulta sa pagkawala ng P911-milyong real properties na pagmamay-ari ng sequestered at state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Broadcast City sa Capitol Hills, Diliman, Quezon City. Opisyal na natapos ang administrasyong Aquino noong 30 Hunyo 2016. Nabatid sa 2016 …
Read More »Duterte nasa ‘perpetual’ isolation — Palasyo ( 6-feet away sa publiko)
INAMIN ng Palasyo na nasa ‘perpetual isolation’ si Pangulong Rodrigo Duterte at hanggang anim na talampakan ang layo sa mga tao na puwedeng makasalamuha niya. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na regular na sumasailalim sa polymerase chain reaction tests para matiyak na ligtas sa CoVid-19 ang Pangulo. Ani Roque, nagagampan nang maayos ng Presidential Security Group (PSG) ang kanilang …
Read More »