Thursday , November 21 2024

Rose Novenario

Makabayan bloc nais ‘pilayan’ sa Kongreso

NANINIWALA ang  Makabayan bloc na ang tahasang red-tagging na ginawa sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may layuning pilayan sila upang patahimikin sa aktibong papel bilang mga mambabatas sa Kongreso. “Pilit kaming pinipilayan to silence us especially in our active role bilang mga mambabatas sa loob ng Kongreso,” pahayag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos …

Read More »

Lt. Gen. Parlade kinampihan ng Presidente (Sa red-tagging vs celebrities)

BINIGYANG katuwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang red-tagging na ginawa ni Southern Luzon Command (Solcom) chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., laban sa female celebrities kamakailan. Iniugnay ng Pangulo ang babala ni Parlade sa pagkamatay ng umano’y medic ng New People’s Army (NPA) na si Jevilyn Cullamat, bunsong anak ni …

Read More »

Makabayan solon, binastos, minaliit ni Duterte (Kabaro sa propesyon)

KUNG nabahag ang buntot sa pagtukoy sa mga kongresistang isinabit sa korupsiyon, ‘bumula’ naman ang bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglapastangan sa isang Makabayan solon kagabi. Galit na tinawag ni Pangulong Duterte na parang ‘tae ng aso’ si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa kanyang public address kagabi. Pinagbantaan din ng Punong Ehekutibo si Zarate na mag-ingat. “Alam …

Read More »

Anak ng Bayan Muna solon, patay sa military encounter

“MAKATUWIRAN ang kanyang ipinaglalaban, Pahayag ito ni Bayan Muna Rep. Eufemina Cullamat sa pagkamatay ng kanyang 22-anyos anak na sinabing miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang military encounter sa Barangay San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur. “Naniniwala ako na makatuwiran ang kaniyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga lumad at …

Read More »

Tripartite agreement sa pagbili ng CoVid-19 vaccine sa UK, lalagdaan ngayon  

PIPIRMAHAN ngayon ang tripartite agreement para sa pagbili ng Filipinas ng bakuna kontra CoVid-19 sa AstraZeneca sa United Kingdom. Sinabi ni National Task Force Against CoVid-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ang kasunduan ay para sa inisyal na pagbili ng dalawang milyong doses ng bakuna. “This coming Friday pipirma po tayo ng tripartite agreement na kung saan …

Read More »

Ex-PGMA may bagong puwesto sa Duterte admin  

HINDI natuloy ang pagreretiro ni dating Pangulo at dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa public service dahil tinanggap niya ang bagong puwesto sa administrasyong Duterte na may “kompensasyon na piso sa loob ng isang taon.” Nanumpa kahapon si Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Flagship Programs and Projects at pangunahing tungkulin niya ang tulungan ang administrasyon na magplano at ipatupad ang …

Read More »

Digong, forever sexist, misogynist (Hindi na magbabago)

“YOU can’t teach an old dog new tricks.” Ito ang kasabihan na angkop kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil aminado ang Palasyo, sa edad niyang 75 anyos ay hindi na mababago ang hilig niyang magpakawala ng ‘green jokes.’ Nagpaalala ang Commission on Human Rights (CHR) kay Pangulong Duterte na itigil ang pagiging “sexist at misogynistic” at kinondena ang pagturing na normal …

Read More »

Solons na sabit sa korupsiyon walang isang dosena – Palasyo

WALA pang isang dosena ang mga kongresista na sangkot sa katiwalian, sabi ng Palasyo. Gaya ng kanyang among si Pangulong Rodrigo Duterte, ayaw rin pangalanan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica ang ‘less than 12’ na kongresista. “‘Yung exact number is less than 12 ang alam ko na na-submit sa Pangulo na nakita namin after validation. Kailangan maimbestigahan …

Read More »

Bakuna kontra CoViD-19, ‘bitin’ sa Duterte admin (Para sa 60-M Pinoy)

HINDI kayang tapusin ng administrasyong Duterte hanggang magwakas ang termino sa 30 Hunyo 2022 ang target na pagbabakuna sa 60 milyong Filipino kontra CoVid-19. Inamin ni National Task Force against CoVid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna sa target na 60 milyong Filipino. Ayon kay …

Read More »

Digong buntot ‘nabahag’ vs solons na corrupt

 KUNG gaano kabagsik sa pagbabanta at binabasa pa ang pangalan ng mga pangkaraniwang empleyado na umano’y sangkot sa korupsiyon, tila nabahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na idinadawit sa katiwalian sa mga proyekto sa kanilang distrito. Sinabi ng Pangulo sa kanyang pre-recorded public address kamakalawa ng gabi, isinumite sa kanya ni Presidential Anti Crime Commission (PACC) …

Read More »

4-taon drug war ni Duterte may 1k kaso kada araw

MISTULANG bumalik sa 2016 o noong kauupo pa lang sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ‘retorika’ ang isinusulong niyang drug war. Kamakalawa ng gabi, tulad ng inaasahan tumirada ng kanyang ‘retorika’ at  muling binatikos ni Duterte ang human rights advocates na kritiko ng extrajudicial killings resulta ng kanyang drug war. Hinimok ng Pangulo ang human rights advocates na …

Read More »

$25 kada Pinoy para sa CoViD-19 vaccine — Palasyo (Sa target na herd immunity)

MAGLALAAN ang administrasyong Duterte ng 25 dolyar o mahigit P1,000 kada Pinoy para mabakunahan kontra CoVid-19. Inihayag ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa recorded televised Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases meeting kagabi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Dominguez, target ng gobyernong mabakunahan ang 60 milyon sa mahigit 110 milyong populasyon ng Filipinas at tinatayang …

Read More »

Deployment ban sa Pinoy health workers tinanggal  

OFW

 PUWEDE na muling magtrabaho sa ibang bansa ang Pinoy health workers matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa medical professionals. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque kay Pangulong Duterte na may sapat na health workers sa Filipinas upang tugunan ang CoVid-19 pandemic. “Noong ini-request po ‘yan ng DOLE (Department of …

Read More »

Permiso ng DepEd sa red-tagging forum kinuwestiyon

KINUWESTIYON ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagpapahintulot ng Department of Education (DepEd) na idaos sa 16 divisions sa National Capital Region (NCR) ang isang red-tagging forum na pangungunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa gitna ng pandemya at kalamidad. “The Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines assailed an upcoming orientation for ‘Parents and Teachers on the Youth …

Read More »

VP Robredo ‘di nag-C-130 patungong Catanduanes (Panelo nakoryente)

NAKORYENTE si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag na sumakay sa C-130 plane si Vice President Leni Robredo para mamigay ng relief good sa Catanduanes kamakailan. Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay humingi ng paumanhin kay Robredo dahil sa maling ulat na sumakay siya ng C-130 plane ng Philippine Air Force patungong Catanduanes. Nauna nang tinawag ni …

Read More »

Luzon-wide state of calamity, idineklara ng Pangulo

Duterte face mask

ISINAILALIM  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ilalim ng state of calamity ay iiral ang automatic price freeze ng basic commodities at bawat ahensiya ay ipatutupad ang Price Act, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Department of Agriculture: rice, corn, cooking oil, …

Read More »

UP umalma sa red-tagging ni Duterte

UMALMA ang University of the Philippines (UP) community sa red-tagging na ginawa laban sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi. Inakusahan ni Pangulong Duterte na walang ginawa kundi mag-recruit ng mga komunista kaya binantaan niyang tatanggalan ng pondo. Sinabi ni Anakbayan UP Diliman Spokesperson Ajay Lagrimas, inilantad ni Pangulong Duterte ang sarili bilang pasista at walang intensiyon na …

Read More »

Makupad na tulong sa kalamidad itinuro sa Ombudsman

ombudsman

BINIGYAN katuwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabagal na pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga lugar na nasalanta ng kala­midad. Ayon sa Pangulo, takot makasuhan sa Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan kaya kailangan munang hintayin ang assessment sa pinsala ng kalamidad bago maglabas ng pera. “Istorya lang ‘yan, actually. Kailan pa ba — kailan pa ba na ito …

Read More »

Atenista babagsak kayo — Palasyo (Sa strike vs criminally neglectful response ng nat’l gov’t)

NAGBABALA ang Palasyo sa mga estudyante ng Ateneo de Manila University na babagsak ngayong school year kapag itinuloy ang panawagang mass student strike laban sa criminally neglectful response ng national government sa tatlong magkakasunod na bagyo at CoVid-19 pandemic sa pangkalahatan. Sa isang kalatas, nangako ang mga estudyante ng Ateneo na simula sa 18 Nobyembre 2020 ay hindi sila magsusumite …

Read More »

Doktor, PSG itinuro ni Duterte

HINDI pinapayagan ng kanyang mga doctor at security na lumabas sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi siya mahagilap sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo. Nag-viral muli sa social media ang hashtag #NasaanAngPangulo habang binabayo ng bagyong Ulysses, at lubog sa baha at landslide ang iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon. “There are those who say that we’re not …

Read More »

PH mangungutang ng $300-M pambili ng CoVid-19 vaccine

MANGUNGUTANG ng $300 milyon ang administrasyong Duterte para ipambili ng bakuna laban sa CoVid-19. Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. “Nandito na ang bakuna. So it’s being sold. Iyong iba sa —- I don’t know, it would be not good to assume that there’s a black market for that. But Sonny says that …

Read More »

Palasyo tutok kay Ulysses

bagyo

TINUTUTUKAN nang husto ng Palasyo ang galaw ng bagyong Ulysses at sinuspende ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa public shools sa Regions II, CALABARZON, MIMAROPA IV, Cordillera Administrative Region at National Capital Region simula kahapon 3:00 pm hanggang ngayong araw. Ang desisyon ng Malacañang ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management …

Read More »

US president-elect Joe Biden binati ni Digong Duterte

NAGPAABOT ng mainit na pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Vice President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., sa pagkahalal na bagong pangulo ng Estados Unidos. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States …

Read More »

‘Online’ selling ng shabu, fraud sa socmed ‘yari’ sa Kamara

NAGING talamak ang paggamit ng social media sa transaksiyon ng illegal drugs sa bansa sa panahon ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19) upang hindi masilat ang kanilang ‘epektos’ sa mga nagkalat na checkpoint sa buong bansa. Ito ang nakarating na impormasyon sa Kongreso kaya nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tumataas na kaso ng panlolokong online kasama ang pagbebenta ng illegal drugs. …

Read More »