Tuesday , December 24 2024

Rose Novenario

Palasyo kaisa sa pagbubunyi sa Gilas Pilipinas

NAKIKIISA ang administrasyong Aquino sa sambayanang Filipino sa pagbubunyi sa Gilas Pilpinas sa pagsungkit sa silver medal sa katatapos na 2015 FIBA Asia championship sa Changsa, China. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa kabuuan ng kanilang paglalaro, ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang tapang at determinasyon, at hinarap nila ang lahat ng mga pagsubok. “Hindi sila nagpatinag at …

Read More »

PH history ok tanggalin sa high school — Aquino (‘Misteryo’ ni Ysidra Cojuangco ibabaon na sa limot)

WALANG pagtutol ang Palasyo kahit hindi ituro ang Philippine History sa high school sa kabila nang pagkabahala ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa kakapusan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysasayan  ng Filipinas. Ito ang nabatid makaraang magpulong sina Pangulong Aquino at Education Secretary Armin Lusitro kamaka-lawa at sabihin sa Punong Ehekutibo na sa elementary na lang ituturo ang …

Read More »

Erap, Makabayan bloc alyado sa eleksiyon 2016? (Pinatalsik noong 2001)

MAY alyansa bang namamagitan sa tinaguriang Makabayan Bloc at sa pinatalsik nilang pangulo na convicted sa kasong plunder noong 2001 para sa tiyak na panalo ng kandidatong senador sa 2016?! Sa katanungang ito, tumanggi si Satur Ocampo na mayroong alyansa ang Makabayan Bloc kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Aniya, “Wala kaming formal alliance kay Erap. Inimbita siya para magsalita …

Read More »

PNoy naalarma, DepED pinakikilos sa history class (‘Mabini nakaupo lang sa Heneral Luna’)

UUTUSAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Education Secretary Armin Luistro na ‘ayusin’ ang kakapusan sa kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan ng Filipinas. Ito ang sinabi ng Pangulo makaraang maikuwento sa kanya ang komento ng ilang netizens sa hindi pagtayo ng aktor na si Epy Quizon bilang Apolinario Mabini sa pelikulang Heneral Luna. “Aminin ko po, ‘di ko pa …

Read More »

VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na nagtatamasa ng special treatment ang Reyes brothers sa Puerto Princesa jail. “The DoJ (Department of Justice) and the DILG (Department of Interior and Local Government) are looking into this matter and will take the necessary action, including the possible filing of appropriate cases against those involved,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Binigyang …

Read More »

Lumad Killings ayaw ipaurirat ni PNoy sa UN Special Rapporteurs

HUWAG kayong manghimasok sa isyu ng Lumad killings. Ito ang buwelta ng Palasyo pahayag ng dalawang United Nations special rapporteurs na humihimok sa administrasyong Aquino na imbestigahan ang mga insidente nang pagpatay sa human rights activists at Lumad sa Mindanao. “The PHL needs to undertake its own internal processes to look into the incident in Surigao. It is best to …

Read More »

NPA itinuro sa kidnapping ng 3 turista, Pinay sa Samal Is.

DAVAO CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagdukot sa tatlong dayuhan at isang Filipina dakong 11:30 p.m. sa Yatch Club sa Holiday Ocean View Park sa Camudmud, Island Garden City of Samal. Ito’y makaraang maka-recover ng sulat kahapon dakong 4 a.m. ang security guard na si Alfie Monoy sa bahagi ng gate, …

Read More »

Roxas iniwanan si Binay sa SWS Poll

PUMAILANLANG sa pangalawang puwesto si Mar Roxas, pambato ng Aquino administration, sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula  Setyembre 2 hanggang Setyembre 6. May sample size na 1,200 respondents ang survey at may margin of error na 3% ang mga resulta sa national at 6% sa mga lokal na area. Lumalabas na umakyat mula 21% ang …

Read More »

Aresto sa Reyes bros welcome sa Palasyo

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkadakip ng Interpol-Manila kamakalawa ng gabi sa magkapatid na sina Joel at Mario Reyes sa Phuket, Thailand, na wanted sa kasong pagpatay  kay environmentalist-broadcaster Gerry Ortega. Nagpasalamat ang Malacañang sa pamahalaan ng Thailand sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Filipinas para madakip ang Reyes brothers. “We thank the cooperation and assistance of the Thailand government in …

Read More »

Ika-43 taon ng Batas Militar ginunita

NAKIKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipino sa paggunita ngayon sa ika-43 taon nang ipataw ang batas na maituturing na isa sa pinakamadalim na bahagi ng ating kasaysayan. “Nakikiisa ang pamahalaan sa buong sambayanan sa pag-alala at pagpaparangal sa sakripisyo at pagpapakasakit ng mga biktima ng batas militar,” ani Coloma. Aniya,buong tapang nilang hinarap ang panganib at pagpapahirap, at marami sa …

Read More »

CSC may bagong chairperson

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si Alicia dela Rosa-Bala bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission (CSC), na may termino hanggang Pebrero 2022. Ang nominasyon ni Bala ay isinumite na sa Commission on Appointments para sa kompirmasyon . Pinalitan ni Bala si Francisco Duque III. Si Bala ay naging deputy secretary general ng ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia at …

Read More »

Robredo: Poe ‘di kwalipikado pagka-Filipino tinalikuran

“PARA sa akin hindi legal ‘yung question, ‘yung sa akin, mas loyalty to country.” Ito ang pahayag ni Camarines Sur Representative Leni Robredo nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa isyu ng citizenship ni Senador Grace Poe. Isa si Poe sa mga nababalitang tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa 2016, bagama’t wala pang deretsong pahayag na kakandidato pero tuloy-tuloy ang …

Read More »

KKK ni PNoy papalit kay Mar sa DILG

ISA na namang mula sa KKK (kaibigan, kaklase at kabarilan) ni Pangulong Benigno Aquino III ang nakasungkit ng cabinet position sa kanyang administrasyon. Inihayag kahapon ni Pangulong Aquino na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang papalit kay Mar Roxas bilang Interior Secretary. Si Sarmiento ang secretary general ng Liberal party (LP), malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino, at …

Read More »

PNoy nabihag din ng Aldub

MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay aminadong ‘nabihag’ na rin siya ng sikat na kalyeserye sa Eat Bulaga na “AlDub.” Inamin ni Pangulong Aquino sa Philippine Daily Inquirer forum kahapon na minsan na niyang napanood ang “AlDub” sa telebisyon. “Nakita ko na ang humahalik sa screen. Counted na ba ‘yun,” wika pa niya nang tanungin sa media forum kahapon …

Read More »

Palasyo apektado ng Aldub Fever

APEKTADO na rin ng “Aldub Fever” ang Palasyo. Napag-alaman, tinapos nang maaga ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang regular press briefing kahapon dahil nagsisimula na ang “AlDub Kalyeserye” segment sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA-7. Tumagal lamang ng 30 minuto ang regular media briefing ni Laceirda na sinimulan bandang 1 p.m. upang makahabol na mapanood ang “Aldub.” “It’s …

Read More »

Probe vs PNoy, Abad sa DAP — Ombudsman

INAMIN ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales,  iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Sec. Florencio “Butch” Abad at iba pang opisyal na lumalabas na sangkot sa pagbuo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Sinabi ni Morales, nagsasagawa na sila ng moto proprio investigation sa DAP kasabay ng pagsisiyasat sa mga reklamong naihain sa kanilang …

Read More »

Protesta ng Iglesia umatras na

PAGKATAPOS nang halos tatlong araw na protesta sa ilang bahagi ng EDSA, umatras na ang Iglesia Ni Cristo at pinauwi ang kanilang mga miyembro kahapon ng umaga. Sa isang pahayag, inianunsiyo ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago na nakapag-usap na ang kanilang panig at ng pamahalaan at naipaliwanag nang mabuti ang posisyon ng gobyerno. Tinanggap ito ng INC kaya’t pinatigil na …

Read More »

‘NRD’ inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang ilulunsad na “No Remittance Day” ng grupong Migrante bilang protesta sa pagtatakda ng gobyerno ng P600-milyong revenue sa balikbayan boxes. Iginiit ng Migrante na hindi dapat ituring ng gobyerno na “milking cow” ang overseas Filipino workers (OFWs). Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang dapat ikabahala sa “No Remittance Day” dahil dati na itong ginawa …

Read More »

Piyansa ni Enrile sablay sa batas

HINDI nakabatay sa batas ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa Cebu City. Hindi aniya ikinonsidera ng Supreme Court ang mga ebidensiyang inihain laban kay Enrile na nagsasangkot sa senador sa pork barrel scam. “Importante yatang kilalanin na ‘yung sa desisyon ng Korte …

Read More »

House arrest kay CGMA tinutulan ni Aquino

TUTOL si Pangulong Benigno Aquino III na isailalim sa house arrest si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. “Aano ba ang value, dadalhin siya sa bahay? Ilalayo mo doon sa pagamutan. Kung ang dahilan nga nasa pagamutan siya dahil may isyu siya sa kalusugan. So anong magagawa roon sa bahay na hindi magagawa ng hospital? Bakit ilalayo mo …

Read More »

Granted bail ng SC kay JPE rerepasohin ng Palace legal team

REREPASOHIN ng legal team ni Pangulong Benigno Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagpahintulot na magpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder, isang non-bailable offense. “Well, normally, of course the… kasama po riyan ‘yung legal team ng Pangulong Aquino and the… as mentioned by Secretary (Leila) de Lima, she is batting for the prosecution to file an …

Read More »

Death anniv ni Robredo special working holiday

IDINEKLARA ng Malacañang bilang special working holiday ang kamatayan ni DILG Secretary Jesse Robredo sa buong bansa. Nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino ang RA 10669 na nagdedeklara na special working holiday ang Agosto 18 bilang paggunita sa kamatayan ni Robredo. Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon, nangangahulugan na may pasok sa lahat ng tanggapan at may …

Read More »

Hindi Estrada at Arroyo ang apelyido ko — PNoy (Sa udyok na tumakbong bise)

 “HINDI naman Estrada at Arroyo ang apelyido ko.” Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pag-uudyok sa kanyang tumakbong bise-presidente ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections. Sina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo ay parehong tumakbo sa mas mababang posisyon. Ayon sa Palace source, malabong magkatotoo ang Mar-Noy tandem dahil ayaw nang …

Read More »

32nd anniv ni Ninoy gugunitain

GUGUNITAIN ngayon ng pamilya Aquino sa isang misa ang ika-32 death anniversary ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Parak sa Parañaque City. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid, kaanak at malalapit na kaibigan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama. “Noong mga nakaraang taon nasaksihan natin ang …

Read More »

LP ibasted, tumakbong independent (Hiling kay Grace Poe sa kaarawan ni FPJ)

SA KAARAWAN ni Fernando Poe Jr. (FPJ),  bigyang dangal ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtakbo bilang independent at isakatuparan ang hangarin para sa mahihirap.  Ito ang payo kay Sen. Grace Poe ni Sen. Tito Sotto  ngayong Martes kasabay ng panawagan na huwag paunlakan ang imbitasyon ng Liberal Party (LP) na maging katambal ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas …

Read More »