Friday , April 18 2025

Rommel Placente

Pag-uugnay kina Alexa at Nash, itigil na

Alexa Ilacad Nash Aguas NLex

SA interview ni Alexa Ilacad sa Pep.ph, sinabi niya na buwag na ang love team nila ni Nash Aguas, ang NLEX. Ikinalungkot din naman niya ang nangyari, pero mas mabuti na tapusin ang kanilang love team, kaysa patuloy silang manloko ng kanilang mga tagahanga. “Wala na, para kasing nagkaroon kami ng personal issues, pero okay kami. Hindi kami magkaaway o magkagalit or anything. Naisip …

Read More »

Thea nakiusap: tantanan ang video scandal

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account, ipinaalam ni Thea Tolentino na walang katotohanan at hindi siya ang babae sa isang video scandal na kumakalat sa social media. “Hindi ako ‘yun” mariing sabi ni Thea. “Bahala kayo kung maniniwala kayo sa akin or not, wala akong pakialam. Grabe. Daming bastos. “’Di ako naaapektuhan pero napapagod kasi ang social media accounts ko sa inyo.” Nakiusap …

Read More »

Lloydie, na fake news 

NAGALIT si John Lloyd Cruz nang mabasa niya ang lumabas na balita sa isang online news na umano’y nabinyagan na ang anak nilang lalaki ng sexy star na si Ellen Adarna. Kaya naman in-screen shot niya ang write up at ipinost niya ito sa kanyang Instagram account, na ang caption na inilagay niya ay, “FUCK FAKE NEWS.” O ‘di ba …

Read More »

Maine, gustong isama ni Coco sa MMFF entry nila ni Vic

HINDI pa kompleto ang cast ng pelikulang Popoy en Jack, the Puliscredibles, isa sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin. Si Coco ang isa sa producers ng pelikula. Ikinukonsider niya na mapasama rito si Maine Mendoza. gusto niya kasing makatrabaho ang ka-loveteam ni Alden Richards. “Honestly, I would …

Read More »

Valeen, tuloy ang pagdikit kay Alden, wa-ker sa AlDub fans

KAHIT patuloy i-bash si Valeen Montenegro ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza, dahil sa pagiging malapit niya sa aktor, wala pa ring plano ang mestisang aktres na layuan ang Pambansang Bae bilang isang kaibigan. Naging magkaibigan ang dalawa (Alden-Valeen) mula nang magkasama  sa Sunday Pinasaya. O ayan, sa mga tagahanga nina Alden at Maine, kahit i-bash ninyo …

Read More »

Mayor Khonghun, ipinagtanggol si Aiko: Hiwalay na kami ng misis ko nang dumating si Aiko

INIINTRIGA ang pakiki­pag­ relasyon ni Aiko Melendez kay Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun. Ayon sa kanyang detractors at sa netizens, nakipagrelasyon daw siya rito, gayung alam naman niyang pamilyadong tao ito, na naging dahilan  para hiwalayan ng naturang mayor ang asawa. Sinasabihan tuloy ang magaling na aktres na isa siyang homewrecker. Ipinagtanggol naman ni Mayor Jay si Aiko. Ayon sa …

Read More »

Khalil, ‘di totoong GF si Gabbi

SA interview kay Khalil Ramos ng Push.com, nilinaw niya na walang katotohanan ang napapabalitang girlfriend niya si Gabbi Garcia. Sabi ni Khalil, “It’s nothing more than a friendship. We’re just really close. We have a lot of common friends.” Pero aminado si Khalil na before ay madalas silang lumalabas ni Gabbi “We hang out a lot. And ‘yung circle of …

Read More »

Erwin, may ka-riding-in-tandem sa Ronda Patrol Alas Pilipinas

MAY bagong show sa PTV 4 si Erwin Tulfo titled Ronda Patrol Alas Pilipinas. Co-anchors niya rito sina Lad Augustin at Loy Oropesa. May riding-in-tandem group sa show, na aalamin ang mga problema sa mga lugar na pupuntahan nila at ire-report kina Erwin, Lad, at Loy para bigyan ng solusyon. Ang show ay produced ng mag-asawang Matte at Queenie Oreta. Mapapanood ito tuwing Sabado, 10:00 to 11:00 a. m.. …

Read More »

Kris kay Ipe — ‘Di niya kami ginamit o ginulo

NAG-POST si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng picture niya at ng dalawang anak na sina Josh and Bimby, na nasa loob sila ng isang eroplano. Sa comment section, isang netizen na may  user name na @no_name5284 ang nagsabi na, “Swerte ni Phillip S. walang ginastos yata ni isang piso kay joshua!, ang mahal kaya magpalaki at bumuhay ng special child. Kaya pasalamat si Phillip kay …

Read More »

Tetay, ‘di ka-level si Mocha; hamon binawi

BINAWI na ni Kris Aquino ang hamon niyang one-on-one debate kay Mocha Uson. Napag­tanto niya kasi na hindi niya ito ka-level. Na ang ibig sabihin ni Kris, mas mataas ang level niya kay Mocha, kaya hindi ito ang taong dapat niyang patulan. Na ang dapat niyang patulan ay ‘yung ka-level niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mocha kapag nakarating sa kanya ang …

Read More »

Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM

JM de Guzman Barbie Imperial Paul Salas

SA interview kay JM De Guzman ng Pep.ph, nilinaw nito ang biro niya tungkol sa pagiging single ng leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na si Barbie Imperial. Sa guest appearance kasi ng dalawa sa PEP Live kamakailan, pabirong idineklara ni JM na single na si Barbie, na ang ibig niyang sabihin ay hiwalay na ito kay Paul Salas. Sabi ni JM, ”Naging biruan kasi …

Read More »

Giit ni Sharon sa ‘di matuloy nilang pelikula ni Gabby — Wala sa akin ang problema

MAY emote na naman ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account. Ibinahagi niya rito kung bakit hindi natuloy ang reunion movie nila ng dating ka-loveteam at asawa na si Gabby Concepcion. Sabi niya, ”Just for the record, I agreed to his requested billing. I really didn’t care. What I cared about was that this, what he called our “legacy” to KC, would …

Read More »

Dennis may lambing kay Jennylyn: Papasanin ko kahit ang buong mundo

KAARAWAN ni Jennylyn Mercado noong Martes, May 15. Binati siya ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo sa pamamagitan ng Instagram account nito. Nag-post ang aktor ng picture nila ni Jennylyn na karga-karga niya ito sa isang beach habang naka-smile ang girlfriend. At ang sweet caption niya rito,  ”Papa­sanin ko kahit ang buong mundo para lang sa ‘yo, makita ko lang na lumigaya ka ng …

Read More »

Angelica, 4ever friendship ang regalo kay Juday

BINIGYAN ng surprise birthday party ni Ryan Agoncillo ang misis niyang si Judy Ann Santos noong bisperas ng kaarawan nito, May 10, na ginanap sa isang restaurant sa Global City. Isa si Angelica Panganiban sa dumalo sa surprise birtday party dahil isa siya sa mga malalapit na kaibigan ni Juday. Ang ilan sa mga bisita ay pinagsalita para magbigay ng …

Read More »

Nadine, binuweltahan ang mga fake fan

nadine lustre siargao

BINA-BASH sina Nadine Lustre at James Reid ng mismong mga tagahanga nila. Kaya naman sa kanyang Instagram story, tinawag ni Nadine ang mga ito na fake fans at walang room sa social media accounts nila ni James. Sabi ni Nadine, ”To all the confused/Hot and Cold/fake fans, here’s the door. We don’t need youg bs here.” Gayunman, nag-shout out si Nadine para sa solid fans nila …

Read More »

Ysabel, ‘di pa handang magladlad ng kaseksihan

Ysabel Ortega JM de Guzman Barbie Imperial Araw Gabi

KASAMA si Ysabel Ortega sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na pinagbibidahan ni JM de Guzman katambal si Barbie Imperial. Gumaganap siya rito bilang si Nica Marcelo, isang simple, matalino, at palabang anak nina Manang Fe (Arlene Mulach) at Mang Kiko (Eric Nicolas). Nag-audition si Ysabel sa serye at pinalad na mapili siya. “I auditioned for my role. This was after ‘Pusong Ligaw’ (dating serye …

Read More »

Piolo, choice na maging single muna

WALA pa ring karelasyon ngayon si Piolo Pascual. Ayon sa actor, choice niyang maging single muna. At saka na lang siya ulit papasok sa isang relasyon. Hindi sa wala siyang time, marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay. “In all honesty, hindi ko siya hinahanap. Ayoko siya hanapin, ayoko na lang muna,”  sabi pa ni Piolo. Siguro, isa rin sa dahilan …

Read More »

Lani, nangungulila pa rin kay Bong

KAHIT maraming dumating na mga kaibigan si Bacoor Mayor Lani Mercado mula sa politika at showbiz, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Biyernes, April 13,  hindi pa rin lubos ang naging kaligayahan niya. Hindi niya kasi nakasama ang mister niyang si Sen.Bong Revilla. Naka-detain pa rin si Bong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong plunder. …

Read More »

Mark, iniwasan ng mga kaibigan (nang umaming bisexual)

Mark Bautista

SA interview ni Mark Bautista sa 24 Oras, inamin niya na may mga taong lumayo o dumistansiya na sa kanya pagkatapos niyang aminin sa librong isinulat, ang Beyond The Mark na isa siyang bisexual. Pero inihanda na naman niya ang sarili dahil alam niyang mangyayari ‘yun. Sabi ni Mark, “Kasi, ‘yun ‘yung isa sa fear mo na kapag inilabas mo …

Read More »

Incentives ng Filipino filmmakers, ikinasa ni Cong. Vargas

alfred vargas congress kamara movie money

MAY ipinasang batas si Cong. Alfred Vargas sa Kongreso na tinawag niyang Housebill 1570. Ito’y para sa Filipino filmmakers (mainstream or independent) at sa industry player (actors, directors and scriptwriters) na makatatanggap ng incentives, kapag nanalo ang kanilang pelikula na kasali sa isang international competition or festival. “Basta Pinoy film ka, kapag nanalo ka ng full length or documentary sa …

Read More »

Yassi, sa parinig ni Sam na crush siya: Not now! 

Sam Milby Yassi Pressman

SA pelikulang Camp Sawi unang nagkatrabaho sina Sam Milby at Yassi Pressman. Pero hindi sila ang magkatambal dito. At nagkasama lang sila sa iisang eksena, kaya hindi sila nagkaroon ng chance na makilala nang husto ang isa’t isa. Pero rito sa Ang Pambansang Third Wheel, launching movie ni Yassi, ay magkatambal na sila ni Sam, si Sam ang leading man niya. Kaya naman marami silang …

Read More »

Female singer, nag-alburuto, nagpakuha ng ibang hotel

blind item woman

FEELING sikat na pala itong isang female singer pagkatapos niyang magkaroon ng isang hit single. Ayon sa nakausap namin, kinuha ang female singer para mag-show sa isang malayong probinsiya. May hotel na kinuha para sa kanya para room magpahinga/matulog ng overnight dahil kinabukasan pa ang flight niya pabalik ng Manila. Kaso, itong si female singer ay inayawan ang hotel na …

Read More »

Kylie, kaiba ang saya sa pagbabati nina Robin at Aljur

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

SA guesting ni Aljur Abrenica sa Tonight With Boy Abunda noong Friday, ikinuwento niya ang unang paghaharap nila ni Robin Padilla,  ama ng live-in partner niyang si Kylie Padilla sa isang family dinner last week. Ang family dinner na ‘yun ay pamamanhikan na rin ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Kylie. Kasama nina Aljur at Kylie ang kani-kanilang pamilya, …

Read More »