Sunday , September 25 2022

Tony Labrusca, ipinagdasal kung mananatili o iiwan na ang ABS-CBN

AMINADO si Tony Labrusca na gulong-gulo ang isipan niya noong hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS CBN. Na-confuse siya kung mananatili pa ba siya sa Kapamilya Network, o lilipat na lang ng ibang estasyon o management, gaya ng ginawa ng ibang talents nito.

 

“Ipinag-pray ko lang din po ‘yon na parang, honestly, during this time kasi, gulong-gulo rin ako kung anong gagawin kasi ang daming lumilipat. Honestly, mayroon din po akong naging offers sa ibang network and sa ibang agencies,” sabi ni Tony sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Nakatulong ang dasal kay Tony na naging dahilan para magdesisyon siyang manatili sa ABS CBN.

 

“Ipinag-pray ko iyon, sabi ko, ‘Lord please help me decide kasi I honestly don’t know what to do. What’s meant to be is meant to be na lang, so it all ended up working out na I’m meant to stay lang talaga rito. I’d like to think na si Lord lang talaga iyong gumawa ng paraan kaya nag-stay ako kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ‘yong tamang decision.”

 

Tama lang na manatili sa ABS CBN si Tony dahil hindi naman siya nito pinababayaan. Lagi siyang binibigyan ng show. In fact, isa siya sa lead star sa bagong serye ng Dos na Bagong Umaga, na mapapanood na sa October 26 sa Kapamilya Channel. Kasama rin siya sa horror film na U-Turn mula sa Star Cinema, na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Mapapanood na ito sa October 30 sa KTX at iWant TFC.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa …

Leave a Reply