Saturday , December 21 2024

Robert B. Roque, Jr.

May tumawag ba kay Duque ng stupid?

ANG biglaang pagdami ng nagkakahawaan ng coronavirus disease (CoVid-19) sa bansa ngayong buwan ay pangunahing isinisisi sa kawalang-ingat ng mga Pinoy sa pagtalima sa minimum health standards. Naniniwala ang World Health Organization na masyado tayong nadala ng “vaccine optimism” kaya nawala ang ating atensiyon sa tuloy-tuloy na pag-iwas na mahawa sa virus hanggang sa herd immunity – ang target na …

Read More »

Pinakakinatatakutan natin sa CoVid-19 nangyayari na

KASABAY ng realidad na gumulantang sa atin tun\gkol sa katotohanan, panganib, at walang patawad na pananalasa ng CoVid-19, masusi nating pag-isipan kung paanong umabot sa puntong nakapagtala na tayo ng pinakamataas na 5,000 bagong kaso sa isang araw. At para na rin sa ating kapakanan, kalimutan na natin ang pagpapanggap ng Palasyo na naging ‘excellent’ o ‘very well’ sa pagtugon …

Read More »

Ang mga bakuna at mga patawa

SIMULA nang umarang­kada noong nakaraang linggo ang programa ng gobyerno sa pagbabakuna laban sa CoVid-19, tinutukan ng nag-aalinlangang bansa ang health care workers (HCWs) na unang nagpaturok ng Sinovac. Noong nakaraang buwan, ibinunyag ng OCTA Research na 19 porsiyento lang ng mga Filipino na nasa hustong gulangna sinarbey ang handang magpabakuna, 35 porsiyento ang hindi pa nakapagpapasya, at nasa 49 …

Read More »

Higit pa ang karapat-dapat para sa Myanmar

ANG nangyayari nga­yon sa Myanmar ay parang pag-atake ng CoVid-19 sa demo­krasya nito. Para sa akin, udyok ito ng pagiging arogante at kahiya-hiyang kawalan ng malasakit sa mama­mayan kaya nagawa ni Senior General Min Aung Hlaing na mang-agaw ng kapangyarihan at igiit ang kanyang ambisyon, kahit pa alam niyang mapanganib ang kahihinatnan nito ngayong may pandemya. Sa pang-aagaw niya ng …

Read More »

Pananagutan, Ginoong Alkalde

MAGKAKAIBA ang reaksiyon ng mabu­buting mamamayan ng Baguio City sa nakalipas na mga pangyayari na nagbunsod sa pag­bibitiw sa puwesto ng kanilang alkalde bilang national contact tracing “czar.” Sa simula’t sapul ay ipinagmamalaki ng lungsod si Mayor Benjamin Magalong, lalo na dahil sa hindi matatawarang prinsipyo na nakakabit sa kanyang tsapa bilang retiradong pulis. At dahil sa pagkakakilala sa kanyang …

Read More »

Ekonomiya o kalusugan

NAGAGAWANG panindigan ng gobyerno ang laban nito kontra CoVid-19, pero nag-iiba na ang estratehiya, na nakatuon na ngayon sa pagsasalba sa naghihingalong ekonomiya kaysa protektahan ang mga bata at matatandang mamamayan mula sa panganib na mahawa sa nakamamatay na virus. Ganito ang basa ko sa naging pasya ng pamahalaan na payagan nang lumabas ng bahay ang mga edad 10-14 anyos …

Read More »

Isa pang lockdown?

BAGAMAT dahil sa itinakdang deadline para sa kolum na ito ay hindi ko magawang magbigay ng reaksiyon sa mga nangyari kahapon sa Senado, isa ito sa mga kakatwang araw kung kailan hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa dalawang mahahalagang usapin. Itinakdang magharap-harap kahapon (11 Enero) ang Senate Committee of the Whole upang talakayin ang mga susunod na hakbangin ng …

Read More »

Si ‘Duque of Hazard’

MALAPIT na akong masiraan ng bait dito kay Health Secretary Francisco Duque III, na minsan pang nag­tagum­pay sa pag­papakakontrabida. Nagpakawala ng nakagugulat na pag­bubunyag si Senator Panfilo Lacson, Jr., kamakailan nang sabihin niyang sinayang ng Filipinas ang pagkakataong agarang masuplayan ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer matapos magpabaya si Duque sa pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa …

Read More »

Huwaran natin ang mga opisyal

 HINDI ako doktor, kundi isang mapanuring mamamayan gaya ng maraming nagbabasa ng kolum na ito. Pero masasabi kong matagal ko nang pinagsususpetsahang si Presidential Spokesperson Herminio “Harry” Roque, Jr., ay may malalang “foot-in-mouth disease.” At hindi basta walang katuturan lang ang kanyang mga pahayag o pagkakamali sa pagkokomento, kundi nagdudulot ng peligro ang pagkontra niya mismo sa kanyang mga sinasabi; …

Read More »

Hayaang gawin ni LAV ang kanyang trabaho

NAKABIBILIB itong si Lord Allan Velasco. Naigiit niya ang karapatan sa Speakership, nakipag-ugnayan sa mga taong pinakamakatutulong sa kanya, at naging maingat sa kanyang mga naging pagpapasya. Pinanindigan niya ang kanyang plano at hindi tumiklop sa gitna ng matinding pagtatangka ng beteranong karibal niyang si Alan Peter Cayetano na hadlangan ang kanyang nakatakdang pamumuno. Ngayon, si Velasco na ang pinakamataas …

Read More »

Ang bangungot na dulot ng maiiwasan namang baha

HINDI ako pinatulog ng mala-bangungot na bagyong “Ulysses.” Hindi lagi iyong magdamagang binabayo ng Signal No. 3 na bagyo ang Metro Manila. Kahit nakapikit na ang aking mga mata at sarado ang mga bintana, binabagabag ng nag-aalimpuyong hangin ang kagustuhan kong makatulog. Dalawang gabi na ang nakalipas, at matagal nang nakaalis ang bagyo, pero nasa estado pa rin ako ng …

Read More »

Ibinuking ng CCTV

INIISIP kong dahil sa pandemic at sa iba pang mga nangyayari ngayon, pipiliin na ng mga tao ang magpakabuti kaysa gumawa ng masama. Hindi ko itinuturing ang sarili ko na relihiyoso o matuwid na tao, pero sapat na marahil ang matitinding krisis na kinakaharap natin sa ngayon upang magsisi tayo sa ating mga naging kasalanan at tuluyan nang magbagong-buhay, ‘di …

Read More »

Paghamon sa Speaker

BILANG bagong Speaker, naipasa ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ang unang hamon sa kanyang liderato – ang pakilusin ang Kamara upang aprobahan nitong Biyernes ang P4.506-trilyon pambansang budget para sa 2021. Ngayon, kailangan naman niyang maisumite sa Senado ang 2021 General Appropriations Bill o GAB – nang kompleto ang lahat ng pagbabagong isinumite ng mga ahensiya habang walang …

Read More »

Tama lang ba ang ginawa ng WHO?

SA ISANG IGLAP, namamayagpag uli at bida na naman si Health Secretary Francisco Duque III.   Bakit nga naman hindi? Lusot na siya sa P15-bilyong anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Nagrekomenda ng mga kasong kriminal laban sa pinakamatataas na opisyal ng PhilHealth at hindi siya kabilang sa mga mananagot.   Hindi natinag si Duque sa kanyang puwesto sa …

Read More »

Ang House ang laging wagi

PARA sa mga nakasubaybay pa rin sa zarzuela sa Kongreso, bahala na lang kayo. Sawa na akong manood ng bangayan ng mga politiko na maraming beses nang nangyari noon — parang script ng teleserye na ilang beses nang inulit-ulit kaya naman mas pinipili na ngayon ng mga manonood ang mas orihinal na kuwento sa mga Koreanovela.   Matagal nang nakasalalay …

Read More »

Palabra de Honor  

NGAYONG wala na ang gabi-gabing huntahan sa mga kaibigan na politika ang paboritong pinupulutan, tambayan ko ngayon ang terrace sa ikalawang palapag ng aming bahay o ang swing sa garahe habang ine-enjoy ang maginaw na gabi.   Nakatira ako malapit sa Cubao sa Quezon City, pero sigurado akong sa dako ng Batasan nanggagaling ang naaamoy kong niluluto. Sa nakalipas na …

Read More »

Regalo ng kabutihang-loob

KAKATWA kung paanong ang ugnayan natin sa makapangyarihang bansa na tulad ng Amerika – na nakasalalay sa mahahalagang usaping tulad ng ekonomiya, pamumuhunan, seguridad at depensa, imigrasyon, ayuda, at ngayon, pandaigdigang kalusugan – ay biglang magbabago sa isang iglap dahil sa pamimik-ap sa isang bar na nauwi sa pagpatay sa loob ng isang motel.   Anim na taon na ang …

Read More »

Bagong lider, bagong PhilHealth

NAGBIBIRUAN ba tayo rito? Sinabi ni Department of Health Secretary at PhilHealth Chairman Francisco T. Duque III na sinusuportahan niya ang bagongtalagang si PhilHealth President Dante Gierran sa “pagbubulgar sa mga scalawags” sa state medical insurance firm.   ‘Yung totoo, nagdodroga na ba si Duque?   Malinaw namang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na matapos ang mabilisang mga …

Read More »

Friendly fire

“THE Philippines has a special friendship with China.”   Para sa mga nagbabasa nito na nagkataong kagigising lang, huwag sana kayong mahulog sa kama o itigil ang pagbabasa ng kolum na ito. Gaya n’yo, inakala kong panaginip lang ‘yang nabasa n’yo.   Pero sa totoo lang, ito mismo ang mga eksaktong salitang namutawi sa bibig ng Presidente ng ating republika …

Read More »

Internet connection natin malapit nang bumilis

NAPATAGAL man ang pagkakapurnada, heto at nangyari na ang pinakahihintay nating sabunan nang walang banlawan.   Hindi na puwedeng magbingi-bingihan ang mga big boss ng Smart Communications at Globe Telecom ngayon na mismong si Pangulong Duterte na ang nagpahayag ng pagkadesmaya sa kalidad ng kanilang wireless services, kaya nga special mention sila sa State of the Nation Address (SONA) nitong …

Read More »

Pagiging high-profile inmate, isang comorbidity?

ANO ba talaga ang nangyari sa drug convict na si Jaybee Sebastian? Ano ang totoo: Namatay, pinatay o buhay ba siya?   Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), namatay si Sebastian sa COVID-19, gayondin ang walo pang kapwa niya high-profile inmates sa National Bilibid Prison.   “Well-documented” daw ang nangyari, mula sa pagpositibo sa virus, pag-isolate, hanggang sa cremation, ayon …

Read More »

UP kits gamitin sa mass testing  

TAMA lang ilibre ang mahihirap sa COVID-19 testing kung seryoso talaga ang gobyerno na makontrol ang pagdami ng nahahawahan ng virus sa bansa.   Sa inilunsad na drive-thru testing ni Manila Mayor Isko Moreno kamakailan, napatunayan niyang handang sumailalim sa testing ang mahihirap, basta wala silang gagastusin dito.   Libre ang drive-thru testing sa Maynila, na bukas maging sa mga …

Read More »

Sa wakas matutulungan din

SA WAKAS ay mukhang magtutulung-tulong ang mga ahensiya ng gobyerno at mga opisyal ni President Duterte para makakuha ng kompensasyon ang may-ari at mga crew ng Gem-Ver, ang sasakyang dagat na binangga at pinalubog ng barko ng China malapit sa Recto Bank mahigit isang taon na ang nakalilipas.   Matapos palubugin ang Gem-Ver noong 2019, akalain ninyong nagawa pang abandonahin …

Read More »

Korupsiyon sa cash aid

AKALAIN ninyong may 155 barangay captains at opisyal ang iniimbestigahan sa anomalya sa cash aid na ipinamimigay ng gobyerno sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno?   Kung totoo ang bintang sa kanila, ang kakapal naman ng mukha ng mga demonyong suwapang na opisyal ng barangay. Bago pa man ipamahagi ang SAP ay ilang ulit nang nagbabala si President Duterte …

Read More »

Tamang desisyon  

BUONG puso tayong sumasang-ayon sa desisyon ng gobyerno na huwag munang payagan na pumasok ang mga estudyante at magsagawa ng face-to-face learning. Tama ang kanilang desisyon dahil lubhang mapanganib at nakamamatay kapag nagsimula nang magkahawa-hawa ang mga tao bunga ng COVID-19.   Nakikiisa tayo dahil katigtasan at kalusugan ng estudyande at tagapagturo ang nakataya. Kapag nandiyan na ang bakuna ay …

Read More »