Thursday , May 26 2022
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pasko para sa mga sinalanta ng Odette

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HABANG isinusulat ito, ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette ay halos umabot na sa 170 katao. Sa katatapos na COP26 Summit sa Glasgow, binigyang-diin ng mga siyentista na palakas nang palakas at lalong nagiging mapaminsala ang mga bagyo habang patuloy na tumataas ang temperatura ng planeta dahil sa climate change na dulot din ng sangkatauhan.

Ang matinding pinsalang idinulot ng pananalasa ng Odette sa maraming lugar sa bansa ay isang patunay na kabilang ang Filipinas sa mga bansang pinakadelikado sa epekto ng climate change. Hindi lamang tayo nagbibilang ng mga nasasawi, kundi nanlulumo rin sa mga nawasak na tanimang handa na sana sa anihan, sa mga loteng dating kinatatayuan ng mga bahay, sa kadilimang dulot ng nawalang supply ng koryente, habang napapaisip sa napakatagal na panahong gugugulin sa pagsasaayos o pagtatayong muli ng mga impraestrukturang winasak ng bagyo. Sa walong rehiyon, halos 300,000 katao ang inilikas.

At sa loob lamang ng ilang araw, inaasahan na ng bansa ang pagdiriwang nito ng pinakamasayang okasyon sa buong taon – ang Pasko!

Kasabay ng panawagan ng Firing Line sa mga mambabasa nito na makibahagi sa pagtulong para maibsan ang kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayang sinalanta ng Odette, ilalaan ko ang kolum na ito sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon na sisiguraduhin ang inyong mga donasyon ay garantisadong maiaabot sa mga naapektohan, nangangailangan, at nawawalan ng pag-asa.

Ang Second Chances, katuwang ang Philippine Coast Guard, ay tumatanggap ng mga tents, construction materials – tulad ng plywood, martilyo, pako, knobs, generator sets, rechargeable o solar lights — bottled water na nasa gallon, food packs, bigas, ready-to-consume food, kumot, hygiene kits, toiletries, kulambo, tsinelas/sapatos, gamot, at laruan ng bata. Ang drop-off ay mula 8:00 am hanggang 3:00 pm ngayon at bukas at hanggang tanghali ng Disyembre 23 sa 81 King Henry St., Kingspoint Subdivision, Bagbag, Novaliches, Quezon City. Para sa mga magpapadala via Grab, makipag-ugnayan kay Nerissa sa 09209723466; PIN: Lexaron Marketing.

Nangangailangan ng volunteers ang Robredo People’s Council at Tanging Yaman Foundation para sa pagre-repack ng relief goods at pagtanggap ng mga donasyon sa LeniKiko2022 Volunteer Center sa 284 Katipunan Avenue, Quezon City (entrance sa 33 Esteban Abada St.) Para sa cash donations, idiretso ito sa Tanging Yaman Foundation, Metrobank: 448-7-44801314-2 (Tañong Marikina Branch); BPI: 9601-0002-42 (Loyola Heights Branch). Ipadala ang transaction/deposit slip sa [email protected]

Tumatanggap naman ang Tulong Manileño Bayanihan Drive ng mga relief donations sa 813-A P. Noval St. corner S.H. Loyola St., Sampaloc, Manila sa pamamagitan ng contact person na si Marissa David, sa 0969-4596261, 0969-4596262, at 0927-7971723. Ang cash donations ay tatanggapin ng Kaagapay ng Manileño Foundation Inc. sa PNB Account Number: 167770003504; Account Name: Kaagapay ng Manileño Foundation Inc.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDIni Fernan Angeles SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay …

Dragon Lady Amor Virata

Barangay elections posibleng mabinbin

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA LAKI NG UTANG ng ating bansa, nadagdagan pa …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Para nga ba sa atin ang cancel culture?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. UMABOT na ang cancel culture sa ating modernong kamalayan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Moro-morong tigil operasyon ng e-Sabong

PROMDIni Fernan Angeles SA KUMPAS ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang kontrobersiyal na e-sabong kanyang ipinahinto, …