TULAD nang ilang ulit na niyang ipinakita ay muling ipinamalas ni President Duterte na siya ay tunay na kasangga ng China. Ito ay nang matsismis na ang pinangangambahang sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na nagpahinto sa galawan sa buong mundo at nagpabagsak sa ekonomiya ay posibleng isang uri ng bio-weapon na nilikha sa laboratoryo nito. May natanggap daw na note …
Read More »Ano ang tamang distansiya?
ANO nga ba ang social distancing o tamang distansiya ng pagkakahiwalay natin sa isa’t isa na dapat itakda para hindi tayo maapektohan o tuluyang mahawaan ng coronavirus 2019 (COVID 19)? Ayon sa Department of Health (DOH), sapat na ang pananatili ng isang metro o tatlong talampakan na pagkakalayo sa isa’t isa. Sa paniwala naman ng ibang dayuhang bansa …
Read More »Mga bayani sa panahon ng krisis
TULAD nang ilang ulit ko nang sinabi, purihin natin ang dapat papurihan. At sa panahong ito ng krisis na dulot ng pesteng coronavirus (COVID 19), hindi ko maiiwasang purihin ang mga tinatawag na “frontliner” na nagsisikap tumulong sa mga nabiktima para labanan ang naturang sakit kahit malagay pa sa alanganin ang sariling buhay at kaligtasan. Sila ang mga …
Read More »Pumalag?
SA SIMULA ay aakalain ng marami na pumalag si Pasig City Mayor Vico Sotto sa national government nang payagan niyang mag-operate ang tricycle sa kanyang lungsod sa kabila ng pagbabawal sa public transport ngayong nasa ilalim tayo ng Luzon quarantine. Pero ang totoo sa paliwanag ni Sotto ay umaapela lamang umano siya sa Department of Interior and Local Government (DILG) …
Read More »Pangamba sa MM quarantine
HINDI maiiwasan na may iilang mangamba, kumontra o hindi sumasang-ayon sa utos ni President Duterte na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila. Nagbabala nga si Senate President Vicente Sotto III na kapag inihiwalay o ibinukod ang Metro Manila sa ibang mga lungsod o lalawigan ay puwedeng magresulta sa pagpa-panic ng mga mamamayan at pagho-hoarding ng mga bilihin. Noong …
Read More »Pasugalan ni Boy Abang
BAKIT ba masasabing may asim pang taglay ang gambling lord na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang kapag ilegal na sugal ang pinag-uusapan? Kung hindi ba naman malupit itong si Abang, bakit patuloy na namamayagpag ang kanyang mga ilegal na bookies ng karera? And take note, nakapipinsala nang malaki sa operasyon ng gobyerno ang ilegal na bookies ng karera. Para …
Read More »Tukuyin
MAGANDA ang hangarin ni Senator Risa Hontiveros sa panawagan sa Department of Health (DOH) na pangalanan ang pharmaceutical firms na humaharang umano na mapababa ang presyo ng mga medisina, lalo ang 120 gamot para sa pangkaraniwang sakit tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, kanser, asthma at iba pa. Sa talakayan ng DOH 2020 budget ay nagpahayag si Hontiveros na …
Read More »Kuwentong ninja cops
ANO ang ninja cops at kontrobersiya na kinasasangkutan nila? Sila ba ang mandirigma sa sinaunang Japan na gumagamit ng samurai, shuriken o star knife at iba’t ibang mga gamit na panglaban sa kanilang kaaway? Isang lumalagapak na hindi! Ninja cops ang ibinansag sa mga pulis na nagre-recycle at ibinebenta muli ang shabu na kanilang nakompiska sa mga lehitimong drug raid. …
Read More »Panahon ng pagtugis, pag-aresto
NATAPOS na noong Huwebes ang 15 araw na palugit na ibinigay ni President Duterte para sumuko ang 2,000 presong sentensiyado sa karumal-dumal na krimen na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Halos 1,000 rin ang mga sumuko. Ngayon, ang mga hindi pa sumusuko ay puwede nang tugisin, arestohin at barilin kung kinakailangan dahil lumaban sa mga awtoridad na …
Read More »Arestado
LIMANG Tsino na dumukot umano sa tatlo nilang mga kababayan ang bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas sa Makati kamakailan. Ayon sa pulisya, pinuwersa raw ng mga suspek ang mga kapwa nila Chinese national na sina Zhou Yang, Sengxiao Ling at Ou Shen na sumakay sa isang van sa Verdant Avenue sa Las Piñas. Minalas nga lang ang …
Read More »Kapabayaan
NAKAPANLULUMONG isipin na nasawi ang isang arkitekto matapos mahulog sa daanan ng elevator na inakala niyang pinto ng comfort room sa Cubao, Quezon City. Napag-alaman na kagagaling lang ng biktimang si Michael Alonzo sa gym at kasama ang isang kaibigan nang makaramdam ng tawag ng kalikasan sa loob ng gusali. Bigla niyang binuksan ang pinto ng inakalang CR at sumilip …
Read More »Huwag magsisihan
NAGPAHAYAG na ang Department of Health (DOH) na may umiiral na measles outbreak hindi lang sa Metro Manila kundi pati na sa mga lugar ng Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas at Eastern Visayas kaya hinihimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas. Ang tigdas o measles ay isang respiratory disease na malakas makahawa bunga ng …
Read More »Pag-isipan ang pagpili
NGAYONG nagsimula na ang panahon ng pangangampanya ay nais nating paalalahanan ang ating mga kababayan na pag-isipan nang husto kung sino-sino ang mga lokal at pambansang opisyal na kanilang pagtitiwalaan ng kanilang boto sa pagsapit ng araw ng eleksiyon sa Mayo. Alalahanin na tulad nang dati, gagawin ng ilang politiko ang lahat ng makakaya para makuha ang mga boto ng …
Read More »Lutas na
IPINAGMAMALAKI ni Director- General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang tinawag niyang major breakthrough umano sa imbestigasyon ng pagkakapaslang kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at ng kanyang security escort na si SPO2 Orlando Diaz sa Daraga, Albay noong Disyembre 22, 2018. Lumutang sa imbestigasyon ng PNP ang mga pangalan ng anim na persons of interest …
Read More »Privacy ingatan
HINDI maitatanggi na malaki ang maitutulong at magiging bahagi ng Philippine Identification System Act na pinirmahan na ni President Duterte sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino. Nakasanayan na ng maraming Pinoy na magdala ng wallet na saksakan nang kapal dahil naglalaman ng iba’t ibang klase ng ID na tulad ng Pag-IBIG, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System …
Read More »Maging aral sana
DAPAT mag-ingat tayo sa bawat sasabihin dahil kapag nakapagbitiw ng maaanghang na salita na nakababastos sa ating kapwa ay hindi na ito mababawi kahit na ano pang paghingi ng paumanhin ang ating gawin. Ito ang dapat tandaan ng bawat isa lalo ng mga lingkod-bayan o opisyal ng gobyerno na patuloy na nakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa pang-araw-araw …
Read More »Pagbalewala sa Konstitusyon
MARAMI ang nagulat nang maglabas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court Branch 150 sa ilalim ni Judge Elmo Alameda laban kay Senator Antonio Trillanes IV dahil sa kanyang papel sa pananakop ng Manila Peninsula noong 2007. Pinagbigyan ng husgado ang mosyon ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng paglabas ng Proclamation No. 572 ni President Duterte na nagbasura …
Read More »Problemang paradahan
HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang labanan ang trapiko, mapaluwag ang mga lansangan at maalis ang mga sasakyan na nagsisilbing sagabal upang sumikip ang ating mga daanan. Kabi-kabila ang isinasagawang clearing operations sa iba’t ibang sulok at bahagi ng Metro Manila, lalo sa mga palengke na kadalasan ay halos inaangkin na ng mga vendor ang mga lansangan. …
Read More »Palakpakan
SA pagkakataong ito ay hayaan ninyong purihin natin ang dapat purihin at ito ay walang iba kundi si President Duterte, ang kanyang Gabinete at lahat ng mga nagtulung-tulong upang harapin ang kinatatakutang super-lakas na bagyong Ompong. Ang naturang bagyo ay may lakas na 205 kilometers at bugso na 255 kilometers per hour at malawak ang sinasakop. Kung titingnan sa mapa …
Read More »Krisis sa bigas
ANG krisis sa bigas sa lungsod ng Zamboanga at sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawitawi (Zambasulta) ay matinding babala sa kapalaran na maaari nating sapitin kung magtatagumpay ang mga economic manager sa kanilang mungkahi na umasa sa inangkat na bigas at bawasan ang paggasta sa programa ng gobyerno sa bigas sa Filipinas. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, …
Read More »Problemang shabu tuldukan
PATULOY ang masinsinang pagtutok at pagtugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ipinagbabawal na drogang shabu at sa mga demonyong nagpapakalat nito. Akalain ninyong kamakailan lang ay natuklasan ng PDEA ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon na itinago sa dalawang magnetic scrap lifters sa loob ng isang container sa Manila International …
Read More »Anino ng terorismo
HINDI maitatanggi na hanggang ngayon ay may mga pagkakataon na nalililiman pa rin tayo ng anino ng terorismo na kahit paunti-unti ay biglaang nagpaparamdam ng kalupitan sa ating kawawa at walang kamalay-malay na mga mamamayan. Kamakailan nga lang ay muli itong naganap nang makalusot na naman ang mga terorista sa dapat sana’y mahigpit, tuloy-tuloy at walang puknat na pagbabantay ng …
Read More »Plantsadong balakin?
KUNG ikokompara sa sport na boxing ay masasabing nagwagi na si dating President Gloria Macapagal-Arroyo dahil naagaw na niya ang pinakamimithing titulo sa House of Representatives mula kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang Speaker of the House. Gayonman ay marami ang nagtaka kung bakit lumalabas na minadali ito at itinaon pa sa araw mismo ng pagbibigay ng State of the Nation …
Read More »Modelong opisyal
SA gitna ng santambak na intriga at kontrobersiya na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) bunga ng katiwalian at kabalbalan ng ilang bugok nilang kasapi ay nakatutuwang malaman na may mga opisyal pa rin na tunay na may malasakit sa organisasyon at tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin na magpatupad ng batas, kahit may kabaro siyang masasagasaan. Halimbawa na rito ang …
Read More »Duterte mananahimik?
PUMAYAG umano si President Rodrigo Duterte na tumigil sa paglalabas ng mga pahayag tungkol sa simbahan matapos makipagpulong nang one-on-one sa pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Archbishop Romulo Valles. Maaalalang naging kontrobersiyal ang sunod-sunod na pagbatikos ni Duterte laban sa simbahan na humantong sa pagtawag niya na estupido raw ang Diyos at pagkuwestiyon sa …
Read More »