Monday , January 24 2022

Robert B. Roque, Jr.

Protektahan ang Philippine Rise

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

MISMONG si President Duterte na ang nag-utos na protektahan ang Benham Rise laban sa poachers at illegal fishers dahil sa atin ang naturang lugar na matatagpuan sa malawak na continental shelf ng Luzon. Sa katunayan ay inutos ng Pangulo na palitan ang pangalan nito sa Philippine Rise dahil matagal na itong pinangingisdaan ng mga Filipino bago pa ipangalan sa US …

Read More »

Simpatiya kay Gina

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

ANG pagkabigo ni Gina Lopez na masungkit ang napakahalaga at inaasam niyang kompirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA) na maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay pagkabigo rin ng taong-bayan. Umani siya ng paghanga nang sa unang pagkakataon ay nakita ng mga mamamayan sa katauhan ni Lopez ang isang opisyal ng DENR na hindi kayang …

Read More »

Pergalan hindi mapigilan

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

ANG mga perya ay maliliit na karnabal na madalas makitang nagsusulputan kapag may piyesta o kaya ay malapit na ang Pasko, upang pasyalan ng mga tao na ibig magsaya sa kanilang handog na rides na tulad ng Horror Train, Ferris Wheel at Merry-Go-Round. Ang mga ‘pergalan’ naman ay maliit na perya sa paningin ng tao na naghahandog ng bawal na …

Read More »

Economic sabotage

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

ITO ang ikakaso ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa matutuklasang nagtatago ng bigas sa kanilang mga warehouse. Una rito ay binalaan na ng kalihim ang mga negosyante ng bigas na huwag palalabasin na may kakulangan sa bigas kahit wala naman. Kapag hindi sila sumunod ay hindi mag-aalinlangan si Piñol na hilingin kay President Duterte na bumuo ng task force na …

Read More »

Matuto sa mga nagma-marijuana

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

HABANG nagtatagal ay lalo tayong nabibigla sa mga natutuklasan kaugnay ng marijuana, na noon ay mahigpit na ipinagbabawal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil maraming pag-aaral at modernong teknolohiya ay nadiskubre sa kasalukuyan na ang marijuana ay gamot, na batid na ng mga sinaunang tao sa loob ng libo-libong taon. Ngayon ay puwedeng hanguin sa cannabis ang bahagi nito …

Read More »

‘Ginatasan’

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

SA kabila ng daan-daang milyong piso na ibinubuhos ng gobyerno sa Philippine Dairy Program, bukod pa sa tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ng Amerika at New Zealand, ay hindi umano ito umaasenso. Nang umupo si Manny Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture and Fisheries matapos magwagi si President Duterte ay noon niya natuklasan ang umiiral na katiwalian sa …

Read More »

Mga kompanyang lumuray sa kalikasan

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

KINONDENA ni President Duterte ang mga kompanya ng minahan dahil sa pagluray na ginawa nila sa kalikasan sa ilang bahagi ng bansa. Sa isang pulong balitaan ay inilabas ni Duterte ang kanyang galit, kasabay ng paggamit ng makukulay na salita na kanyang nakagawian, habang ipinakikita ang mga larawan ng nakawiwindang na epekto ng minahan sa lugar. Daig pa ang dinaanan …

Read More »

Pagsasalegal sa Marijuana umarangkada

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

UMARANGKADA na sa House Committee on Health ang talakayan para gawing legal ang paggamit ng Marijuana bilang gamot, upang makatulong sa mara-ming pinahihirapan ng iba’t ibang malalang sakit. Sa panukalang batas na inihain ni Isabela congressman Rodolfo Albano III kaugnay ng wastong paggamit ng medical marijuana ay magtatalaga ng manggagamot at caregiver na may sapat na kaalaman ukol dito, bukod …

Read More »

Kapit sa patalim

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

MARAMING nakikitang problema na idinudulot ang patuloy na pamamasada ng mga lumang jeep sa lansangan, kaya nais itong tanggalin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang mga lumang jeep umano ang lumalason sa hangin at nagiging sanhi ng air pollution kaya nagkakasakit ang mga mamamayan. Dahil sa kalumaan ay nagiging dahilan din ito ng malalagim na aksidente kapag …

Read More »

Mahalaga ang respeto

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

SA lahat ng pagkaka-taon ay huwag sana natin kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa ating kapwa tao. Noong isang linggo lamang ay lumutang ang retiradong pulis ng Davao City na si SPO3 Arthur Lascañas sa Senado para magbitiw ng mga hindi kanais-nais na pahayag laban sa Pangulo. Kung noong Oktubre ay nagpahayag siya sa Senado na hindi totoo …

Read More »

‘Father’ Bato

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Nagmistulang pari si Director-General Ronald “Bato” dela Rosa, Philippine National Police (PNP) Chief, nang payuhan (o sermunan?) ang mga bagong kasal na pulis, matapos niyang pa-ngunahan ang “Kasalang Bayan” na isinagawa sa Camp Crame noong isang linggo. At ang napagbalingan ni “Father” Bato ay ang mga asawa ng naturang mga bagong pulis, na sinabihan niya na huwag mag-isip ng mga …

Read More »

May lusot ba si Dumlao?

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

NADIDIIN si Superintendent Rafael Dumlao III bilang mastermind sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo. Sa katunayan ay hinamon siya ni Jerry Omlang, ang striker o utusan ng National Bureau of Investigation (NBI), na pareho silang magpa-lie detector test upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi nang totoo. Si Omlang ay kaibigan ng suspek …

Read More »

Parusahan at ikulong

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

WALANG alinlangan na mabuti ang hangarin ni President Duterte sa kanyang isinasagawang digmaan laban sa ilegal na droga, kaya suportado ito ng karamihan ng Filipino. Sa sobrang galit ni Duterte sa droga ay inatasan niya ang mga pulis na paslangin ang mga suspek na lalaban kapag inaaresto. Wala raw dapat alalahanin ang pulisya dahil sagot niya. Ang pahayag ng suportang …

Read More »

Galit ni Duterte sa droga sinasamantala

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

BATID ng sambayanan na matindi ang galit ni President Duterte sa ilegal na droga at ito ang nagbunsod ng kautusan niya sa mga awtoridad na hulihin ang mga adik at pusher sa bansa. Nakalulungkot nga lamang na ang pangakong suporta ni Duterte sa mga opisyal sa kanyang digmaan sa droga rin ang dahilan kaya lumakas ang loob ng ibang pulis …

Read More »

Pamamaslang sa Korean pampagising

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

ANG brutal na pagkakapaslang sa isang ne-gosyanteng Korean sa loob ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ay magsilbi sa-nang pampagising sa hepe ng pulisya na si Director-General Ronald “Bato” dela Rosa. Dinukot ng mga pulis si Jee Ick Joo mula sa kanyang tahanan sa Angeles City noong Oktubre sa pagkukunwaring iniimbestigahan siya sa droga at pinaslang sa …

Read More »

Laban ni Cardinal Tagle sa droga

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

HINDI maitatanggi na umaatikabo pa rin ang digmaan sa ilegal na droga na ipinag-utos ni President Duterte na ipatupad ng mga awtoridad. Pero sa kasagsagan ng naturang gi-yera ni Duterte ay may sarili palang laban sa droga si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Upang mapalakas ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila, nilagdaan kamakailan ang isang memorandum of …

Read More »

Pagkatay ng aso sa pelikula

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

MAINIT pa ring paksa ang brutal na eksena ng pagkatay sa isang aso na ipinakita sa isa sa mga pelikulang kalahok sa nagdaang ika-42 Metro Manila Film Festival (MMFF). Nakapanghihinayang dahil mahusay ang pagkakagawa sa pelikulang “Oro” kaya nagwagi bilang “Best Actress” ang bida na si Irma Adlawan. Nakatanggap din ito ng “Best Ensemble Cast” at “Fernando Poe Jr. Memorial …

Read More »

Total ban sa paputok kailangan

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

KUNG hindi magpapatupad ang pamahalaan ng “total ban” sa paggamit ng paputok sa bansa, patuloy na mauulit ang mga kalunos-lunos na eksena ng mga duguang pasyente na humihiyaw habang ginagamot sa mga ospital sa tuwing sasalubu-ngin natin ang pagpasok ng Bagong Taon. Dose-dosenang biktima ng paputok ang isinugod muli sa mga pagamutan sa buong bansa. Karamihan sa kanila ay mga …

Read More »

Pondo ng regalong pera kinuwestiyon

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

SAAN kaya nagmula ang pondo sa pera na iniregalo umano sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na inianunsiyo kamakailan ni  police Director-General Ronald dela Rosa? Sa Christmas party ng pulisya ay binanggit ni Dela Rosa na ang matataas na opisyal ay makatatanggap daw ng cash gifts mula P50,000 hanggang P400,000 ang halaga mula kay President Duterte. Masayang …

Read More »

Mga pergalan sakla namamayagpag

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

TRADISYON na para sa mga Filipino ang pumasyal sa maliliit na karnabal na kung tawagin ay perya kapag may piyesta o malapit na ang Pasko, at magpakasaya sa pagsakay sa Ferris Wheel o kaya ay Horror Train. Legal ang operasyon ng perya kapag nakakukuha ng permit para mag-operate at makapagbayad ng kaukulang amusement tax sa gobyerno. Nagiging ilegal ang takbo …

Read More »

Pergalan at Sakla

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

MAGPAPASKO na kaya talamak na naman ang ‘pergalan, na mula sa mga salitang perya at sugalan. Hinihingi ang permiso nito sa kinauukulan para makapagbukas ng peryahan ngunit walang rides o wholesome entertainment. Bawal na sugal lang na “color games” at “drop ball” ang handog nito pero dinudumog pati ng kabataan. Nagsisilbing front lamang ang peryahan. Ang perya ay maliit na …

Read More »

Ugnayang magsasaka at supermarkets pinalalakas

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

KAPURI-PURI ang pagsisikap na ibinubuhos ni Agriculture Secretary Manny Piñol para sa kapakanan ng mga magsasaka. Sa katunayan ay nagsilbi pa siyang tagapamagitan o tulay kamakailan sa pagtitipon sa pagitan ng mga magsasaka ng sibuyas ng Nueva Ecija at ng pinakamalalaking pangalan sa supermarket at distribusyon ng pagkain. Hindi biro ang lugar na pinagdausan ng kanilang meeting at hapunan dahil …

Read More »

Kerwin affidavit inaabangan

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

NGAYONG nakabalik na sa bansa ang sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa, anak ng nasawing alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa Sr., nabaling ang atensiyon ng marami sa mga posible niyang ibunyag at isabit sa ilegal na droga. Inimbitahan si Kerwin na dumalo sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ng kanyang ama. May affidavit din siyang ginawa …

Read More »

Huwag kaligtaan ang ‘illegal gambling’

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

SA araw-araw ay may nauulat na nahuli o kaya ay napatay dahil lumaban umano sa operasyon ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga. Ang pinaigting na sipag na ipinakikita ng pulisya laban sa nga adik at tulak ay bahagi ng pagtupad sa pangako ni President Duterte noong nangangampanya na wawakasan niya ang problema sa droga sa loob lamang ng …

Read More »

Mayor Espinosa biktima ng EJK?

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

BIKTIMA kaya ng extrajudicial killing ang suspek sa droga na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.? Marami kasi ang nagduda sa pagkasawi ni Espinosa noong Sabado sa kanyang selda sa Leyte, kabilang na si Senator Panfilo “Ping” Lacson, kaya nais ng naturang senador na maipagpatuloy ang katatapos lang na Senate inquiry sa sunod-sunod na pagpatay kaugnay ng droga. Hindi …

Read More »