Monday , December 23 2024

Reggee Bonoan

Barbara ni Celso Ad, binigyan ng bagong twist

DINAGSA ang celebrity screening ng Barbara Reimagined na idinirehe ni Benedict Mique na hango sa horror film ni Celso Ad Castillo na Patayin Mo sa Sindak si Barbara na binigyan ng bagong twist. Kasalukuyang napapanood na ito sa iWant na ang mga bida ay sina Nathalie bilang Barbara, JC de Vera, Mariel de Leon, at Xia Vigor. Isinabay ang pagpapalabas …

Read More »

Cindy at Rhen, walang inggitan, walang sapawan

MAY sariling contest pala sa pag-arte ang dalawang bida ng ADAN na sina Cindy Miranda at Rhen Escano na ibinuking ng direktor nilang si Roman Perez, Jr.. “Noong tinanggap ko po ang pelikula, napansin ko lang sa dalawa na maganda ang chemistry nila. Pero higit sa lahat, si Cindy siyempre Binibining Pilipinas siya, mayroon siyang competitive mentality na ‘kailangan magaling …

Read More »

‘Pagpapa-asa’ ni Carlo kay Angelica, naungkat

Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

BASAG na basag si Carlo Aquino sa tanong ng tinaguriang Dean of Entertainment press na si Manay Ethel Ramos tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban. Unang tanong kay Carlo ay kung may komunikasyon pa sila ng dating karelasyon at sinagot nito ng wala pa at willing siyang kausapin ito sa tamang panahon. Pero inamin ng aktor na nag-hi and hello sila sa nakaraang ABS-CBN trade lunch. “Hindi …

Read More »

Adan, umaasang mabibigyan ng R-16

BAGO ang presscon ng pelikulang ADAN kagabi sa Tiyo Craft Kitchen & Bar, Scout Rallos, Quezon City ay naka-chat namin si Direk Yam Laranas ng Aliud Entertainment na inspired of true events ang istorya nito na isinulat ng asawang si Gin de Mesa na idinirehe ni Roman Santillan Perez, Jr.. Si Direk Yam ang nag-conceptualize ng ADAN at siya na rin ang musical direktor na nakipag-collaborate kay Zild Benitez (lV of Spades). Ang theme …

Read More »

Pagpo-produce ni Arjo ng pelikula, kinukuwestiyon

Anyway, idinamay pa ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na ipadadala raw niya ang anak sa ibang bansa para maging disenteng beki.  Tawang-tawa kami, pero minabuti naming isulat ito para sana magising maski paano ang mga nag-iilusyong beki ang boyfriend ni Maine. At pati ang pagpo-produce ni Arjo ng pelikula ay kinuwestiyon, kesyo walang pera ang binata at …

Read More »

Kathryn at Daniel, pinaghahandaan na ang future (sa pagsososyo sa negosyo); KathNiel teleserye, sa 2020 na

BAKIT nga ba barber shop ang unang negosyong itinayo ng mag-sweetheart na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. “Kasi si Kathryn may Kath Nails na, na mostly for women, so napag-usapan namin ni Kath na dahil isa ako sa lalaking masyadong maselan sa pagpapagupit sa mga barbero. At saka ‘yung theme nitong Barbero Blues, pasok sa personalidad namin,” pahayag ni DJ. At kaya naman napapayag si …

Read More »

Kuya Boy, baon ang experiences bilang manager (sa kukuwestiyon bilang hurado sa Your Moment)

AMINADO si Boy Abunda na hindi siya marunong kumanta, pero alam niya ang sintunado at hindi.  Hindi rin siya marunong sumayaw pero alam niya kung nasa tiyempo at galawan nito. Kaya ang experiences niya bilang talent manager ang baon niya sa pagiging judge sa Your Moment kasama sina Nadine Lustre at Billy Crawford. Kaya sakaling kwestiyonin ang kredibilidad niya bilang hurado, sasagutin niya ng, ”I have managed talents …

Read More »

Nadine Lustre, nahihirapan at emosyonal sa Your Moment

HINDI kasama ni Nadine Lustre ang boyfriend na si James Reid sa bagong talent reality format sa ABS-CBN, ang Your Moment kaya naman hiningan ito ng reaksiyon sa pagkakahiwalay nila ng trabaho. “Like I said po before hindi naman po puwedeng parati kaming magkadikit, kailangan mayroon din kaming time mag-grow separately kasi lagi naman pong ganoon para at least ‘pag …

Read More »

Sue, pasado bilang host kay Robi

NAPANOOD na nitong hatinggabi ng Oktubre 23 ang iWant docu series nina Robi Domingo at Sue Ramirez na may titulong Unlisted na ang mga lugar na napuntahan nila ay ang Tanay, Rizal, Taytay Rizal, Baras, Rizal, Capiz, Roxas City, Basey, Samar, at Escolta, Manila na hindi alam ng marami na maraming tourist destination kaya ang mga nabanggit na lugar ang …

Read More »

La Greta, pinanindigan kay Dominique: Wala siyang relasyon kay Atong Ang

IISA ang tanong ng lahat, bakit biglang lumipad pa-San Francisco, USA si Gretchen Barretto?  Physically iniwan ang gusot nila nina Claudine at Marjorie Barretto, pero aktibo naman siya sa social media dahil bawat bato sa kanya ng huli ay may sagot siya. Pati na ang litratong kumalat sa social media na magka-holding hands silang natutulog  ni Atong Ang sa eroplano ay nabigyan niya ng justice at …

Read More »

Regine, ‘kinatakutan’ ng ilang aktor sa Cinema 1 Originals

MATAGAL na panahong hindi napanood sa pelikula si Regine Velasquez kaya naman maraming natuwa nang nalamang nakagawa siya ng indie film na kasama sa 15th year ng Cinema One Originals Film Festival na magsisimula sa Nobyembre 7-17. Ganito rin pala ang nararamdaman ng mang-aawit sa kanyang pagbabalik pelikula. “I’m very happy to be part of this festival and it’s my first time and I’m also …

Read More »

Aktor, nairita sa ‘di pag-asikaso sa kanya sa dubbing

blind mystery man

IRITABLE ang premyadong aktor nang magpunta siya sa dubbing para sa pelikulang malapit nang ipalabas dahil wala man lang nag-asikaso sa kanya. Kuwento ng staff ng premyadong aktor, “segue kasi si (aktor) sa dubbing mula sa (taping ng serye). Puyat siya but since kinausap siya for dubbing kaya go siya.  Nakakaloka lang kasi wala naman palang tao roon (dubbing), walang tao ‘yung production, …

Read More »

Pag-etsapuwera sa The Heiress, ikinalungkot; Uunahan na lang ang MMFF

ANG daming nalungkot na kasamahan sa panulat na hindi napasama ang horror movie na The Heiress ni Maricel Soriano produced ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2019 dahil ang daming nag-aabang. Binago na kasi ng pamunuan ng MMFF na isang genre lang sa walong pelikulang kasama sa MMFF 2019. Ang horror movie na Sunod  ni Carmina Villaroel mula sa Ten17 Productions ang kapalit ng K(Ampon) ni Kris Aquino na disqualified dahil sa pagbabago ng …

Read More »

Rayver, nag- propose na nga ba kay Janine?

NAGBAKASYON sa Paris kamakailan sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez kaya may kumalat na balitang nag-propose na ang aktor sa aktres. Kaagad namang itinanggi ito ng taong malapit kay Rayver dahil malayong mangyari kasi naman pareho pang career ang prioridad ng dalawa. Bukod dito, hindi pa financially stable si Rayver dahil alam naman ng lahat na siya ang breadwinner ng pamilya at dumaan siya …

Read More »

Alden, ‘di epektibong bulag; Starla, ipinalilipat sa mas maagang timeslot

MARAMI kaming nabasang  nagpo-protesta ang ilang viewers ng Starla na ilipat sa mas maagang timeslot o pagpalitin sila ng FPJ’s Ang Probinsyano. Late na nga naman para sa mga anak nila ang 9:00 p.m. dahil may pasok pa kinabukasan ang mga mag-aaral.  Gayundin para sa mga nag-o-opisina na gigising pa ng madaling araw para hindi abutan ng traffic crisis. Sa ganang amin, mukhang …

Read More »

Joshua, pinagseselosan ni Markus

“WHAT you see is what you get. Alam n’yo namang wala akong sasabihin, confirm or deny it,” ito ang sagot ni Markus Patterson kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Janella Salvador, “we’re good friends,” sabi pa. Kaya ang tanong namin ay kung ilang buwan o taon na silang ‘friends’ ni Janella at inamin ng aktor na, “mag-6 months na since …

Read More »

Cast ng The General’s Daughter, nag-iyakan

NAG-LAST taping day na ang The General’s Daughter nitong Miyerkoles at lahat sila ay may separation anxiety o sepanx pero ayaw nilang maghiwalay na malungkot at nag-iiyakan. Nag-post si Angel ng litratong kunwari ay naiiyak silang cast na may caption na, “Last taping day for The General’s Daughter walang iiyak (lol ).  Imma miss these guys so much @eulavaldes @super_janice @akosijcdeberat @iamryzacenon @tirsocruziii …

Read More »

Jerome, sa pagba-bakla — nailang, ‘di kinaya

UNANG beses gumanap bilang bakla sa pelikula si Jerome Ponce kaya inamin niyang kabado siya at talagang hindi niya alam ang gagawin noong sabihin sa kanya ni Direk Jason Paul Laxamana ang karakter niya. Kuwento ng aktor, nag-audition siya para sa ibang role kaya laking gulat niya nang ibang karakter ang ibigay sa kanya sa pelikulang Ang Henera­syong Sumuko sa Love na produce ng Regal Films. At …

Read More »

Tony, aminado — ‘di po ako boyfriend material

IBA naman ang panuntunan sa buhay ni Tony Labrusca dahil as of now ay wala pa rin siyang girlfriend o karelasyon. Ang katwiran kasi ng aktor ay kailangang mahalin muna niya ang sarili at mga mahal niya sa buhay at pagsilbihan. Aniya, ”Know and love yourself first before you love anybody else. And you know, ang hirap kasi sa industriya natin na …

Read More »

Direk Sigrid, magsu-shoot sa North Pole

“TRY ko next time mag-shoot sa North Pole,” ito ang sagot sa amin ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa biro naming, ‘North Pole na lang ang hindi niya nararating. Nag-post kasi si direk Sigrid ng, “touchdown PARIS. #walang KaPARIS #Alempoy,” kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito. Hindi pa mag-i-start ng shooting si direk Sigrid, “research lang muna ako. Start …

Read More »

Joseph at Albie, nagkasigawan dahil sa microwave

HINDI nasulat sa pahayagan pero kumalat namang usapan na nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sina Joseph Marco at Albie Casino sa set ng Los Bastardos dahil sa microwave na pag-aari ng una. Ang kuwento kasi ay nagpainit si Albie ng pagkain gamit ang paper plate na hindi niya alam na bawal pala lalo’t may aluminum sa ibabaw na dahilan kaya nagkaroon ng short ciruit. At nang …

Read More »

Kylie pumalag, ‘di totoong nagselos kaya nandura

TUNGKOL pa rin sa away ay klinaro nina Kylie Verzosa at Maxine Med­i­na ang tung­kol sa nangyaring duraan sa set. Ang kuwento ay dinuraan ni Kylie si Maxine sa mukha na hindi naman kasama sa script. Ang paliwanag ni Kylie, “Right after naman po nag-sorry naman ako. Nadala po ako sa eksena.  Yung character ko po bilang si Dulce ang nakasakit kay …

Read More »