Thursday , March 30 2023

Kuya Boy, baon ang experiences bilang manager (sa kukuwestiyon bilang hurado sa Your Moment)

AMINADO si Boy Abunda na hindi siya marunong kumanta, pero alam niya ang sintunado at hindi.  Hindi rin siya marunong sumayaw pero alam niya kung nasa tiyempo at galawan nito. Kaya ang experiences niya bilang talent manager ang baon niya sa pagiging judge sa Your Moment kasama sina Nadine Lustre at Billy Crawford.

Kaya sakaling kwestiyonin ang kredibilidad niya bilang hurado, sasagutin niya ng, ”I have managed talents for the last 30 years. I know where I am coming from. Totoo ‘yun, hindi ako marunong kumanta pero alam ko ang flat, alam ko ang sharp. Hindi ako marunong sumayaw pero alam ko kung mali ang entrada mo. But more than that, ang hinahanap ko ay star.

Hinahanap ko ‘yung qualities of a star. Mayroon naman siguro akong track record na mga artista at mga singer na nai-build-up na. I didn’t do this alone. I did it with a team. I know kung ano ang aking pinanggagalingan.”

Kuwento ni Kuya Boy, nakausap nilang mga hurado ang contestants ng Your Moment

We have a chance to speak with the contestants. So, ang tanong ko madalas ay ‘What are you trying to tell us?’ ‘What is your story?’ or ‘Sorry, ha, hindi ko naintindihan kung saan ka papunta. Bakit ka tumili roon?’

As Billy would say, ‘Medyo sabit ang high notes mo.’ And Nadine would say, ‘Nahirapan ka sa movement sa gitna, ‘no?’ It’s a wonderful combination.”

Our combination is very important. It’s a group contest, eh. Iba ‘yung performance when you perform as a soloist than when you perform with someone or with a group.

Doon kami tumitingin kay Nadine. How was that experience being part of a girl group kasi iba ‘yung performance? Ako, ang baon ko ay mahilig ako sa kuwento. Gusto ko ‘yung nagkukuwento sa akin. Sayaw, kanta, gusto ko ay nauunawaan ko kung ano ang gusto mong ikuwento sa akin bilang isang tagahanga,” sambit pa ng isa sa YM judges.

Dagdag pa, “It’s a very difficult combination of excellence and charisma. To me, if you combine talent and the ‘It’ factor ‘yung presence that becomes your moment.

You can have talent pero walang dating. You can have all the ‘dating’, wala ka namang talent. Pero pagsamahin mo ‘yun and you sparkle,” saad niya.

Ang huling reality show na naging hurado si Kuya Boy ay ang Star Circle Quest na panahong pinanalunan ni Hero Angeles bilang Grand Questor at si Sandara Park nanalo sa Voters Choice Award, sina Roxanne Guinoo ang nagkamit ng 3rd place, Joross Gamboa ang 4th place at 5th place naman si Melissa Ricks.

Ang judging ko rito ay katulad niyong mga kapanahunan ni Sandara, Joross, lahat ng nagdaan sa ‘Star Circle Quest?’ Hindi rin. Medyo may nabago pero kung anuman ang natira roon sa estilong iyon ay hindi ko bibitawan ‘yung opinion ko at ‘yung hinahanap ko.

Nagbago ang audience, nabago na rin ang tao. Social media now is very strong. Ang contestants, they have become better. Kasi noon ‘di ba, paiyakan, etcetera. Ito ay mas malakas ang tension dahil ang competitor’s ng ‘Your Moment’ ay sobrang lakas ng competition,” paliwanag pa ng magaling na talent manager.

Kung dati ay medyo mataray siya bilang hurado ngayon ay iba na, “deliberate ang cruelty ko rati kasi ang pananaw natin ay ang starring ay ang contestant, we’re just part of the show. May contestants, then ang judges ang kontrabida.”

Iba na kasi ang konsepto ng Your Moment dahil nga iaalok ito sa ibang bansa or going globally ang nasabing reality show.

”I think that the articulation of your commentary, dapat klaro ang pinanggagalingan. I am not saying it wasn’t clear before. Noon mas madali, ngayon hindi, eh. Mahirap dahil matindi ang kompetisyon.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …

Althea Ablan Jillian Ward

Althea tinalbugan na raw si Jillian 

I-FLEXni Jun Nardo KABILANG ang Sparkle artist na si Althea Ablan sa comfy summer outfits ng BNY clothing matapos i-launch ng Kapamilya young …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *