Sunday , August 14 2022
blind mystery man

Aktor, nairita sa ‘di pag-asikaso sa kanya sa dubbing

IRITABLE ang premyadong aktor nang magpunta siya sa dubbing para sa pelikulang malapit nang ipalabas dahil wala man lang nag-asikaso sa kanya.

Kuwento ng staff ng premyadong aktor, “segue kasi si (aktor) sa dubbing mula sa (taping ng serye). Puyat siya but since kinausap siya for dubbing kaya go siya.  Nakakaloka lang kasi wala naman palang tao roon (dubbing), walang tao ‘yung production, hindi alam sino kakausapin kaya umalis kami.”

Hindi namin alam ang sistema sa dubbing kaya wala kaming masabi tungkol dito kaya nagtanong kami sa mga kinauukulan.

“‘Pag dubbing, dapat may staff ‘yung production na mag-asikaso sa artista kasi sila ‘yung nakaaalam. Sila maglalatag ng script,” paliwanag sa amin.

Sa madaling salita walang taga-production na nagbantay para sa mga artista nilang magda-dubbling.

Bakit nga ba? Hindi ba ito extension ng trabaho ng staff o sinuman? Kaninong call ba ito?  Sa producer, line producer o director?

 (Reggee Bonoan)

About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply