Wednesday , November 20 2024

Raul Suscano

2 rookie cops pinosasan ng mga kabaro sa target shooting

HINDI inakala ng dalawang bagitong pulis na ang ginawang target shooting ay magdudulot ng masamang pangitain sa kanilang buhay nang pagdadakmain at posasan ng mga kabaro sa Santor River, bayan ng Gabaldon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 17 Abril. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang mga rookie cop na sina P/Cpl. Lawrence Natividad, nakadestino sa Manila …

Read More »

7-taon nagtago, most wanted ng Nueva Ecija tiklo

INARESTO ng mga kagawad ng Lupao Municipal Police Station ang isang suspek na kabilang sa top most wanted ng Nueva Ecija, pitong taon nagtago sa batas nang dalawin niya ang kanyang pamilya nitong Sabado, 17 Abril, sa Brgy. Manicla, lungsod ng San Jose, sa nabanggit na lalawigan. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. …

Read More »

PRO3 nakiisa, namigay ng alay sa mga kapatid na Muslim (Sa pagdiriwang ng Ramadan)

NAMAHAGI ng Ramadhan Sadaqah ang mga kawani ng Angeles City Police Office sa pamumuno ni P/Col. Rommel Batangan, sa ilalim ng superbisyon ni PRO3 P/BGen. Valeriano de Leon, nitong Sabado, 17 Abril, bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa pagtitipong gina­nap, ipinatupad ang minimum standard ng safety …

Read More »

Saklaan sinalakay 12 sugarol dinakma

HINDI na nakapalag ang mga itinurong ‘sugarol’ nang arestohin ng nakapaligid na mga kagawad ng Mabalacat City Police Station habang abala sa pagsusugal sa ikinasang raid nitong Huwebes, 15 Abril, sa isang Saklaan sa 63 St., Mawaque Resettlement Center, Sapang Biabas, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/Col. Rossel Cejas, hepe ng Mabalacat City PNP, ang mga …

Read More »

Matataas na kalibreng baril, granada buko sa raid (Sa Zambales)

NATAGPUAN ang matataas na kalibre ng mga baril at granada sa mga bahay ng dalawang suspek na hindi nadatnan sa ginawang pagsalakay ng pinagsamang puwersa ng CIDG CFU Olongapo, CIDG PFU Zambales, 301st MARPSTA, PIU, PDEU, 1st at 2nd PMFC, PDEG, SWAT, ZPO, HPG, PDEA at Subic Municipal Police Station sa bisa ng search warrants nitong Huwebes, 15 Abril, sa Subic, lalawigan ng …

Read More »

HVI pusher tiklo sa P.68-M droga sa anti-narcotics ops

TINATAYANG nasa P680,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakompiska mula sa nadakip na suspek sa inilatag na anti-narcotics operation ng PDEU, PIU Pampanga PPO, at Mabalacat City Police Station, nitong Martes, 13 Abril, sa Brgy. Mabical, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, base sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director …

Read More »

Most wanted sa CL timbog sa manhunt ops (Anak ng kinakasama ginahasa)

HINDI inaasahan sa kanyang paglutang mula sa halos isang dekadang pagtatago ay matimbog ang isang suspek, itinutu­ring na isa sa most wanted ng Central Luzon sa isinagawang Manhunt Charlie operation nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeria­no de Leon ang suspek na si Alberto Soriano, Jr., 51 anyos, may …

Read More »

2 miyembo ng ‘gang’ timbog sa Pampanga (Sa panghoholdap, pagtutulak ng droga)

ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng isang criminal group nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, nasukol ang mga suspek na kinilalang sina Romer Rillera, 36 anyos, binata, no. 2 most wanted ng San Manuel Police Station; at Mark Anthony Evangelista, 41 …

Read More »

Libreng skills training ng 33 barangay inilunsad ng LGBTQ+ (Sa Angeles City, Pampanga)

PARA tulungang makabangon ang mga apektadong residente sa gitna ng krisis dulot ng pandemya, inilunsad ng isang grupo ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer or Questioning Plus (LGBTQ+) ang libreng skills training sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay Jhune Angeles, lider ng grupo, tuturuang manahi sa ilalim ng programang dressmaking ang mga interesadong residente ng 33 barangay …

Read More »

18 anyos bebot timbog sa ‘omads’ (Sa Nueva Ecija)

ARESTADO ang isang dalaga nang makuhaan ng 80 gramo ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana sa pakikipagtransaksiyon ng mga hindi kilalang operatiba ng Cabanatuan City Police Station SDEU nitong Linggo, 11 Abril sa Brgy. Daang Sarile, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, direktor ng Nueva Ecija PPO, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano …

Read More »

Checkpoints hinigpitan, house lockdown pinalawig (Sa Pampanga)

NAGTALAGA ng iisang entry at exit point ang mga awtoridad upang masala ang bawat pagpasok at paglabas ng mga tao at mga sasakyan maging sa ibang lugar sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Hinigpitan na rin ng mga kawani ng Public Order and Safety Coordinating Office, kasama ang mga kinata­wan ng barangay ang galaw ng mga mamimili sa …

Read More »

2 mailap na tulak lagpak sa PDEA3 (Transaksiyon inilipat sa Maynila)

HUMANTONG sa dead-end at walang daang malusutan ang dalawang maiilap na hini­hinalang mga tulak ng ilegal na droga na nakipag­transaksiyon sa rehiyon sa mga hindi kilalang ahente ng PDEA3 (Philippine Drug Enforcement Agency3) at kalaunan inilipat ang deal sa Malate, lungsod ng Maynila na humantong sa kanilang pagkaaresto nitong Lunes ng umaga, 12 Abril sa isinaga­wang drug bust ng mga …

Read More »

Drug den sinalakay 5 suspek nalambat

LIMANG hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga ang naaresto nang salakayin ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) – Tarlac Provincial Office, ang minamantinang drug den ng mga suspek sa Block 1, Estrada, sa bayan ng Capas, lalawigan ng Tarlac. Ayon kay PDEA3 Director Christian Frivaldo, agad nilang inaksiyonan ang tip mula sa mga mamamayan …

Read More »

Ex-Kagawad balik sa karsel (Tiklo sa pagtutulak)

BALIK-KULUNGAN ang isang dating barangay kagawad nang balikan ang dating bisyong paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga nang maaresto sa inilatag na drug bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Minalin Police Station sa pamumuno ni P/Capt. Mark Anjo Ubaub nitong Biyernes ng gabi, 9 Abril, sa Brgy. Sta. Rita, bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga. Batay …

Read More »

Tulak dedo sa shootout sa anti-narcotics ops (Sa Nueva Ecija)

PATAY ang isang hinihinalang drug peddler sa ikinasang buy bust operation na humantong sa shootout sa pagitan ng suspek at mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police Station, nitong Biyernes, 9 Abril, sa Talipapa, lungsod ng Cabanatuan City, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa report ni …

Read More »

3,215 health workers, frontliners nabakunahan (Sinovac vaccine mula sa DOH3)

UMABOT sa kabuuang 3,215 health workers at iba pang medical frontliners na direktang nangangalaga ng mga pasyenteng positibo sa CoVid-19, mula sa mga pribado at pampublikong pagamutan ang naturukan gamit ang mga donasyong bakuna ng World Health Organization (WHO) sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Alinsunod dito, malugod na tinanggap ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ang mga doses …

Read More »

Bus terminals ininspeksiyon ng PDEA-K9 unit (Sa pinaigting na kampanya kontra droga)

BUKOD sa entrapment operations, panghuhuli ng drug personalities at iba pang operasyon, puspusan din ang inilunsad na mga inspeksiyon at profiling ng K9 Unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 3 sa mga bus terminal sa pamumuno ni Director Christian Frivaldo bilang lead agency sa kasagsagan ng pagpapaigting ng kampanya sa pagsugpo ng ilegal na droga sa rehiyon. Makaraang makipag-ugnayan …

Read More »

No. 7 most wanted ng Zambales timbog sa Mindoro (Ibinuking ng selfie sa socmed)

arrest prison

WALA sa hinagap ng isang suspek na matutunton at madarakip siya ng mga awtoridad nitong Huwebes, 8 Abril, dahil sa pagpo-post ng mga paboritong selfie sa social media sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. San Isidro, isla ng Puerto Galera, lalawigan ng Oriental Mindoro. Base sa ulat ni P/Col. Romano Cardiño, direktor ng Zambales PPO, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de …

Read More »

Roll out ng COVID-19 vaccine patuloy sa Pampanga Frontliners sa top priority ng IATF binakunahan

SA PAGPAPATULOY ng roll-out ng COVID-19 vaccine, isinalang para  mabakunahan ang iba pang Kapampangan frontliners na kabilang sa priority group ng A.1.5 at A.1.6 ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda. Kasama sa priority group ng category A.1.5 ang mga government owned …

Read More »

Apartment sinalakay sa Tarlac Ex-parak, 1 pa timbog sa shabu

HINDI nakapiyok ang dating alagad ng batas at kanyang kasamahan nang makompiskahan ng 35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000 at arestohin ng mga dating kabaro sa inilatag na anti-narcotics operation nitong Martes, 6 Abril, ng mga kawani ng PPDEU Tarlac PPO, at Tarlac City Police Station SDEU, sa kanyang apartment sa lungsod ng Tarlac. Kinilala ni P/Col. …

Read More »

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie Operation

arrest posas

HINDI inakala ng isang wanted na rapist, sa kanyang anim na taong pagtatago ay matutunton at matitimbog ng sama-samang tropa ng PNP-IG RIU3, RID, RIMD, PRO3, PIU, Floridablanca MPS at Guagua Municipal Police Station nitong Martes, 6 Abril, sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PRO3-PNP sa lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. …

Read More »

MPD’s No. 6 most wanted timbog sa Bataan (Sa operation Manhunt Charlie ng PRO3)

arrest prison

HINDI nakalusot ang isang suspek sa pagpatay, na sinabing pang-anim na most wanted ng Manila Police District (MPD) ng magkakasanib na puwersa ng Manila Police District Moriones – Tondo Police Station 2 (PS2) at Orani Municipal Police Station sa inilunsad na operation Manhunt Charlie ng PRO3 nitong Linggo, 4 Abril, sa kanyang hideout sa Brgy. Mulawin, Orani, lalawigan ng Bataan. …

Read More »

SK kagawad tiklo sa damo (Sa Nueva Ecija drug bust)

HINDI na naitago at tuluyan nang nabuko ang pinakaiingatang sikreto ng pagtutulak ng droga nang maaresto ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa inilatag na drug bust nitong Sabado, 3 Abril, ng Nampicuan Municipal Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Randy Panaga, officer-in-charge, sa bayan ng Nampicuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija provincial …

Read More »

Bagong isolation facilities binuksan sa Pampanga (Sa paglobo ng mga kaso ng CoVid-19)

PARA matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pasyente ng CoVid-19 sa pagsirit ng bilang ng mga kaso, binuksan nitong nakaraang Huwebes Santo, 1 Abril, ang mga karagdagang isolation facilities sa lalawigan ng Pampanga. Ininspeksiyon ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang provincial isolation facility sa lungsod ng San Fernando na mayroong 90-bed capacity, puwedeng paglalagakan ng mga magpapamilyang asymptomatic sa CoVid-19. …

Read More »

Drug peddler tumimbuwang sa enkuwentro sa Zambales (Sa pinaigting na kampanya vs droga ng PRO3)

dead gun

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang manlaban sa inilatag na drug bust ng mga sama-samang tropa ng PIU/PDEU, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Zambales PPO, at San Marcelino municipal police station SDEU nitong Huwebes, 1 Abril, sa San Guillermo, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa …

Read More »