IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) — iminungkahi ng ahensiya na suspendehin ang pangongolekta ng toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyang daraan sa Manila-Cavite Toll Expressway, na sumasaklaw sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, sa loob ng 30 araw. Bahagi ang …
Read More »Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan
PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod ng Las Piñas kahapon ng hapon. Ayon kay Las Piñas City police chief, Col. Zandro J. Taffalla, isang report ang kanilng natangap at agad na nagresponde ang kanilang mga tauhan sa Annaliza St., Gatchalian Subdivision sa Barangay Manuyo Dos pasado 12:45 ng tanghali. Nagkaroon ng …
Read More »Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI
MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ikalawang subok ng isang American sex offender na makapasok sa bansa. Ayon sa BI, sumubok na gumamit ng ibang pangalan at pagkakakilanlan si Kent Thomas Kuszajewski, 59. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang nasabing pasahero na si Kent Thomas Kuszajewski, …
Read More »POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop
INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad na nabawasan ang mga ilegal na POGO sa lungsod ng Pasay. Sa panayam sa mga mamamahayag ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) sinabi ni Col. Pabonita, nabawasan na ang mga nagaganap na krimen dulot ng POGO sa naturang lungsod at mas lalo nila ngayong …
Read More »3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD
PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa Cavite sa pamamagitan ng dalawang araw na outreach activities nitong 19-20 Hunyo 2024 upang magbigay ng tulong sa mga residenteng nangangailangan. Sa muling pakikipagtulungan sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), ang magkapatid na …
Read More »Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec
TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi maaaring tanggalin bilang integral part ng polisiya sa pambansang enerhiya ang indigenous gas development upang makamit ang pambansang seguridad sa enerhiya. Ang pahayag na ito ay ginawa ni Prime Energy Managing Director at General Manager Donnabel Kuizon Cruz sa kanyang pagdalo bilang panel sa talakayan …
Read More »OWWA tiniyak Pinoy seafarers ng MV Tutor pinaghahanap
TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging sa international agencies upang masigurong natututukan ang paghahanap sa nawawalang Marino ng MV Tutor. Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, gagawin ng ahensiya ang lahat na makakaya para mahanap ang nawawalang marino. Dagdag rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni …
Read More »SPD tiniyak seguridad sa AOR
TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na iba’t ibang krimen sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon. Sinabi ni SPD director P/BGen. Leon Victor Z. Rosete na naiintindihan nila ang takot at pangambang dulot ng mga shooting incident sa mga residente ngunit tiniyak na nanatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan …
Read More »
Sa NAIA T3
FLIGHT OPS IIWASANG MAAPEKTOHAN SA UPGRADING NG ELECTRICAL SYSTEM
INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nakatakdang maintenance activities para sa pag-upgrade ng electrical systems sa NAIA Terminal 3 upang matiyak na tuluy-tuloy ang flight operation lalo tuwing peak hours. Tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na walang magiging epekto sa flight operation at pagpoproseso sa mga pasahero sa gagawing upgrade na naka-iskedyul simula kahapon, 19 …
Read More »
Sa pekeng MMDA traffic enforcer
P10,000 PABUYA IPAGKAKALOOB SA MAKAPAGTUTURO
MAGBIBIGAY ng P10,000 pabuya si acting chairman Romando Artes sa makapagbibigay ng pangalan at tirahan ng lalaking nagpanggap na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Artes, sa post ng isang netizen, may hinuli ng lalaking nagpakilalang empleyado ng MMDA pero nang hanapan ng ID ng motorista na kanyang hinuhuli ay bigla na lamang umalis. Binigyan-diin ni …
Read More »EU Ambassador nababahala sa panibagong aksiyon ng China sa West Philippine Sea
NANINIDIGAN ang European Union ng pagsuporta sa International Law at sa mapayapang pagresolba sa mga usapin sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni European Union Ambassador Luc Veron, dahil sa mapanganib na maniobra ng barko ng China ay napinsala ang mga barko ng Filipinas at naantala ang maritime operation sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Filipinas. Kaugnay nito, ikinabahala ng …
Read More »Banko sa money laundering may pananagutan sa batas
NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na hindi lusot sa pananagutan ang mga bankong dinaanan ng mga mapapatunayang launder money lalo na’t nabigong magreport sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ang reaksiyon ni Gatchalian ay matapos matukalasan sa kanilang mga ginagawang pagsisiyasat na ang ilang perang ginamit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) at ilegal na gawain ay dumaan sa …
Read More »Security officer ng SC nasa ‘hot water’ sa panghaharas, pagbabanta sa PWD
ISANG person with disability (PWD) ang nagpahayag ng kanyang galit at pagkadesmaya nang siya ay i-harass at pagbantaang hilahin ng chief security officer ng Supreme Court nitong Miyerkoles ng umaga. Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali …
Read More »
Walang binanggit na rason
VP SARA DUTERTE NAGBITIW BILANG GABINETE NI PBBM
NAGBITIW si Vice President Sara Zimmerman Duterte – Carpio bilang Secretary ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) epektibo kahapon, 19 Hulyo 2024. Agad itong tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngunit tumangging magtukoy ng mga pangalang posibleng maging kapalit ni Duterte. Personal na dinala ni Duterte ang …
Read More »
Magsasaka, maliit na koop protektahan
EL NIÑO, IMPORTED NA BIGAS IMARKA SA MAPA NG KAHINAAN
HINIKAYAT ni Senadora Nancy Binay ang National Food Authority (NFA) na simulan ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga lugar na apektado ng El Niño at ang pagdagsa ng imported na bigas. Ayon kay Binay, ang isang mapa ng kahinaan ay makatutulong sa NFA na bigyang-pansin ang mga lugar kung saan dapat nilang ituon ang kanilang …
Read More »Tulong pangkalusugan tiniyak ng pamilya Revilla sa mga Taga-Marikina
TINIYAK ng pamilya Revilla sa mga mga pinuno at mamamayan ng lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Senador Ramon Revilla, Jr., handa ang kanilang tanggapan kahit anong oras upang magbigay tulong sa mga nangangailangan lalo sa usaping pangkalusugan. Ang pagtitiyak ng mga Revilla ay matapos dumalo ang kanyang kabiyak na si Cavite Congresswoman Lani Mercado-Revilla upang pangunahan at saksihan ang …
Read More »Gatchalian segurado, sinalakay na POGOs lisensiyado ng PAGCOR
TINIYAK niSenador Win Gatchalian na ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na ngayon ay tinatawag na Internet Gaming Licensees (IGLs), na ni-raid ng mga awtoridad ay lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Ito ang pahayag ni Gatchalian, matapos sabihin ng PAGCOR na ang lahat ng mga POGO na nare-raid ay walang lisensiya mula sa kanila. Kabilang …
Read More »‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision
BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng mga security guard sa isang malaking subdibisyon sa Las Piñas City matapos humingi ng saklolo sa media upang makamit ang hustisya laba sa malahayop na pagtratong kanyang naranasan. Ayon sa salaysay ni Marjhorie Kirit, 30 anyos, kapatid ng biktimang si Mervin Kirit, 26 anyos, nangangalakal …
Read More »Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation
NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sa POGO hub sa Pampanga. Ayon kay Lapid, kailangan malaman ang katotohanan kung sino ang tunay na nasa likod ng operasyon ng nasabing POGO. “Nararapat na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang malaman kung sino ang mga taong tunay na …
Read More »Sen. Tolentino iginiit dapat linawin direktiba sa Bagong Pilipinas Hymn
IGINIIT ni Senate Pro-Tempore Senador Francis Tolentino dapat magkaroon ng kalinawan ang direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na isama sa weekly flag ceremony ang Bagong Pilipinas pledge o hym. Magugunitang nag-atas ang Pangulo, sa pamamagitan ng kanyang inilabas na Memorandum Circular No. 52, para sa mga tanggapan ng gobyerno na isama ang pledge at himno ng Bagong Pilipinas sa …
Read More »
Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555
SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena sa isang exhibition booth sa Pasay City. Pinangunahan ni Agent Rodolfo Ignacio, executive officer ng Intellectual Property Rights Division ng NBI, ang paghahain ng subpoena kasabay ng imbestigasyon para sa pagsusuri sa mga produktong Sankei 555 gaya ng mga piraso ng manibela …
Read More »
Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA
AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki ang epekto sa ipinatutupad ng pamahalaan na pagbaba ng taripa ng mga agricultural products. Ayon kay Montemayor sa kanyag pagdalo sa lingguhang “The Agenda” forum sa Club Filipino, tiyak na lalong darami ang papasok na imported agricultural products sa bansa dahilan upang magkaroon ng mas …
Read More »Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero
TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa kongreso, hudikatura at iba pang mga constitutional body ang pag-awit at panunumpa ng Bagong Pilipinas. Ayon kay Escudero hindi sila sakop ng ipinalabas na Memorandum Circular No. 52 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dahil ito ay maaaring epektibo lamang sa ehekutibo. Binigyang-diin ni …
Read More »
Makabayan bloc:
RENEWAL NG MERALCO FRANCHISE ‘WAG MADALIIN
NANAWAGAN ang Makabayan bloc sa Kamara na huwag madaliin ang pag-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) na mapapaso sa 2028. Hiling ni Rep. Arlene Brosas, miyembro ng Makabayan bloc sa kapwa mambabatas, pag-aralang mabuti ang mga panukalang batas na inihain para sa agarang pagre-renew ang prangkisa ng Meralco, kahit ito ay hindi pa napapanahon. Iginiit ni Brosas, imbes …
Read More »
Konstruksiyon ng NSB ipinatigil ni Escudero
‘MARITES’ SINISI NI BINAY
SINISI ni Senator Nancy Binay ang ‘marites’ na aniya’y mas pinaniwalaan ni Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero kaysa harapin o kausapin siya bilang dating committee chairperson ng Senate on Accounts sa ilalim ng administrasyon ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri. Ito ay matapos iutos ni Escudero ang pagpapatigil sa konstruksiyon ng New Senate Building (NSB) dahil sa natanggap …
Read More »