Sunday , December 22 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Ibang klase si Duterte

NGAYON lang tayo nagka-presidente na tahasang nagsabi na tatahak tayo ng malayang landas pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Hindi tulad ng mga nagdaang pangulo, lalo na ang nakaraang administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III, na kitang-kita na may ibang interes na ikinokonsidera sa mga hakbangin nito. Ang pagiging malaya mula sa impluwensiya ng mga dayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

Rockstar si Duterte?

TAMA ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya dapat sitahin ni US President Barack Obama sa kanyang pamamalakad sa ating bayan lalo na ‘yung may kaugnayan sa kanyang pakikidigma laban sa bawal na gamot pero hindi naman tama na murahin niya sa harap ng daigdig. Kung tutuusin ay nakatutuwa na kahit pahapyaw ay naungkat ni Pangulong Duterte ang …

Read More »

Si Liza Maza ‘di raw tunay na makamasa?

ITINATANONG ng marami sa mga nakausap natin na contractual na empleyado ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kung talagang makamasa ang pinuno ng kanilang komisyon na si Liza Maza matapos silang sibakin mula sa kanilang ikinabubuhay na gawain. Epektibo raw sa katapusan ng buwang ito ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Hindi raw nila alam kung mula sa susunod na buwan ay …

Read More »

Nanganganib si Bistek na mawala sa poder

USAP-USAPAN sa Lungsod Quezon ngayon ang krisis na kinakaharap ng mayor na si Herbert “Bistek” Bautista kaugnay sa ginawang pag-amin kamakailan ng kanyang nakababatang kapatid na konsehal ng lungsod na si Hero Clarence Bautista bilang isa sa mga naging biktima ng droga. Ayon sa kuwento ay sinadya raw umano ni Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong na ipag-utos ora-orada noong Agosto 1, …

Read More »

Wala kayo sa hulog vice…

NITONG nagdaang Lunes ay induction ng Quezon City Press Club sa Quezon City Hall at ang bisitang pandangal ng samahan ay si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong. Maayos naman sana ang programa hanggang magtalumpati ang vice mayor ni Mayor Herbert Bautista. Inumpisahan ni Vice ang kanyang talumpati sa pinagmulan ng kanyang pamilya at kung paano sila naging publisher ngayon …

Read More »

Ilang tunay na sanhi ng trapik

TINATALAKAY ngayon ng mga opisyal ng pama-halaan ang sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila lalo sa Efifanio De los Santos Avenue (EDSA). Gayon man, nakalulungkot na tila ang nakikita lamang ng mga naguusap na sanhi ng mabagal at nakaiinis na trapik ay provincial buses, UV Express at mga vendor sa daan. Isipin na lamang na lahat …

Read More »

Katarungang panlipunan

DAPAT wakasan ng administrasyong Duterte ang kawalan ng katarungang panlipunan upang mawala na ang insureksiyon. Sang-ayon ako na dapat suportahan ng pangulo ang mga miyembro ng Philippine National Police sa kanilang ginagawang pagsugpo sa kriminalidad sa buong bansa. At lalo rin na ako’y sang-ayon na dapat kastiguhin, kundi man sibakin sa puwesto, ang mga abusado at walang hiyang pulis. Ang …

Read More »

Maganda ang talumpati at simula ni Pangulong Rodrigo Duterte

Maganda ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng kanyang oath taking kahapon sapagkat bukod sa hindi siya nag mura at presidentiable na presidentiable ang dating niya, ay nalinaw niya sa bayan na siya ay naniniwala sa tinatawag na “rule of law.” Idiniin niya na bilang abogado at dating prosecutor ay naniniwala siya sa due process. Dahil dito ay may …

Read More »

Pakitang tao lamang ang kampanya laban sa kriminalidad ngayon?

NAKATUTUWA na maraming tulak ng droga at sugapa sa ipinagbabawal na gamot ang nasusugpo at maraming kriminal ang nasusupil, pero hindi nakatutuwa na ngayon lamang nagsusumigasig ang mga awtoridad na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Parang lumalabas kasi na kaya may matinding kampanya laban sa illegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad ay dahil paparating na ang nanalong …

Read More »

Kaduda-duda

MARAMI ang mga nagdududa sa ikinukuwento ng papasok na pinuno ng Philippine National Police na si Chief Supt. Ronald Dela Rosa na nag-ambag-ambag daw ang mga nakabilanggong drug lords ng P1 bilyon para sa kanyang ulo at sa ulo ni President-elect Rodrigo Duterte. Isa sa mga nagpahayag ng pag-aalinlangan ay si Msgr. Robert Olaguer, tagapagsalita ng Bureau of Corrections. Aniya, …

Read More »

Tunay na Kalayaan

ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakuhan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Ngayon ay ginugunita ng pamahalaan ang ika-118 taon ng Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Subalit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang …

Read More »

Nakahihiya

DAHIL sa antas ng teknolohiya sa ngayon ay nagagawang i-monitor ng ibang bansa ang mga kaganapan sa ating bayan “in real time.” Kaya isa sa mga trabaho ng mga ambahador ay i-monitor ang galaw at kilos ng isang pinuno ng bansa kung saan sila naka-assign para makagawa ang kanilang gobyerno ng mga patakaran at polisiya na iaangkop sa kanilang paikikipag-ugnay …

Read More »

Patay dito, patay doon… haaay patay na

NAKIKINIG ako noong isang araw sa isang sikat na palatuntunang pang umaga sa radyo nang marinig ko si President-elect Rodrigo Duterte habang nagpapaunlak siya ng isang pulong-balitaan sa mga mamamahayag. Habang mumukat-mukat ako at hawak ang isang tasa na may mainit na kapeng barako ay napansin ko na palagian niyang sinasabi na papatayin niya si ganon o si ganyan. Halos …

Read More »

Nakasusuka ang kawalan ng prinsipyo ng mga pul-politiko

NGAYONG nanalo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bagamat hindi pa siya opisyal na naipoproklama ay dumadagsa na sa kanyang pansamantalang headquarters sa Davao ang laksa-laksang pulpol na politiko o pul-politiko para maka-amot ng poder. Nagbabakasakali ang mga linta at mga walang kahihiyan na makasambot ng posisyon sa administrasyong Duterte. Labis akong nadudu-wal kapag nakikita sa telebisyon ang pagmumukha …

Read More »

Kaya ibinoto ng tao si Duterte…

KUNG totoo ang sinasabi ng mga dilawan na isang halimaw si President-elect Rodrigo Duterte at magkakaroon ng talamak na human rights violation sa panahon ng kanyang panunungkulan, ang tanging masasabi ko lamang ay ito: Kayong mga dilawan ang may kagagawan kaya nanalo si Duterte. Ang kapalpakan ng inyong presidente na si Benigno Simeon Aquino III sa kanyang pamamahala ng bansa …

Read More »

Iboto natin…

NGAYONG araw ng eleksiyon sana ay maging pihikan tayo sa ating mga iboboto. Huwag tayong manghula o magpaimpluwensya sa kung sino-sino lamang. Ano man ang mangyayari, isipin natin na ang ilalagda natin sa mga balota ngayon ang magpapanday ng ating kinabukasan. Kung ako ang masusunod… Ang aking iboboto ay ‘yung hindi mapagmalinis kasi sa aking karanasan ‘yung mga nagmamalinis ang …

Read More »

Filipino mas ginagamit ang puso kaysa utak

ANG mga taga-silangan na tulad nating mga Filipino kadalasan ay kumikilos gamit ang damdamin o puso bilang batayan at hindi ang isip o utak. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay likas na sensitibo o ma-drama kompara sa mga taga-kanluran. Ang pagiging maramdamin din ang dahilan kung bakit tayo may ugaling paligoy-ligoy at hindi sukat ang mga salita. Halimbawa: kapag …

Read More »

Maaaring magbago

MARAMI ang nag-react sa huli kong kolum na nasabi ko na maaring magbago si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at ituwid ang mga kamalian ng kanyang mga magulang sa panahon ng martial law. Ilan sa mga mambabasa natin ay nagsabi na naisulat ko raw ang kolum dahil hindi ako nakaranas ng panunupil ng diktadura ni Marcos. Ang dapat daw ay umamin …

Read More »

Nanganganib ang Kristyanismo (Unang Bahagi)

NITONG nakaraang Semana Santa ay natalakay ko sa aking column na Beyond Deadlines na nanganganib ang Kristyanismo hindi lamang dahil kumokonti ang bilang ng mga mananampalataya kundi dahil nag-iiba ang tingin ng karamihan tungkol sa greed o pagiging ganid at mammon, ang labis na pagkarahuyo sa yaman. Kapansin-pansin ang pagtanggap nang marami sa lipunan sa ugali na pagiging gahaman. Kinikilala …

Read More »

Ang technocrat na kaya???

KAHIT huli na ay ibig ko pa rin magpugay sa mga katuwang natin sa pamumuhay, ang mga kababaihan. Nitong nagdaang Martes ay ginunita ng mundo ang pandaidigang araw nila at dahil dito ay binabati ko kayo mga kababaihan – “Happy Women’s Day.” * * * Ayon sa katoto natin na si Abner Galino na isa sa mga writers ng Beyond …

Read More »

Sadyang walang kahihiyan

SADYANG walang natitirang pagpapahalaga sa kahihiyan ng ating bayan ang pamunuan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Nasabi ko ito matapos payagan ng kanyang administrasyon na maglagay ang Kaharian ng Saudi Arabia ng sarili nilang security x-ray machines sa Ninoy Aquino International Airport dahil umano sa banta ng terorismo laban sa kanilang mga eroplano dito sa lugar natin. Hindi man …

Read More »

Gom-bur-za (Huling bahagi)

Inspirasyon ng himagsikan PERO bakit nga ba napag-initan ng mga prayle sina Gomburza? Nag-umpisa ang lahat nang manindigan si Padre Pedro Pelaez, administrador ng Arkodayosis ng Maynila, para maging sekular ang simbahan sa Pilipinas. Gusto ni Padre Pelaez na ipasa ng mga Kastila sa mga katutubong pari ang pagpapatakbo ng mga diocese, parokya at simbahan, isang bagay na mahigpit na …

Read More »

Tama si Aling Grace

TAMA ang rekomendasyon ni Senadora Grace Poe at ng pinamumunuan niyang “subcommittee on public services” sa senado na imbestigahan kung nagkasala ng graft si Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya at ilan sa kanyang mga amuyong dahil sa kanilang kapalpakan na tugunan ang suliranin kaugnay sa pagpapatakbo ng Metro Rail Transit o MRT. Ayon sa senadora …

Read More »